Kail's Pov
“Anong nangyari?” tungkol agad doon ang naging tanong ni Rezie ng magkita kami sa classroom.
“Wala.”
“Anong wala? Pinag-uusapan nang lahat ang tungkol sa nangyari sa tagpuan ninyo ni Daelan.” napasimangot ako. Tagpuan namin ni Ferdenand? Nakakaloka. “Tapos sasabihin mo saking wala? Baliw ka talaga!”
I sighed and looked away. Alam kong hindi niya ako tatantanan. Bakit kasi ang daming chismosa't chismoso sa paligid? Bakit hindi nalang nila pagtuunan ng pansin ang mga sarili nilang buhay?
Hindi ko na inimik si Rezie. Mananahimik din naman 'yan kapag alam niyang ayaw kong magsalita.
Kinuha ko sa kit ko ang band aid at maingat na inilagay iyon sa sugat ko. Medjo marami ang dugo kaya nilinis ko muna iyon gamit ang bulak at tubig.
Nakaramdam ako ng hapdi.
“Pumunta ka nalang kaya ng clinic, Kail. Mukhang lalong mamamaga 'yang sugat mo.” napangiwi siya matapos makitang dumudugo pa rin ang sugat kahit na dinadampian ko na ng bulak.
Hinipan ko iyon at napakagat labi nang maramdamang muli ang hapdi. Napabuga ako ng hangin.
“Mamaya na, pagtapos na ang long quiz natin.”
“Huwag ka nalang kayang pumasok sa trabaho mo mamaya?” napatingin ako sa kanya at ngumiti.
“Titingnan ko, Rez. Mukhang kaya pa naman.” she pouted.
“Hay naku! Bakit kapa kasi nagtatatakbo kanina? 'Yan tuloy! Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Daelan?”
Tsss. Isa rin siyang chismosa e. Kung hindi ko lang kaibigan 'to, ang sarap hambalusin.
“Walang nangyari sa amin ni Ferdenand, Rezie. Wala lang talaga siyang magawa sa buhay at ako ang pinagtitripan niya.”
Ibinalik ko na sa loob ng bag ko ang kit at umayos na sa pagkakaupo. Nasa likuran ko si Rezie kaya hindi ko na siya kita ngayon.
“The last time I checked, hindi ka naman trip ni Daelan, Bess.” Oo nga naman.
“Ewan ko. Sa unggoy na 'yon mo itanong.”
I heard her murmur something but I am not interested at all. Kung ang laman ng pag-uusapan namin ay tungkol kay Ferdenand, mas mabuti pang huwag na kaming mag-usap. I don't get it why people are so interested with other people's business. Why can't they just mind their own.
Kaagad akong lumabas ng room at nagpunta nang clinic matapos ang quiz namin. Ngumiti ako sa nurse na bumungad sa akin matapos kong buksan ang pinto.
Kaagad niya naman akong dinaluhan ng mapansin ang paikaika kong lakad.
Muling nilinis nang nurse ang sugat ko bago nilagyan nang gamot. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Walang ibang tao bukod sa amin ng nurse.
“Mag-iingat at magdahan-dahan ka sa paglalakad, Miss. Para hindi mairita at mamaga lalo ang sugat mo. Ipahinga mo na muna 'yan sandali. Maiwan na kita.”
Ngumiti at nagpasalamat ako bago siya umalis. Magpapahinga na muna ako para kapag bumuti na ang lagay ng paa ko ay makakapasok pa ako mamaya sa trabaho. Hindi pa naman ako nakapagpaalam.
May isang subject pa akong natitira pagdating nang alasdyes hanggang tanghali kaya hindi na ako masyadong nagtagal pa sa clinic. Dumeretso ako sa klase at hinintay na iyong matapos.
Bago pa mag dismiss ang prof namin ay kinalabit ko si Rezie na nakaupo lang sa harapan. Napalingon siya sa akin.
“Bes, pwede bang makisabay ako sa'yo mamaya?”
![](https://img.wattpad.com/cover/92822064-288-k561547.jpg)
YOU ARE READING
Wrecking His Devil
Teen FictionDaelan Ferdenand Smith Don't try to get in his way. I'm telling you he's ruthless. He never listened to anyone. What he wants, he gets and I hate him, no scratch that, I loath him for that. I find those who still likes him a fool. Yet ,can't blame...