Chapter 4:

48 0 0
                                        

Pasensya sa mga errors not edited :))
A/N: Kail pronounced as Ka-el

Kail's POV

Inagahan ko talaga ang pasok ko ngayon para hindi na hagardo versosa ang feels ko. Saka hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil don sa sinabi ni Daelan Ferdenand kahapon. Ayoko na ngang magkita kami ulit pero, this time mukhang si ateng Tadhana na talaga ang naglalapit saming dalawa.

"Hoy bruhang Kaila! Bakit ang aga-aga tulaley kana dyan? Anong problema mo?" si Rezie pala na kakarating lang. Pero teka, ako nakatulala?

"Kasalanan to nung Daelan na yon eh."

"Si Daelan? Bakit? Don't tell me kinausap mo nanaman sya? Mayyy Gadness Kail! Akala ko ba tapos na ang kabaliwan mo don?!" sabi nya na parang nanay ko na pinapagalitan ako. Napatampal pa talaga sya sa noo nya.

Nasabi ko na pala ang nasa isipan ko yan tuloy huli nanaman ako.

"Tumigil ka nga Rezie. Ang OA mo talaga. Saka hindi na ako baliw sa kanya no. Sya na ang baliw ngayon" sabi ko naman sa kanya ng nakasimangot. Ipingalandakan pa daw bang nabaliw ako don noon. Pwee nakakasuka!

"Ano naman ang ibig mong sabihin? Na baliw na ang isang Daelan Ferdenand Smith? Di kaya bitter ka lang girl?" tinawanan pa nya talaga ako. Alam nya kasi lahat ng hinaing ko tungkol kay Daelan dati pa eh. Simula first year sya na ang kasa-kasama ko kaya malamang sya ang saksi ng pagiging baliw ko don sa tao.

Sya lagi ang takbuhan ko at taga-punas ng luha ko sa tuwing inaaway at ipinapahiya ako ni Daelan. Sya lang ang nakakaalam ng lahat tungkol sa mga hinaing ko sa buhay. Sya rin ang inuutangan ko kapag wala na talaga akong pera. Masasabi kong si Rezie na yata ang anghel ko. Palagi kasi syang nandyan kapag kailangan ko ng makakapitan at masasandalan. Kahit papaano maswerte na rin ako sa kaibigan kong to.

"Oo bitter ako ng konting-konti. Pero totoo yong sinabi ko may sayad yong Daelan na yon. Mamaya ikukwento ko sayo. Andyan na si ma'am balik kana sa upuan mo. Napag-aalaman talagang chismosa ka eh" napatawa nalang ako ng mag-make face sya dahil hindi na sya makaganti. Pumasok na kasi ang teacher namin.

Ilang oras pa ang ginugol ko sa pakikinig sa unending lessons namin buong umaga. Buti nalang nagawa ko pang makapag-advance review kagabi kahit lumilipad padin ang isip ko sa makahulugang salita ni Daelan kahapon dahil nagbigay ng surprise quiz ang prof namin sa isang subject.

Kailangan ko kasing emaintain ang grades ko para sa scholarship ko. Mahirap na baka mawala to sakin at hindi na ako makapag-aral talaga. Ito ang kaisa-isahang rason kung bakit nakapasok ako sa ganito ka mahal na school.

Wrecking His DevilWhere stories live. Discover now