Kail's POV
Dinaanan ko lang siya nang tingin at direderetsong naglakad papasok sa resto. Ayokong makisali pa sa usapan nila.
Iniwan ko lang saglit ang gamit ko sa locker namin at agad na nagtungo sa kitchen. Nadatnan kong busy si Rose sa paghuhugas ng mga plato sa malaking sink.
"Sa wakas. Mabuti naman at nandito kana Kail," tila nakahinga ng maluwag na bungad niya sa akin.
"Pasensya kana Rose, galing pa kasi akong school. Saka natagalan na rin sa kakahintay nang masasakyan," paliwanag ko sa kanya at agad na nagsuot na rin ng gloves para tulungan siya.
"Ano ka ba. Okay lang, masaya nga ako't dumating kana kasi kanina pa akong nandito at wala pang break," Tiningnan ko siya ng may pag-aalala.
"Pwede ka nang magbreak sandali nandito na naman ako e," suhistyon ko sa kanya dahil ramdam kong pagod na nga siya.
Hindi ko pa naririnig ang sagot ni Rose ng may kumalabit sakin kaya napalingon ako.
"Tawag ka ni Sir Mathew. Pumunta ka munang office may sasabihin daw sayo."
"Ano raw?" Ganting tanong ko kay Ken.
Nagkibitbalikat lamang siya. Nagtungo ako sa office ni Sir Mathew.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto.
“Come in.”
Marahan kong binuksan ang pinto.
“Ipinatawag niyo raw po ako?”
“Maupo ka.” Kaagad naman akong naupo sa upuang nasa harap ng mesa niya.
“I just wanted to apologize about what happened yesterday.” Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang sinabi ni Sir Mathew. Akala ko kasi mapapagalitan na naman ako.
“Alam kong nabigla ka. Kahapon ko lang din nalaman kay Ken na trainee ka lang pala rito. Wala namang nabanggit sa akin si Claire kaya ang akala ko ay regular na trabahador ka rin. Kaya sana ay pagpasensyahan mo na ang naging asal ko.” Seryosong paghingi niya sa akin ng paumanhin.
“Okay lang po sir. Naiintindihan ko po kayo. Alam kong misunderstanding lang po ang nangyari kahapon. Hindi pa nga po pala ako pormal na nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Kaila Aeyen Rudrigo. Pero Kaila nalang ko ang itawag niyo sa akin.”
Napatango naman si Sir Mathew.
“Sige Kaila, makakabalik kana sa kitchen.”
Ngumiti ako nang tipid sa kanya bago pa tuluyang lumabas. Pagkasara ko ng pinto ay napabutong hininga ako. A sighed of relief.
Salamat at mabait naman palang tao si Sir Mathew. Hindi lahat ng gumagawa ng kasalanan kasi ay marunong humingi nang tawad. Lalo na iyong may mataas na posisyon sa trabaho. Mangilanngilan lang ang marunong gumawa niyan.
Masaya akong lumapit kina Rose.
“Masaya ka yata?” Pansin ni Chad ng makalapit na ako sa kanila.
Kaagad kong kinuha ang gloves na hinubad ko kanina at sinuot yon ulit.
“Nag-sorry kasi sakin si Sir Mathew” sagot ko sa kanya.
Pareho silang napatigil sa ginagawa at napatingin sa akin.
“Di nga?” si Chad.
“Totoo?” si Rose.
Nakangiting tumango ako bilang tugon sa mga tanong nila.
“Akala ko nga papagalitan nanaman ako pero humingi siya sakin ng paumanhin.”

YOU ARE READING
Wrecking His Devil
أدب المراهقينDaelan Ferdenand Smith Don't try to get in his way. I'm telling you he's ruthless. He never listened to anyone. What he wants, he gets and I hate him, no scratch that, I loath him for that. I find those who still likes him a fool. Yet ,can't blame...