Kail's POV
Mabilis kaming nakarating sa bahay. Pagkahinto ng sasakyan ay mabilis akong bumaba at nagpasalamat sa kanya. Hindi ko na hinayaang makapagsalita sya at pumasok na ng bahay namin. Nadatnan kong naghihintay si Papa sa sala.
"Bakit ngayon ka lang?"
Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na nagpa-part-time job ako.
"May nakuha po kasi akong part-time job. Maluwag naman ang schedule ko kaya sayang naman po kung wala akong gagawin. Saka para makatulong na rin po ako sa inyo kahit papaano."
Tumingin lang sa'kin si Papa pero hindi na nagkumento pa sa sinabi ko.
"Sino naman 'yong naghatid sa'yo?"
Hindi ko inaasahan na tatanungin niya sa'kin 'yon. Iniwas ko ang mga mata ko mula sa pagkakatingin kay Papa. Hindi kasi ako sanay na nagsisinungaling sa kanya.
"A... kaklase ko po. Nadaanan nya kasi ako kaya nakisabay na ako galing sa pinagtatrabahuan ko."
Tumango lang si Papa kaya nagpapasalamat ako dahil hindi na sya nagtanong pa. Wala rin namang alam si Papa sa mga kalukohang ginagawa ko at ayaw ko rin namang ipaalam pa sa kanya.
Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis na. Kahit pagod ay minabuti ko ng lumabas na para maghanda ng hapunan namin. Nadaanan kong nakahiga na si Papa sa sofa. Nakaidlip na yata.
Pumunta na rin ako sa kusina para magluto. Mukhang may pera yata sya ngayon dahil may nabuksan akong pang ulam namin sa ref.
Mabilis lang naman ang ginawa kong pagluto. Mayamaya pa ay ginising ko na si Papa para maghapunan.
"Mauna kanang kumain. Busog pa ako," sagot nya sakin kaya pinabayaan ko na lang.
Nauna na nga akong kumain at minadali ang pagligpit nito kasi ramdam na ramdam ko na talaga ang pinagsamang antok at pagod.
Naisip ko ang lahat ng mga nangyari sa araw na to. Pano na kaya bukas kapag papasok nanaman ako ron sa restaurant ni Claire?
Sa totoo lang nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. Nahihiya at naiinis. Yong tipong wala ka namang nagawang kasalanan pero napagalitan ka.
Naiinis pa rin kasi talaga ako. Hindi ko kasi ugaling mapagalitan ng nakakatanda sa'kin.
Iwinaksi ko na ang iniisip ko. Bahala na ulit si batman bukas.
Pagkalapat ng likod ko sa kama ay nag-sign of the cross na agad ako.
Mukhang hindi ko pa matatapos ang prayer ko.
****
Napabalikwas ako ng bangon at pinatay ang naghuhurumintadong alarm ng cellphone ko. Antok na antok pa talaga ako kaya lang kailangan ko nang bumangon.
Alas singko palang ng umaga kaya gusto ko pa sanang matulog. Pero hindi, dapat kong labanan ang antok kailangan ko pang magreview ng notes ko. Sa sobrang pagod ko kagabi nakalimutan ko may oral quiz nga pala kami ngayon sa first subject namin.
Naghanda na rin ako ng almusal. Pagkatapos kong magreview ay saktong nagising na rin si Papa.
Tinignan ko ang orasan. Grabe, bakit pagnagmamadali ka mabilis din ang oras?
Mabilisan lang ang naging kilos ko at mayamaya pa ay nasa school na rin ako.
Papasok na ako sa room ng sakto ring kasunod ko lang pala si Rezie.
Napansin kong ngiting-ngiti sya. Ano kayang iniisip ng baliw na to?
"Hoy! Ba't ngiting-ngiti ka dyan?" Tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
Wrecking His Devil
JugendliteraturDaelan Ferdenand Smith Don't try to get in his way. I'm telling you he's ruthless. He never listened to anyone. What he wants, he gets and I hate him, no scratch that, I loath him for that. I find those who still likes him a fool. Yet ,can't blame...