💞DMC 26💞

167 8 87
                                    

This chapter is dedicated to SheilaValente

I used one of her characters in her story Kiss You.
Check it out, you gonna love it too.

Grachelle's POV

"Thank you sa paghatid sa ate ko, Dexter," sabi ko nang makauwi kami galing sa mall. Namasyal at nag-bonding kasi kami para naman mabawasan ang stress ni Ate sa kanyang lovelife at siyempre pa kasama namin ang kanyang newly friend hopefully soon to be boyfriend at super cute na si Dexter.

"You're always welcome."

"So next time ulit?" may kasamang pagpapa-cute pa na tanong ko. Kumindat pa ako. Napangiti naman ito na nagpalabas sa cute na dimples nito.

"Tsk. Umiral na naman ang kaharutan mo," sabat naman ni Kyle na nakahalukipkip na nakasandal sa kotse nito. Kasama rin namin siyang nag-bonding kanina. Siya ang nakaisip at nagyaya kaya napilitan na lang sina ate Gerry at Dexter na pumayag tutal nasa mall na rin naman sila kaya sumunod na lang kami ni Kyle.

"Ang kontrabida mo!" Binelatan ko siya saka inirapan. Muli kong binalingan si Dexter na nakangiti lang.

"So, don't forget the kasunduan na lang ha? See you tomorrow."

"Anong kasunduan iyon ha?" sabat na naman ni Kyle na nakasalubong ang mga kilay. Sinamaan niya ng tingin si Dexter.

"Chillax ka nga lang, kasunduan nila ni Ate iyon. Huwag ka ngang epal diyan. Umuwi ka na!"

"Ayan ka na naman sa pagtataboy mo sa akin ha? Baka kapag nakauwi na ako, ma-miss mo agad ako."

"Tsk, kahit maglaho ka pa, hindi kita mami-miss."

"Talaga lang ha?"

"Talaga! So, tsupi!" pagtataboy ko habang kinakampay ang kamay ko.

"Wala bang goodbye kiss?" Ngumuso pa ito.

Kiss?

Nanlaki ang mga mata ko at biglang nag-init ang mukha ko. Biglang may sumagi sa isip ko na isang panaginip pero hindi ako sigurado kung panaginip nga ba iyon. Basta ang alam ko lang natutulog ako at naramdaman kong may dumampi sa labi ko.

No! Wala pa akong first kiss. Imposibleng may humalik sa akin habang natutulog ako. Eeeeewww. Thinking that it was Kyle. Waaaahhh! Never!

I shake my head again and again. Para na akong mababaliw. Kahapon pa ako ginagambala ng panaginip na iyon. Ayoko sanang isipin pero para kasing totoo.

Eeeehhhh! Nakakainis talaga! Tapos sinabihan pa niya ako ng I love you. Nakakaloka!

"Okay ka lang?" narinig kong tanong ni Kyle.

Napakurap-kurap pa ako nang makitang nakalapit na pala siya sa akin at nakahawak sa balikat ko. Para naman akong nakuryente sa hawak na iyon kaya't mabilis kong tinabig ang kamay niya.

"Umuwi ka na baka masapak pa kita." Tinaasan ko siya ng kamao bilang pagbabanta.

"Amasona ka talaga. Alis na nga ako." Naiiling na nginitian niya ako bago tumalikod at tinungo ang kotseng nakaparada sa harapan ng bahay namin. Kumaway pa ito bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse. Hindi naman mawala ang kaba sa dibdib ko hanggang sa maglaho sa paningin ko ang sasakyan niya.

I feel weird. Kainis!

"So, paano alis na rin ako, Gerry, Grachelle," narinig kong sabi ni Dexter na biglang bumasag sa weirdong pag-iisip ko. Napalingon ako at napangiti na lang.

Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon