[Completed]
"Maybe the start of our lovestory was cliché but i will make sure that your future with me will be very unique."
Cliché pa sa cliché na mga love story.
Magkaaway mula pa sa pagkabata sina Grachelle at Kyle. At kahit mag-bff ang mga pare...
Dahil tuwang-tuwa ako ngayon. Gusto ko lang magpapansin. XD. You know why? Wala lang... gusto ko lang. Hehe. Jokeness lang po.
Ang totoo, natutuwa kasi ako sa status ng DMC-SMK2. Alam ninyo bang wala naman talaga sa plano na magkaroon ng kuwento ang dalawang makulit na bida nito? Pero habang ginagawa ko ang TMHTMO (Teach Me How to Move On) kung saan si Grachelle ang supporting character ng kanyang kapatid na iyakin ay maraming natuwa sa kanya.
Isa na ang malditang diyosa ng aming bahay (House Austen) AnneJunio1 na siyang nag-suggest na gawan ko ng story ang kikay na si Grachelle. Sa totoo lang din, nagdalawang-isip pa ako kung paano ko gagawin iyon. Tinanong ko pa ang kapatid ko kung paano ba maging isang kikay. At ang pagiging makulit ni Kyle, hindi ko alam kung paano bibigyan ng hustisya ang mga characters nila. Hindi naman kasi ako makulit (wala kayong ibedensiya, promise! Huwag kayong ano!)
Nakapag-umpisa na ako ng tatlong chapters yata ng SMK2 pero hindi ko pa rin alam ang itatakbo ng istorya nila kaya sumasakit ang bangs ko kahit wala akong bangs. Hindi ko alam kung paano ba itutuloy. Hanggang sa isang "ginoong kabute" na nagngangalang Leaumore ang nag-suggest na gawin kong fangirl ng character niya si Grachelle. Sumang-ayon naman ako dahil doon na nga lumabas ang pagka-kikay ng bida natin.
At dahil din diyan sa kabute na iyan at sa idea niya, nagkaroon ng collaboration ng mga istorya naming magkakaibigang writers. At nagkaroon ng advance chapters ang istorya ng dalawang bidang ito.
Dahil sa collab na ginawa namin ng mga kaibigan kong writers, nagkaroon na ng buhay ang dalawang bidang ito. Lumabas na ang kakulitan ni Kyle at kakikayan ni Grachelle. Iyon din ang dahilan kung bakit sa halip na romanceor teen fiction ang genre ng istorya na ito ay naging humor.
Lalo akong naging inspire para ituloy ang kuwento nila. Push pa more ng mga kaibigan kong ito kaya naman kahit hirap na hirap na rin ako sa paghugot... gorabels lang. Sulat lang nang sulat. Bahala na si Batman.
Napasaya at naging inspirasyon ko rin sa pagpapatuloy nito ay ang walang sawang pagkakalat ng komento ng isa sa mga kaibigan kong writer at kasama sa pagkakabuo ng collaboration na si SheilaValente (ang baliw na diyosa ng aming bahay). Kahit minurder na niya sa comments ang dalawang pasaway na bida ko, pinapasaya pa rin niya ako sa mga comment niya. Lagi kasi siyang nanggagaling sa future. (Spoiler XD) At lagi niyang kasama ang bestfriend niyang si auto-correct. Haha.
Isa pang naging inspirasyon ko ay ang pagpasok ng SMK2 sa ranking. Noong una akala ko ay nananaginip lang ako. Nakailang kurap pa ako at kurot sa sarili ko baka kasi namamalikmata lang ako. #720 in Teen Fiction at naging #373 in Humor. At as of July 9, 2017 umabot sa #235 in Humor. Medyo gumalaw na rin ang reads niya na dati ay hindi man lang gumagalaw dahil hindi ko rin naman ito isinasali sa bookclub. Hinahayaan ko na lang ang mga volunteer readers na madiskubre ito. Isinali ko lang siya nitong nakaraang araw at natuwa naman ako sa komento ng naging partner ko.
And here's the covers of SMK2. Ang pinakaunang naging cover nito ay ang ginawa ng "ginoong kabute" na itinuring kong kapatid sa mundo ng wattpad. Oo, ikaw nga DanJeriel! Kailangan pa bang i-mention ulit? Ikaw lang naman ang Mr. Mushroom sa bahay natin. Pero dahil diyan... la-loves kita. I love the cover too.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.