💞DMC 35💞

127 6 31
                                    

Abala ako sa pag-aasikaso sa aking batang pasyente nang bulungan ako ni Jacque, isa sa mga nurse na kaibigan ko dito sa pediatric station ng hospital, "Nandiyan na ang sundo mo."

Itinigil ko sandali ang pagche-check sa dextrose ng batang pasyente na nasa edad sampu. Tumingin ako sa aking wrist watch. Mag-aala-sais pa lang ng gabi. Alas siyete ang out ko ngayon dahil nag-overtime ako ng dalawang oras. Marami-rami kasing batang pasyente ang sinugod ngayon sa hospital dahil sa dengue at iba pang mga sakit.

"Ang aga naman niyang dumating," tugon ko. "Sabihin mo, umuwi na lang siya, mamaya pa ang out ko."

"Sinabi ko na pero maghihintay na lang daw siya."

"Hay naku, ang kulit talaga ng lalaking iyon," naiiling na bulong ko.

Magwawalong buwan na mula ng manligaw sa akin si Kyle pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya sinasagot. Pinapahirapan ko talaga siya para malaman kung tunay talaga ang feelings niya para sa akin. Aba, mahirap na! Ayaw kong mag-take ng risk para lang maging brokenhearted sa huli gaya ni Ate Gerry. Gusto ko pa rin na ang first boyfriend ko ay ang maging last boyfriend ko. At mahirap din isugal ang first kiss at brilyante ko sa isang taong hindi naman pala deserving. Sigurista lang ako dahil ayaw kong masaktan sa huli.

Itinuloy ko ang ginagawa ko. Nang matapos ay binalingan ko ang bata at kinuha ang thermometer sa kanyang bibig para i-check kung mataas pa ba ang lagnat nito.

"Ayan, mababa na ang lagnat mo, Aki," nakangiting sabi ko sa bata saka hinawakan ito sa ulo. "Magpagaling ka agad para makalabas ka na dito okay? At kapag magaling ka na, may gift si ate sa'yo."

"Talaga po? Ano po ang gift mo sa akin?" Biglang kumislap ang mata ng bata.

"Hmmm... do you want chocolate?"

"Chocolate! Yes, i like chocolates and i want more!" masiglang sabi pa nito na ikinatuwa ko.

"Okay, i give you more. Just get well soon okay? Babalikan ka ni ate." Nagpaalam na ako sa bata saka binalingan si Jacque. "Nasaan si Kyle?"

"Andoon sa waiting area. Hindi mo pa rin ba sinasagot si Kyle?"

"Manigas siya," pairap kong sabi. Nagbibiro lang naman ako at alam ni Jacque iyon. Magkasabay na kaming naglakad patungong waiting area.

"Grabe ka, girl. Ang tagal na kaya."

"Kasalanan din niya, matagal din siya bago nagtapat."

Natawa naman ito sa sinabi niya. "Kahit ako ang nasa kalagayan ni Kyle, matatagalan talaga akong magtapat. Isipin mo, mortal enemy kayo since kids and then naging mag-bff noong teenagers, parang ang awkward lang. Pero hanga ako sa kanya, ang tagal ka na pala niyang mahal at ikaw lang talaga ang minahal."

"Babaero kaya iyan. Paano mo nasabing ako lang ang minahal niyan?"

"May pinakilala na ba sa'yong girlfriend since the last break-up nila ni Ysabelle ba iyon?" tanong nito na parang hindi sigurado. Naikuwento ko na kasi sa kanya halos lahat ng pinagdaanan namin ni Kyle. At noon pa man, panay na ang kantiyaw niya sa amin ni Kyle at pagsasabi na more than friends daw kami. At ang bruha, siya raw ang abay kapag kinasal na kami. As if naman, kasal agad.

Pero napaisip din ako sa sinabi niya. Masyadong malapit lang sa babae si Kyle na para bang halos lahat yata ay ka-close na niya. Masyado siyang friendly sa mga babae, kaya naman ang mga babae minsan, feeling sila na. Isa na yung Heidi na minsang sinabunutan ako dahil sa selos. Sobrang feeling girlfriend siya ni Kyle, nagselos sa akin kaya naman bigla na lang akong ginera nang akbayan ako ni Kyle. Buwisit na babae iyon, naiimbiyerna ako kapag naalala ko iyon.

Nagpaliwanag naman si Kyle na ni hindi niya nililigawan iyon. Wala raw siyang nililigawan kahit na sino. Hay, maniniwala ba ako? Puro babae na lang ang bukang-bibig niya kapag magkasama kami dati... noong hindi pa niya ako nililigawan. Kesyo si ganito, si ganyan. Hay naku, ewan ko ba sa mga babaeng iyon kung anong nakita sa makulit na Kyle na iyon.

Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon