This chapter is dedicated to
BeyondTheLetters
(Scarred)Iyon po ang kanyang libro kung saan mababasa ang isa sa mga character na nabanggit sa chapter na ito. His story is unique and you will surely love it.
Grachelle's POV
Nagsasayaw kami ni Kyle nang biglang dumating si Ysabelle. May sasabihin sana sa akin si Kyle ngunit hindi na niya iyon naituloy. Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon nang yayain siya nito na sumayaw. Bumalik na lang ako sa mesa.
Ewan ko ba kung bakit apektado ako tuwing magkasama ang dalawa. Ako naman ang may gusto nito. Ako naman ang dahilan kung bakit nagpa-make over si Ysabelle at napansin siya ng mga tao. Higit pa roon siya ang nanalo sa Junior Princess. Okay lang naman sa akin pero bakit parang hindi naman.
Siguro dahil si Kyle ang tinanghal na Junior Prince at naging kapareha niya? Hay ewan! Bakit ko ba iniisip iyon? Ano bang pakialam ko sa makulit na lalaking iyon?
Napahalumbaba ako sa lamesa. Ako pa rin mag-isa ang narito dahil abala pa rin sa pagsayaw sina Jovelyn at Dave. Gayon din sina Ken at Migz kasama ang mga partners nila.
"Here comes the loser." Napalingon ako sa narinig kong nagsalita sa likuran.
"Ikaw na naman? Hindi ka pa ba nadadala, Jasmine?" Kasama nito ang kaklase naming si Carlo. Nakaabrisyete ito rito.
"Oopps... affected ka ba? Sorry ha? Natalbugan ang beauty mo at hindi lang iyon, pati ang date mo napunta na sa kanya." Tumingin ito sa gawi ni Ysabelle at Kyle. "So ano ka ngayon, loner na loser pa!"
Sumusobra na talaga ang babaing ito. Masyado na talagang matalas ang dila nito.
Automatikong tumaas ang kilay ko at napatayo ako sa kinauupuan ko. Umakyat ang dugo sa ulo ko hanggang kusang umangat ang kanang kamay ko sa ere. Aktong sasampalin ko na ang bruhang ito ngunit biglang may pumigil sa braso ko.
"Symond?" sambit ko. Napalingon ako sa lalaking may hawak ng braso ko.
"Huwag mo na lang siyang pansinin. I can be your date kung iniwan ka ng date mo."
Tss... isa pa itong pampasira ng gabi.
"Halika, sayaw tayo." Hinila na niya ako sa dance floor. Naiwan si Jasmine at ang kasama nito na nakatingin sa amin. Wala naman akong nagawa kundi ang makipagsayaw sa nakakabuwisit na lalaking ito.
"You're so beautiful, Grachelle." Ngiting-ngiti pa ito habang nakatitig sa akin. Nakakailang.
"Alam ko iyon, matagal na," naiinis kong sagot. Umiwas ako sa mga titig nito at hindi sinasadyang mapabaling ang tingin ko sa nagsasayaw pa ring sina Ysabelle at Kyle. Parang may biglang tumusok na kung ano sa puso ko.
Why do I feel this way? Nakakainis.
Napansin kong sa akin nakatingin si Kyle at hindi sa kapareha niya. May binubulong si Ysabelle sa kanya ngunit waring hindi siya nakikinig at seryosong nakatingin sa akin. Nakakatakot ang titig niya, parang galit.
"Hey, are you listening?" tanong pa ni Symond kaya napatingin akong muli sa kanya.
"Pagod na ako," matamlay na sabi ko saka bumitiw sa pagkakahawak sa balikat nito. Aktong hahakbang na ako nang pigilan nito ang aking kamay.
"Kakaumpisa pa lang nating magsayaw, pagod ka na agad? Can you give me some more time?"
Tumaas ang kilay ko sa kakulitan ng lalaking ito. "Ang sabi ko, pagod na ako. Gusto mo bang english-in ko para maintindihan mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/96191427-288-k820398.jpg)
BINABASA MO ANG
Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay)
Romance[Completed] "Maybe the start of our lovestory was cliché but i will make sure that your future with me will be very unique." Cliché pa sa cliché na mga love story. Magkaaway mula pa sa pagkabata sina Grachelle at Kyle. At kahit mag-bff ang mga pare...