Kail's POVPagkatapos umalis ni Daelan inaya na ako ni Claire sa office daw nila.
Madami siyang sinasabi tungkol sa mga dapat kong matutunan daw. Jusme naman kasi sa coffee shop lang ako magtatrabaho. Kung tutuosin basic lang naman dapat ang kailangan kong training. Sa mga sinasabi nya sakin parang hindi naman coffee shop ang pagtatrabahoan ko.
Pero syempre nakikinig parin naman ako sa mga sinasabi nya at tinatandaan ko naman kahit papaano.
"So, yan lang ang dapat mong tandaan. And I guess you did manage to catch up naman, " sabi nya sakin pagkatapos naming magtour sa mga kasangkapan sa kitchen.
"Yes of course Miss Claire. "
"Oh! And one more thing. Don't call your boss by first name basis, it's so improper, as well as your customers." Pagkatapos nyang sabihin yon ay iniwan na nya ako sa kitchen.
I was caught off guard. Ano raw? Boss? Hindi naman sya ang magiging boss ko ah? Improper bang tawagin syang Miss?
Ang labo naman ng babaeng to. Napapailing nalamang akong sumunod sa kanya.
"Ma'am Claire nakalimutan nyo po yatang ibigay kay sir Daelan ang be-nake nyong cake para sa kanya."
Napalingon ako sa isang crew na syang nagsalita at may hawak-hawak na heart-shaped na cake. In fairness ma effort ha, daming kulorete eh. Pero ang mas naka tawag ng pansin ko ay ang flavor nito.
"Hindi ba allergic si Dae– sir Daelan sa blueberry?" Tanong ko sa kanila.
"Naku, mukhang hindi naman paburito nga nya 'to eh," mabilis na tugon naman ni Reza, isa sa mga crew.
"Oo nga naman. Where did you get that idea. Well in fact it's his favorite ever since," biglang naguluhan naman ako don. Paanong? Sa pagkakaalam ko allergic talaga sya sa blueberry eh.
"Ah..hula ko lang po. Akala ko kasi allergic sya eh. Sige po labas lang po ako," at pilit akong ngumiti sa kanila.
Bago pa akong tuluyang makaalis sa harap nila ay nakita ko pang napaangat ang dulo ng kilay ni Claire. Pero hindi ko na pinansin.Habang naglalakad na ako papuntang CR ay napapaisip pa rin ako tungkol don sa cake. Hindi kasi pwede. Paanong?
FLASHBACK
Para akong baliw na nakangiti habang nakasandal patayo sa puno. Hindi pa ako nakuntento at niyakap-yakap ko pa ang puno. Alam ko nagmumukha na akong tanga dito pero wala eh. Masaya lang talaga ako.
Ito kasing puno ang madalas sandalan ni Daelan my loves. Ito kasi ang tambayan nya at sa tabi ng puno ay may isang bench. Pwede rin namang don ako maupo pero kasi hindi naman don umuupo si Daelan my loves kaya kere na ako dito sa puno.
Nakita ko syang papalapit na kaya nagtago muna ako sa likod ng puno. Masyadong malaki ang punong to kaya kumpyansa akong hindi nya ako makikita. Ng malapit na sya ay lumabas na rin ako para gulatin sya.
"As always, asa naman akong magugulat kita," sabi ko nalang.
Ni kumurap kasi hindi nya manlang nagawa. Kahit magpanggap manlang na nagulat ay di nya magawa. Ang suplado talaga.
"Pasalamat ka mahal kita," pabulong lang ang pagkakasabi ko nun pero narinig nya parin kasi napataas sya ng kilay.
Kaloka talaga to si myloves parang babae lang makataas kilay eh.
Umupo na sya. Pero this time sa bench sya umupo. Naku! Makikiss ko to mamaya ang bench na to eh ang swerte nya lang kasi.
"Kung dadaldal ka lang din nan dyan at gugulohin mo lang din naman ako, just go, and leave quietly," ay mainit na agad ulo ni myloves.

YOU ARE READING
Wrecking His Devil
Novela JuvenilDaelan Ferdenand Smith Don't try to get in his way. I'm telling you he's ruthless. He never listened to anyone. What he wants, he gets and I hate him, no scratch that, I loath him for that. I find those who still likes him a fool. Yet ,can't blame...