💞DMC 32💞

120 6 14
                                    

Kyle's POV

"Hoy, anong sabi mo?" ulit na tanong ni Grachelle habang nakatitig pa rin sa akin.

"Ha? W-wala naman akong sinasabi." mautal-utal na tanggi ko. Napahawak pa ako sa aking batok.

"Sigurado ka? Bakit parang may narinig ako?" Tumaas ang kilay niya na waring diskumpiyado.

"W-wala kaya." Umiwas ako nang tingin sa kanya. Sinubukan kong ibalik ang atensiyon sa nagpe-perform na Red Serenade sa harap ng stage.

"Baka guni-guni mo lang iyon. Maingay sa paligid kaya baka akala mo lang na nagsalita ako," dugtong ko pa.

Sinulyapan ko siya at kibit-balikat lang ang itugon niya pagkuwan ay ibinalik na niya ang atensiyon sa panonood.

Maluwang ang pagkakangiti niya nang tumingin muli sa bokalistang iyon. Halata sa kanyang mga mata ang ningning habang giliw na giliw sa pakikinig sa kanta niyon.

Shete ka, Kyle. Napakatorpe mo talaga! Nasimulan mo na, hindi mo pa tinuloy.

Para akong tangang pinapagalitan ang sarili ko sa isip.

Damn you, Kyle! Isa kang Dakilang Torpe!

"Wooooohhhh! Aidan, ang galing-galing mo talaga! I love youuuuu!" malakas na namang sigaw ni Grachelle matapos ang kanta. Nakataas pa ang dalawang kamay nito at pakaway-kaway. Tiningnan ko naman si Aidan na napangiti lang.

Sana ganyan ko lang din kadaling isigaw ang nararamdaman ko para sa'yo, Grachelle.

Natapos ang energetic performance ng banda at hindi pa rin magkadamayaw ang sigawan ng mga tao. Nagpunta sa unahan ang limang miyembro ng Red Serenade bilang pagtatapos. Nagpalakpakan ang mga taong naroroon kabilang na ako at ang mga kasama ko.

Muling nagsalita si Aidan na dahilan para magsitahimik ang lahat.

"We like to thank each one of you who came here today. Maraming-maraming salamat po! But like I've said, this concert is not about Red Serenade, not about our songs, not even about this Music Festival... it's about reaching and offering a helping hand to those who suffer from the recent tragedy. It's almost a week ago when the typhoon hits us and leaves scars and deaths in its wake."

Ramdam ang lungkot sa boses ng bokalista kaya't ang ilan ay sa mga manonood ay hindi na rin napigilan ang emosyon at halatang nabagbag sa tahedyang binanggit ng bokalista. Matamang nakikinig ang lahat sa susunod pang sasabihin niyon.

"This music festival was arranged even before the said typhoon hits us. Famous artists, bands and performers was thrilled. But tragedy sometimes struck us in the most unexpected way. They did considered to postpone this event but..." Sandaling ipinatong ni Aidan ang isang paa sa maliit na speaker na naroon bago emosyonal na tumingin sa mga manonood.

Narinig ko ang pagsinghot ni Grachelle habang emosyonal ding nakatingin sa bokalistang nagsasalita sa harapan. Inakbayan ko siya upang i-comfort. Kahit masyadong matapang itong si Grachelle, malambot pa rin ang puso niya para sa iba. Hindi siya palaging nagpapakita ng tunay na nararamdaman ngunit sa ganitong pagkakataon, nakikita ko ang kanyang kahinaan.

Sumiksik naman siya sa dibdib ko. Pinunasan din niya ang luhang pumatak mula sa kanyang mga mata gamit ang mga daliri.

Tumingin muli ako kay Aidan nang magpatuloy ito sa pagsasalita,

"Music is life. It's a connection that ties each and every one of us. A part of life. Happiness. And that's what we need right now. That's why we, Red Serenade, amongst other artists want to convey our deepest condolences to those who lost their loved ones amidst this tragedy. May this event brings you another reason to smile and live, " dagdag pa nito.

Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon