Kail's POV
Napabalikwas ako ng bangon sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Kailangan ko ng mag-ayos baka malate pa ako sa una kong klase. Bumangon na ako't inayos ang higaan ko. Napakurap-kurap ako ng mata habang tinitiklop ang kumot ko. Teka parang may nakalimutan ako?
"Oo nga pala!" si Ecka nga pala. Dali-dali akong lumabas ng bahay para hanapin sya.
Nadatnan ko naman si Papa na nagkakape sa sala namin. Hindi ko pinansin si Papa at nagtuloy-tuloy lang ako patungo sa kusina. Pero wala rin siya don. Maliit lang naman ang bahay namin kaya siguradong wala sya dito sa loob kaya lumabas na ako. Lumabas na rin ako ng bahay. Wala akong pakialam kahit hindi pa ako nakakapaghilamos. Ang mahalaga makita ko si Ecka. Saan na ba nagpunta ang batang yon?
"Ecka?"
" Ecka?"
" Ecka?!"
Hindi ko sya nakita kaya pumasok nalang ulit ako sa loob ng bahay. Nakakunot ang noo ni Papa ng makapasok na ako.
"Oh Kaila, sino ang hinahanap mo? Kiaga-aga sigaw ka ng sigaw dyan sa labas" puna sakin ni papa.
"Wala po papa. Ah... may... nakita po ba kayong bata dito kanina pagkagising nyo?" tanong ko nalang sa kanya baka sakaling nakita nya si Ecka. Mas lalo namang kumunot ang noo nya kaya alam ko na ang sagot. Baka magtalo pa kami nito mamaya mas mabuti pang wala syang alam.
"Di bale na po. Mag-aayos na ako, papasok pa po ako" sabi ko at pagkatapos ay pumasok na sa kwarto ko.
Ilang minuto nalang magsisimula na ang una kong klase pero heto parin ako nakikipagpatintero sa kapwa ko estudyante na siguradong late na din. May elevator naman paakyat sa mga building pero puno lahat at may nakapila pa sa labas ng bawat pinto. No choice kaya mas pinili ko nalang na gumamit ng hagdan mula sa first floor papuntang third floor. Lakad takbo ang ginawa ko bago makarating sa room number ko.
Badtrip kasi yong jeep na sinakyan ko nagka-aberya pa sa gitna ng daan. tsk...tsk.
"Rudrigo.."
"Present Ma'am!" ayos! mabuti nalang talaga at timing ang pagpasok ko sa pinto. Nagr0-r0ll call pala ang Teacher namin.
Mabilis natapos ang klase ko kaya kaagad naman akong naghanap ng mapapasukan.
Naging mabilis ang araw ko pero kahit ganun feeling ko ang haba pa rin ng bawat oras kasi ilang trabaho na ang napuntahan ko pero wala parin. Kahit ganun naniniwala pa rin ako sa swerte dahil nakakuha ako ng trabaho kahapon.
"Sandali Kail! Bakit ka ba nagmamadali? Hintayin mo naman ako, sabay na tayo" narinig kong sigaw ni Rezie pero hindi ako huminto sa pagtakbo.
"May lakad ako ngayon Rezie mauna kanang umuwi. Wag mo na akong hintayin pa" nagawa ko pang isigaw pabalik kay Rezie bago ako makapasok ng tuluyan sa elevator para mas mabilis akong makakababa ng building.
Baka malate na kasi ako sa usapan namin ni Manager Kim. Ngayon kasi ang unang araw ko sa training. Three days lang naman ang training ko kaya kailangan kong magpa-impress. Pero ang sabi ni Manager Kim kapag na-catch up ko agad ang mga ituturo sakin mas mabilis kaming matatapos. Pwede naming gawing two days nalang.
Patakbo ko pa ring tinungo ang sakayan ng jeep. Hinihingal pa ako pero hindi ko agad pinalagpas ang unang dumaang jeep at sumakay ako agad. Hindi ko alentana ang bigat ng mga librong laman ng backpack ko. Mabuti na rin at flat shoes ang suot-suot ko. Kahit papano hindi mamamaga ng todo ang paa ko.
Pagkababa ko ng jeep lakad takbo din ang ginawa ko papasok sa coffe shop. Huminto muna ako sa labas ng coffee shop at pinantay ang paghinga ko. Inamoy amoy ko din muna ang sarili ko baka amoy pawis na ako at nanglalagkit sa ginawa kong marathon mula school hanggang dito. Hindi pwedeng maturn-off sakin ang trainor ko. Baka hindi pa ako tuluyang tanggapin mahirap na. Sinipat ko din muna ang sarili ko sa maliit na salamin na palagi kong dala-dala. Nang makuntinto na ako sa nakita ko ay binalik ko na ulit ang salamin sa loob ng bag ko. Medjo amoy pawis na ako ng konti pero nangingibabaw pa rin ang pabango kong baby cologne. Hindi kasi ako mahilig sa mga matatapang na pabango kaya stay put lang ako sa baby cologne.
YOU ARE READING
Wrecking His Devil
Roman pour AdolescentsDaelan Ferdenand Smith Don't try to get in his way. I'm telling you he's ruthless. He never listened to anyone. What he wants, he gets and I hate him, no scratch that, I loath him for that. I find those who still likes him a fool. Yet ,can't blame...