Vinz Kyle's POV
"Kayo na namang dalawa?" galit na tanong sa amin ni Mrs. Dela Cruz, ang principal ng St. Dominic Academy. Nakatayo ito at nakatuon ang dalawang kamay sa lamesa. Halos lumabas na rin ang litid nito sa leeg, maging ang puti nitong buhok sa ulo ay hindi na mabilang dahil sa kunsumisyon. Salitan ang tingin nito sa aming dalawa na kung may laser lang siguro ang mga mata nito ay kanina pa nahati ang katawan namin.
Tulad ng dati, nandito na naman kami sa principal's office. Magkaharap kaming nakaupo sa tapat ng lamesa ng principal. Nakayuko lang kami habang patuloy pa din ang pagsesermon ng principal. Pinatawag na naman kaming dalawa ni Grachelle matapos ang eksena sa canteen. Binuhusan niya ng soup ang ulo ko pagkatapos niyang magsisigaw nang makita ang soup niyang may patay na ipis. Badtrip! Napakalagkit at gulo-gulo pa ang buhok ko. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit at nakakapaghugas ng buhok pero andito na agad kami.
Hindi naman ako ang naglagay ng ipis na iyon pero pinagbintangan niya ako. Paano kung pabaya lang ang management ng canteen kaya nagkaroon ng ipis doon? Napahamak pa ako dahil sa kapalpakan nila.
Alam ko namang kami lang dalawa ang mortal na magkaaway pero hindi pa ako nakakaganti sa ginawa niyang pagtatago ng isang pares ng rubber shoes ko kaninang umaga. Late tuloy akong naka-attend ng P.E class namin dahil hinanap ko pa. Inihagis pala ng babaeng iyon sa itaas ng locker.
"Siya kasi e!" magkasabay na sigaw naming dalawa sabay turo sa isa't isa.
"Hindi ba kayo titigil sa gera ninyong dalawa? Matutuyuan na ako ng dugo sa inyong dalawa! Daig n'yo pa ang gera sa South Korea at North Korea. Pati na rin ang gera sa Mindanao ay walang panama sa inyong dalawa. For Pete's sake, teenagers na kayo pero hanggang ngayon hindi pa tapos ang away n'yo!"
Okay, teenagers na nga kami. Third year high school na pero hanggang ngayon magkaaway pa rin kami. Ang sarap niya kasing asarin. Palaban siya at kada bully ko sa kanya, ginagantihan niya ako. Wala yatang araw na wala siyang naiisip na igaganti sa akin kaya naman lagi rin akong nag-iisip ng igaganti sa kanya. Parang hindi yata ako makakatulog sa gabi hanggang hindi ko siya nagagantihan nang pang-aasar.
Tumingin ako sa kanya ngunit nakahalukipkip at napakasama nang pagkakatitig niya sa akin. Kung siguro ay naglalabas ng kutsilyo ang mga mata niya, malamang na kanina pa ako pinaglalamayan dito. Napakatalim e. Nakakahiwa!
At napakasuwerte ko nga naman dahil hindi talaga iyon ang naging huli naming pagkikita. Suwerte ko, mag-bestfriend ang mga magulang namin kaya naman, ayon at naging magkaklase lang naman kami mula Grade 1 hanggang ngayon. At para nang history ang talambuhay ng away namin dito sa school mula nang araw na iyon hanggang ngayon. Hindi na mabilang sa kamay ang mga kalokohang ginawa namin sa isa't isa. Gantihang walang katapusan... matira ang matibay.
Halos kami na lang yata ang laman ng principal's office. Kung hindi araw-araw, dalawang beses isang linggo. Tsk. At ang buong campus, kami na yata ang general maintenance dahil iyon lagi ang penalty namin. Taga-linis ng buong campus. Kung minsan sa buong ground, sa gymnasium, sa classroom at kung saan-saan pa. Napakalaki kaya ng buong campus pero araw-araw naming nililinis, kulang na lang kuminang sa linis ito.
"Kung hindi kayo titigil na dalawa, mapipilitan na talaga akong i-kick out kayong dalawa," banta ng principal.
Sabay kaming napatingin sa principal. Nanlalaki ang mga mata namin habang nakatingin sa mukha ng principal na halatang seryoso sa banta nito.
"Huwag naman po," sabay pa naming sabi.
"Kung mangangako kayong dalawa na magbabati kayo at hindi na mauulit ito, hindi ko gagawin iyon."

BINABASA MO ANG
Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay)
عاطفية[Completed] "Maybe the start of our lovestory was cliché but i will make sure that your future with me will be very unique." Cliché pa sa cliché na mga love story. Magkaaway mula pa sa pagkabata sina Grachelle at Kyle. At kahit mag-bff ang mga pare...