Grachelle's POV
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Kyle. Ang puso ko! Oh my gosh! Hanggang ngayon hindi pa rin normal ang pagtibok. Parang mauubusan na yata ako ng oxygen sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nakauwi na kami galing sa music event. Hindi na kami nakapagpaalam kay Taylor dahil bigla na lang nga itong nag-walk out kasabay namin ni Kyle. Naabutan lang namin si Ate Gerry at Dexter na mukhang nagmo-moment din sa tabing dagat. Niyaya ko na siya umuwi bago pa ako himatayin sa sobrang kilig na hindi ko mawari.
Isip: Bakit nga ba ako kinikilig kay Kyle?
Puso: Mahal mo rin kasi siya, Grachelle.
Isip: Oh no! No! Never! Huwag kang ganyan, kakainin mo na ba lahat ng sinabi mo noong highschool pa kayo?
Puso: Ano namang masama roon? Matagal mo na naman siyang gusto, indenial ka lang.
Isip: Hindi a! Wala akong gusto sa kanya.
Puso: Naku, ayan ka na naman sa indenial mo, pati ba naman sa amin magde-deny ka pa. Parte kami ng katawan mo, alam namin ang nararamdaman mo.
Waaahhh! Magsitigil na kayo! Maloloka na ako sa inyo!
Sunod-sunod akong napailing dahil sa pagtatalo ng isip at puso ko. Mababaliw na nga yata ako at pati puso at isip ko ay nag-uusap na sa katauhan ko. Letseng Kyle kasi iyan, ginulo ang buong sistema ko.
"I should have told it to you long time ago. Syete kasi! Ang torpe ko! Pero masisisi mo ba ako? Ang amasona mo e!"
"Oo na! Siraulo na kung siraulo. Bagay naman tayo. Baliw ka, siraulo ako. Perfect tandem 'di ba?"
"Sinabi ko na, I love you and i mean it. Bakit hindi ka naniniwala?"
Ibig sabihin, hinihintay mong ligawan kita? May gusto ka rin sa akin 'no?"
"Okay fine. Wala na kung wala. Pero kung liligawan kita, may pag-asa ba ako?"
Muli akong napailing nang biglang sumagi muli sa isip ko ang boses ni Kyle habang sinasabi ang lahat ng iyon sa akin. Oh my gosh! Matutuluyan na yata talaga akong mabaliw nito.
"Eeeeeehhh! Enebe! Shooo! Shoo! Umalis ka sa isip ko!" impit kong sigaw habang tinatakpan ang mukha ko ng unan at nagpaikot-ikot sa kama. Hindi talaga ako mapakali, nakakainis. Nabangga ko tuloy ang natutulog nang si Ate Gerry na nasa tabi ko. Nagising tuloy ito.
"Ano bang nangyayari sa'yo, Grachelle? Hating gabi na, hindi ka pa natutulog. Ang likot-likot mo," reklamo nito.
Ibinaba ko ang unan na nakatakip sa mukha ko at sinilip ang mukha ni Ate na nakasimangot. Halatang bugnot ito sa pagkasira ng tulog nito.
"Sorry, Ate. Sige na, matulog ka na ulit," nahihiyang sabi ko saka nginitian ito nang pilit.
Nahihiya akong mag-open ng feelings ko kay Ate Gerry. At kahit kanino pa man. Kahit sa bestfriend kong si Jovelyn, never pa akong nakapag-share ng tungkol sa lovelife problem. Sabagay, ano bang love life problem ang poproblemahin ko, wala naman akong love life. Tanging si Aidan lang naman ang alam nilang nagpapatibok ng pihikan kong puso.
Pero iyong kay Aidan, parang... parang... bakit ganoon? Parang mas level up yata itong nararamdam ko para kay Kyle? At parang... ngayon ko lang yata na-realize na, matagal ko na pala itong nararamdam. Indenial nga lang kaya talaga ako?
Naku , Grachelle! Ayan ka na naman sa pag-iisip mo kay Kyle. Puwede bang tantanan mo na iyan?
Napatingin ako sa side table nang biglang mag-vibrate ang celphone ko na nakapatong roon dahilan para maputol ang pag-iisip ko. Kinuha ko iyon at sinilip ang nakasulat sa screen.

BINABASA MO ANG
Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay)
Romance[Completed] "Maybe the start of our lovestory was cliché but i will make sure that your future with me will be very unique." Cliché pa sa cliché na mga love story. Magkaaway mula pa sa pagkabata sina Grachelle at Kyle. At kahit mag-bff ang mga pare...