💞DMC 17💞

215 13 92
                                        

Grachelle's POV

"Aidan Stephan Lustre," sambit ko sabay yakap sa magazine. Napapikit pa ako habang ini-imagine ang guwapong mukha ng bokalista.

"Aidan? Patingin nga!" Napamulat ako nang biglang hatakin ni Kyle ang magazine. Tiningnan niya ang cover ng magazine at itinuro ang lalaking nasa gitna. "Ito ba iyon? Ang panget naman ng type mo, mukhang bangs! Halos hindi na makita ang mukha nito sa haba ng bangs e."

Mukhang bangs? Makapanglait ito, wagas! Akala mo kung sinong guwapo.

Napangiwi at napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Hinablot ko sa kanya ang magazine. "Akin na nga! Asset niya iyang bangs niya, ano ka ba? Saka ang labo talaga ng mata mo! Kitang-kita nga kung gaano kalayo ang itsura niya sa'yo. Wala ka man lang kahit 1% ng charm niya." Inirapan ko siya at saka binuklat-buklat ang magazine.

"Kung charm ang pag-uusapan, walang-wala iyang Aidan mo sa akin," pagmamayabang nito.

"Wuuush! Ang lakas ng aircon," sambit ko at umaktong nilalamig. Pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa magazine at binasa iyon.

Hindi talaga ako nagkamali, bukod sa guwapo na ang bokalista ay may kakaibang appeal ito na nagpapahanga sa mga tao. Sadyang bago pa lang sila sa industriya ng musika ngunit nakuha na ng mga ito ang atensiyon ng maraming tao. At ngayon nga, na-featured pa sila sa magazine.

"Red Serenade: Are they really ready to rock our world?" mahinang pagbasa ko sa nakasulat sa article. Iginala ko pa ang mga mata ko sa kasunod na pangungusap na nakasulat. Isang interview kay Aidan ang nakasulat roon at lalong pumukaw sa aking atensiyon.

Interviewer: We heard that you're the main composer and lyricist of the band. Who's your inspiration behind the words?

Aidan: My future wife.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko iyon.

May girlfriend na si Aidan ko?

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Si Kyle naman ay panay ang kalabit sa balikat ko kaya panay lang ang tabig ko. Hindi ko siya tinitingnan at nakatuon pa rin ang atensiyon ko sa aking binabasa.

Tss... ang kulit talaga. Hindi ko siya pinapansin, bahala siya sa buhay niya.

Interviewer: Future wife? But we thought you don't even have a girlfriend?

Aidan: Maybe. Well, you know, I know that there's someone out there for me. We may not be together but I'll keep writing songs for her until the right moment comes. Only time will tell.

Napangiti ako sa aking nabasa. "Ang sweet talaga ng Aidan ko. He's keep writing songs for me kahit hindi pa kami nagkikita."

Tinulak naman ni Kyle ang braso ko. "Ambisyosa ka talaga! Paano mo naman nasabing para sa'yo ang sinusulat niyang kanta?"

Tiningnan ko siya ng masama. "Ang kontrabida mo sa lovelife ko. Basta feel kong para sa akin iyon. Kapag nagkita na kami, sisiguruhin ko sa'yo, mas marami pa siyang maisusulat na kanta para sa akin."

"Mangarap ka kung gusto mo. Goodluck sa'yo kung mapansin ka niya sa dami ng fans niya," galit na sabi nito saka tumayo at hinablot ulit sa akin ang magazine at inihagis sa lamesa.

"Problema mo? Hindi ko pa tapos basahin e." Tumayo rin ako at aktong kukunin ulit ang magazine pero mabilis nitong nakuha at itinaas. Pinilit ko naman abutin iyon pero lalo siyang tumingkayad kaya't nahirapan akong abutin.

"Ano ba kasi? Akin na nga iyang magazine!" Pilit rin akong tumitingkayad para lang maabot ito pero sa kakapilit ko, atras naman siya nang atras hanggang sa bumangga siya sa sofa at napahiga kasabay rin ng pagtumba ko. Napapatong tuloy ako sa katawan niya. Buti na lang at naitukod ko ang aking mga braso sa dibdib niya.

Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon