💞DMC 8💞

309 31 153
                                    

Kyle's POV

Nakauwi na kami galing bakasyon at lahat ng tao ay nagtaka sa pagiging close namin ni Grachelle. Malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang usapan nina Dave, Ken at Migz. Mga kaklase at tropa ko pa rin sila. Solid friends din kami kaya walang iwanan kahit highschool na.

Dito sa school kami ang tinaguriang little F4. Kasing guwapo kasi kami nina Li Min Ho ng Boys Over Flower. Huwag na kayong kumontra dahil totoo iyon kahit itanong mo pa sa mga babae dito sa school. Huwag lang kay Grachelle dahil tiyak na siya ang unang kokontra doon.

"Uy! Mukhang may himalang nagaganap dito ah," ani Migz. Siya ang genius sa tropa. Siya ang taga-gawa ng assignment namin at kinokopyahan namin. Ganoon talaga, minsan kasi nakakatamad mag-review at mag-isip ng sagot sa assignment lalo na kapag math. Serious type pero may kalokohan ding tinatago kapag kami-kami na lang ang magkakasama.

"Oo nga 'tol. Mukhang may something," waring kinikilig pang sabi ni Ken. Siya naman ang pinakamagulo sa aming lahat. Pinakamaingay at maraming kalokohan. Sa kanya lang ako nahawa ng kakulitan.

Siniko pa nito si Dave na ngiting-ngiti ring nakatingin sa amin ni Grachelle.

Sabay kami ni Grachelle na pumasok sa school. Hinatid kami ni Mama. Dinaanan namin siya sa bahay at sa sasakyan pa lang ay binalaan na kami ni Mama na bawal kaming mag-away. Kapag nabalitaan daw niya kay Tito na napunta na naman kami sa principal's office ay siya na mismo ang magpapa-kick out sa amin ni Grachelle. Siyempre takot lang namin 'di ba?

"Mga tukmol, ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" maangas na tanong ko nang makalapit na ako nang tuluyan sa kinatatayuan nila. Nakatambay sila sa corridor malapit sa classroom. Hindi pa kasi oras ng klase kaya't marami pang estudyante ang nasa labas.

"Kayo na ba?" agad na tanong ni Dave. Siya ang tropa kong parang may sariling mundo. Napaka-moody din. Minsan sobrang saya, minsan naman hindi mo maintindihan kung anong iniisip. May pagka-weird. Kaya hindi ko rin alam kung paano ko naging kaibigan ang isang ito.

Ang lapad ng pagkakangiti nito habang nagsasalitan ang tingin sa amin ni Grachelle. Katabi ko lang siya na nakataas ang kilay at nakahalukipkip. Mataray face as always.

"Hindi pa, but we're friends now." Umakbay pa ako kay Grachelle kaya halos sabay-sabay silang napamulagat. Laking-laki ang mata na akala mo ay nakakita ng multo.

"It's a miracle!" bulalas pa ni Ken na may pagtaas pa ng dalawang kamay.

"No brother, it's Kyle and Grachelle," pabirong sabi naman ni Dave.

Pinagdikit pa nito ang dalawang daliri na wari'y sinesenyas na may relasyong nagaganap sa amin ni Grachelle. Mga malisyoso talaga. Sabay-sabay pa silang nagtawanan.

Siniko naman ako ni Grachelle kaya napadaing ako at napabitaw sa pagkakaakbay sa balikat niya.

"Friend not boyfriend kaya no touch okay?" Umirap pa ito sa akin. Ang cute talaga niyang magtaray. Bagay na bagay.

"Okay. Okay. Highblood ulit? Remember, no war kundi kick out." bantang-paalala ko sa kanya.

She rolled her eyes. " Fine. Pero bawal talaga ang feeling close. Uso ang distansya."

Hanep talaga sa ilap ang babaing ito.

"So, may ganoon pala. Iyan ba ang resulta ng bakasyon ninyo?" ani Migz.

"Parang ganoon na nga," sagot ko.

"Ayos!" tuwang-tuwa si Dave na akala mo ay nanalo sa lotto napatalon pa ito. Over acting naman maka-react ito. "Love you 'tol! Galing mo! Yes!"

Niyakap pa ako kaya itinulak ko. Ang weirdo talaga nito. Huwag naman sanang malansa ang hasang nito. Naku, wala akong tropang bading ha?

"Nababakla ka na ba?"

Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon