Grachelle's POV
Tinanggap ko iyong friendship na inalok sa akin ni Kyle. Isang linggo na kami dito at hindi na naman naging mahirap para sa akin. Akala ko magiging worst vacation ito pero dahil medyo magkasundo na nga kami ni Kyle naging masayang bakasyon na rin ito para sa akin. Iyon nga lang hindi ko pa rin maiwasang hindi mailang kapag laging nakadikit sa akin si Kyle. Feeling close na close siya sa akin.
Hindi naman naging boring tulad ng akala ko ang naging karanasan ko dito. Ang totoo, ang dami naming ginawang bago para sa akin. I mean, first time kong ma-experience ang lahat ng mga ginawa namin dito. Iyong pag-akyat sa bundok para lang mangahoy para panggatong. Grabe! Nagbuhat ako ng mga kahoy at kinaya ng ganda ko iyon kahit sobrang bigat. Tinulungan naman ako ni Kyle sa pagbubuhat kaya medyo gumaan iyong trabaho.
Nag-picnic rin kami sa burol kasama sina Mama at Tita Hannah. Nanguha rin kami ng bungang kahoy at umakyat sa puno. Hindi ko akalaing kaya ko palang umakyat ng puno. Medyo natakot nga lang akong bumaba dahil pagtingin ko sa ibaba ay hindi ko akalaing ang taas na pala ng naakyat ko. Tinatawanan pa ako ni Kyle habang nakatingin siya sa akin. Kapit na kapit kasi ako sa puno at nanginginig ang mga tuhod ko. Siyempre ayaw kong mapahiya sa kanya kaya pinilit kong makababa. Nilakasan ko ang loob ko. Tinaasan ko pa nga siya ng noo nang makababa ako. Akala niya, mahuhulog ako. Never! Matatag yata ako. I am not a loser! At hinding-hindi ko rin ipapakita sa kanya na mahina ako.
Natuto na rin akong mamalengke. Isinama ako ni Mama sa palengke. Alam ko na ngayon kung paano mamili ng sariwang isda. Alam ko na kung ano ang fresh at bilasa. Pati na rin ang mga pangalan ng iba't ibang isdang nakakain. Dati kasi gold fish lang ang kilala kong isda at hindi naman nakakain iyon. Kaya nga noong nakakita ako ng bisugo, akala ko ay goldfish iyon kaya nagtaka ako kung bakit ibinebenta iyon para kainin. Magkaiba pala sila.
Hindi kasi ako sinasama ni Mama noon sa pamimili. Kaya naman wala akong alam kahit sa presyo ng mga bilihin. Laging si Ate Gerry ang sinasama niya dahil siya rin lang naman ang laging katulong ni Mama sa pagluluto ng pagkain. Ewan ko ba, hindi ko rin naman nahiligan ang pagluluto. Tama na sa akin ang tumikim ng pagkain at kumain. Mas masarap kasi iyon, kakain ka na lang. Di ka na maghihirap. Saka pinakaayaw ko kasi iyong matatalsikan ako ng mantika kapag nagpi-prito kaya ayoko talagang magluto.
Tinatawanan nga ako ni Kyle habang tinuturuan ako ni Mommy na magprito ng isda. Para kasi akong nakikipag-espadahan sa kawali. May hawak ako na siyanse at atras abante ang ginagawa ko sa tuwing puputok iyong mantika. Napapatalon pa ako sa gulat at napapasigaw. Ang lakas naman mang-asar ni Kyle dahil habang tumatawa, ginagawa niya pa ang pagsigaw ko at pagtalon.
"Muntik na tayong walang maiulam," nakangiwing sabi ni Mommy nang buksan niya ang takip ng pinirito kong isda. Lahat sila ay nakatingin sa tustadong bangus na pinirito ko kanina lang. Hayst. Malay ko bang mahilig mamaril ang isdang iyon? Ang hirap kayang lapitan, kapag lalapit ka biglang puputok ang mantika. Nakakatakot kaya! Ayaw ko pa naman masira ang kutis ko dahil lang sa talsik ng mantika.
Ngumuso ako habang nakayuko. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko dahil sa kapalpakan ko.
"Ayos pa naman po ito, hindi pa gaanong sunog," sambit naman ni Kyle kasabay ang pagkuha ng napakaitim na pritong buntot ng bangus. Halatang pinipigil nito ang paghagalpak ng tawa.
Pinaliit ko ang aking mga matang matalim ang pagkakatingin sa kanya. Alam kong gusto lang niya akong asarin sa sinabi niya.
"Oh my God! What is that food?" maarteng sabi ni Glydel na kararating lang at may hawak na isang malaking mangkok. Lumapit ito sa lamesa at para bang diring-diring nakatingin sa pinirito kong bangus. Tumingin pa siya kay Kyle na inuumpisahan na ang pagkain sa bangus na niluto ko. Mabilis niyang ibinaba ang hawak na mangkok at lumapit kay Kyle. Dinampot niya ang pritong bangus sa plato ni Kyle na para bang diring-diri siyang hawakan iyon.
BINABASA MO ANG
Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay)
Roman d'amour[Completed] "Maybe the start of our lovestory was cliché but i will make sure that your future with me will be very unique." Cliché pa sa cliché na mga love story. Magkaaway mula pa sa pagkabata sina Grachelle at Kyle. At kahit mag-bff ang mga pare...