Kail's POV
Sobrang gaan nang pakiramdam ko habang naglalakad kami ni Ken palabas ng karenderyang iyon. Simula ngayon doon na ako kakain kapag may pasok. Nalaman ko rin kasing mura lamang ang presyo ng mga pagkaing tinda nila.
Hinatid niya ako sa sakayan ng jeep at hinintay pa muna niya akong makasakay bago rin pumara nang sariling masasakyan. Napalitan ng pag-aalala ang gaang nararamdaman ko ng maalalang kailangan ko pa palang makauwi agad dahil baka hinihintay na ako ni Papa. Kailangan ko pang maghanda nang hapunan niya. Hindi pa nakikisama itong sinasakyan kong jeep dahil masyadong mabagal.
Pagkahinto nang jeep ay kaagad na akong bumaba at naglakad sa daan papasok sa amin. Isang kanto pa muna ang madadaanan ko bago makarating sa bahay. Pwede namang sumakay nang tricycle pero madalas nilalakad ko lang talaga dahil hindi naman ganun ka layo at hindi rin naman ako nababahala dahil kilala ko naman ang mga tao rito.
Bago pa ako makapagsimula sa paglakad ay may sasakyang huminto sa harapan ko. Napahinto ako at biglang kinabahan. Hindi ko kasi kilala ang sasakyan at saka masyadong magara. May ilan kaming kapitbahay na may roong sasakyan pero iyong mga masyadong old model na at hindi mamahaling brand na kumikinang kagaya nito. Hindi ako masyadong maalam sa mga sasakyan pero alam kong BMW itong nasa harapan ko ngayon dahil minsan ko nang nakita ang logo nito sa TV.
Lalagpasan ko na sana ng biglang bumukas ang pinto ng front seat nito. Napakunot noo ako ng makita ang taong laman ng sasakyan. Tinted kasi kaya hindi ko nakita kanina kung sino ang driver nito.
“Get in.”
Aba't anong ginagawa nang asungot na 'to dito? Kanina lang magkasama sila ni Claire at ngayon nandito nanaman siya? Iniwan niya ba 'yon? Syempre hindi, Kail. Girlfriend niya 'yon bakit niya iiwan? At iiwan niya para kanino? Para sa'yo? Pinilig ko ang ulo ko at pakiramdam ko nababaliw nanaman ako sa kakakausap sa sarili ko.
“Anong ginagawa mo rito?” may pag-aakusang tanong ko.
“Bakit sa tingin mo?” he gave me a bored look.
“Aba't kaya nga tinatanong kita diba? Tapos sasagotin mo rin ako ng isa pang tanong. Huwag ka ngang pilosopo!” Tinignan ko siya ng matalim.
“Bakit ba ang dami mong tanong? Pumasok ka na lang kasi para makauwi kana.” Iritado niyang tugon sa akin.
“At bakit naman ako hindi magtatanong kung sa gitna ng gabi ay bigla ka nalang haharang sa dadaanan ko kasama ng magara mong sasakyan? 'Wag mo nga akong pinaglololoko, Ferdenand. Anong ginagawa mo rito? Sa pagkakaalam ko wala namang mayamang nakatira rito sa lugar namin.” Narinig ko siyang napabuntong hininga bago tumingin sa akin ng deretso.
“Just get in, will you? Ihahatid na kita sa inyo. Madilim na at patay ang ilang street lights.” Napatingin ako sa kalsadang dadaanan ko. Patay nga ang ilang ilaw sa mga poste hanggang sa dulo at madilim. Pero sanay naman akong maglakad kahit madilim. Isa lamang ito sa mga gabing umuuwi akong gaya nito.
“Huwag mong sabihin na sinundan mo ako hanggang dito para lang ihatid ako-”
“Just get in, Kaila Aeyen” umigting ang panga niya at halata na ang pagkainis sa kanyang boses.
This is just another encounter with the old Daelan Ferdenand. But this time around I won't let him rule over. Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya sumusulpot kung saan man ako. But I have an idea that this is again about his ego. But I won't give this to him. I'm no longer the old Kail. The Kail who's always willing to satisfy and feed his ego.
Tinalikuran ko siya at naglakad nang muli. Hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy lamang sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang parte ng daanang wala ng ilaw sa mga poste. Madilim pero kahit papano nakikita ko pa rin naman. Natigilan ako ng biglang lumiwanag ang dinadaanan ko.

YOU ARE READING
Wrecking His Devil
Teen FictionDaelan Ferdenand Smith Don't try to get in his way. I'm telling you he's ruthless. He never listened to anyone. What he wants, he gets and I hate him, no scratch that, I loath him for that. I find those who still likes him a fool. Yet ,can't blame...