Chaper 9

46 0 0
                                        

Kail's POV

Ilang beses akong kinulit ni Ken na sabihin sa kanya ang problema ko pero hindi ako kumibo. Sabay kaming umalis ng library at pumuntang resto. Napansin niya raw ang pananahimik at pagiging masungit ko sa araw na ito.

I tried to be as nice and energetic as I am when I'm with him but it seems that... I just don't feel like it today. I feel a heavy thing in my chest. It's not because of ,,,,Ferdenand...right?

Ipinilig ko ang aking ulo sa labo ng mga iniisip ko. Kaya ko nga siya iniwasan kasi hindi siya nakakabuti para sa akin. Pero bakit mas lalong lumalala yata ang pakiramdam ko? It feels so weird. It sucks honestly!

"Hey! You okay?"

Napabaling ako kay Ken.

"Ah..O-oo."

Umiwas ako ng tingin at pumikit saglit. Kailangan kong gisingin ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi wala ako sa sarili ko ngayong araw. I can't be like this the whole time when I have a job to attend to.

Get yourself together Kail!

Sabay kaming pumasok sa locker room at iniwan ang aming mga gamit. Napalingon ako sa banda ni Ken ng hiniwakan niya ako sa balikat.

"Sigurado kang, okay kalang, Ganda?" he sounded so worried.

"Okay lang ako, Ken." I assured him.

"Pwede ka namang magbreak muna saglit bago magsimula. I know you're tired."

"Really, Ken. I'm okay." ngumiti ako para mas lalo ko siyang makumbinsi.

"Halikana nga!" at hinatak ko na siya papasok ng kitchen.

Hindi masyadong busy ang loob ng kitchen ng pumasok kami. Mag-aalastres na kasi kaya wala ng masyadong customers.

Pumunta agad ako kila Chad at Rose kaya hindi na muling nakatanong pa si Ken sa akin. Isa pa ayokong pag-usapan pa. Hindi ko rin kasi maintindihan ang nararamdaman ko.

Ilang saglit pa ay naging busy na rin ako sa pabalikbalik na pagdala nina Reza ng mga plato.

Mabilis na natapos ang shift ko ngayon kaya maaga rin akong nakaalis sa resto. Hindi na muna sumabay si Ken sa akin dahil may night class pa raw siyang papasukan. Bago paman siya nagpaalam sa akin ay bilin niyang tatawag siya mamayang gabi. Hindi ko rin naman alam kung bakit. Pero hinayaan ko nalang siya. Tutal ay magrereview lang naman ako mamaya.

Bago maglakad papasok sa amin ay dumaan muna ako ng convenient store para bumili ng band aid. Kumuha ako ng isang box at kaagad na binayaran iyon sa cashier. Masyado kasing masakit na ang paa ko. May kaunting sugat pala ako at medjo mamulamula na. Pakiramdam ko kunti nalang matatanggal na yong balat ko kaya nilagyan ko na ng band aid. Para kahit papano ay maibsan ang hapdi sa tuwing sasagi sa sapatos ko ang parteng iyon ng paa ko.

Marahan akong naglakad palabas ng store. Patigiltigil at paika ika ako sa paglalakad dahil masyadong sumakit pa lalo ang sugat ko. Kalaunan ay napatigil ako sa paglalakad at ipinikit ang mga mata ko. Kainis! Ang sakit! Bakit ngayon pa? Medjo malayo pa ang lalakarin ko!

May naririnig akong papalapit na sasakyan kaya tumabi ako sa daan baka mabangga pa ako, mahirap na. Yumuko ako at sinuri ang lagay ng paa ko. Tinanggal ko ang kakalagay ko lang na band aid. Napangiwi ako ng makitang sumabit sa band aid ang balat ko at tuluyang natanggal.

Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko ng maramdaman ang hapdi na dulot ng maliit kong sugat. Napatingin ako sa paligid. Madilim na at walang masyadong tao. Wala naman sigurong makakapansin kung maglalakad akong nakapaa. Right, Kail, nababaliw kana naman. Napabuga ako ng hangin at hinubad na ang sapatos ko.

Wrecking His DevilWhere stories live. Discover now