Chapter 12

47 0 0
                                    

Kail's PoV

Hindi ako makapaniwala na nandidito nanaman ako ngayon. Hilaw na napangiti ako sa guard ng condominium ni Ferdenand. Nagdadalawang isip pa kung papasok ba ng building o hindi. Tinignan ko ang taas ng building at maya maya ay ibinalik ang tingin sa guard. Napakamot ako ng ulo at mahigpit na humawak sa aking shoulder bag.

Naiinis na napabuntong hininga at tumalikod na para umalis. Bakit pa kasi naisipan kong tulungan si Kuya Quartz? Minsan talaga hindi ko kontrolado itong bunganga ko.

“Ma'am, may kailangan po kayo?” napalingon ako sa guard. Paano kaya kung.... Huwag na nga! Si Kuya talaga aalis na nga ako saka pa magtatanong.

“May...idea po ba kayo kung nandiyan si Daelan Smith?”

Napakunot naman ang noo ni Kuyang guard. Iniisip siguro nito na nababaliw na ako sa tanong ko dahil pwede naman akong kusang umakyat at alamin mismo.

“Hindi po ako sigurado ma'am. Pero parang hindi pa naman po nakakalabas ang sasakyan ni Sir,” tumango ako. Bahagyang napatingin ng may pagdududa sa akin si Kuyang gaurd. Nagtataka siguro sa tanong ko.

“Nag-LQ nanaman po ba kayo?” Napatawa ako ng malakas sa tanong ni Kuyang iyon.

Oo nga pala. Madalas niya akong nakikitang nakasunod kay Ferdenand noon na dinidedma naman ako. Lagi ay pinagkakamalang may LQ daw kaming dalawa.

“Naku wala po! May kailangan lang po sana ako sa kanya. Sige po aakyat nalang po ako.”

“Hindi na po kayo aalis?” Hilaw na napangiti ako kay kuya saka umiling. Ang atribida naman masyado ni kuya. Tumuloy na ako sa elevator at pinindot ang palapag ni Ferdenand.

Ano nanaman kaya ang sasabihin ko kapagka nagkita na kami. Malamang iinsultohin nanaman ako noon. Noong isang araw lang pinaalis ko siya sa bahay tapos ngayon naman ay ako nanaman itong sumusugod sa kampo niya. Huminto na ang elevator at kaagad akong nagpasyang lumabas nang makita ang dami ng gustong sumakay rin at lahat ay naggagwapohang kalalakihan. Nawala ang pagdadalawang isip kong puntahan si Ferdenand. Nasa-heaven na ba ako? I mentally pinched my hand. Napayoko ako ng mapansing lahat sila ay nakatingin sa akin. Bago pa ako makayoko ay kinindatan ako ng nasa pinakaharap ko.

Lahat naman sila ay tumabi upang bigyang daan ako. Nakahinga ako ng maluwag ng sumara na ang elevator. Lagi ba sila rito? Pinilig ko ang aking ulo. Ano nanaman itong pumapasok sa isip ko? Hindi na nadadala. Humarap na ako at kaagad na napahawak sa ulong nabunggo sa isang matigas na bagay.

Napaangat ako ng tingin. Hindi pala bagay. Hayop pala. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Ferdenand.

“What are you doing here?” Umatras muna ako dahil masyadong malapit siya sa akin. Bahagya paring nakahawak sa noo ko.

“Hinahanap ka ni Kuya Quartz.” tinaasan niya ako ng kilay. Ibinaba ko na ang kamay. Alam kong hindi naniniwala ang unggoy na to. Hindi manlang nagsorry.

“At bakit ikaw ang nandito? Kailan kapa niya naging utusan?” I glared at him. Ano pa nga ba? Hindi uso ang pakiusap at pakisuyo sa kanya. Kaya malamang hindi niya maiintindihan ang pabor na ginawa ko.

“Kung sana hindi ka M.I.A. sa responsibilidad mo sana hindi ko na kailangang mag-aksaya ng panahon para puntahan ka rito. Ang yaman mo nga wala namang kwenta iyang cellphone mo. Kahapaon kapa raw kinokontak pero hindi ka sumasagot. Kailangan ka nga raw. Kayo na ang mag-usap ni Kuya Quartz at aalis na ako.”

Mabilis akong naglakad pabalik sa elevator. Thankfull, dahil kaagad naman iyong bumukas at hindi na ako naghintay ng matagal. Bago magsara ang pinto ng elevator ay tanaw ko pa siyang may kinakausap sa cellphone.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wrecking His DevilWhere stories live. Discover now