Many Years Passed......
Paggising ko ng umaga, dumiretso agad ako sa bathroom para makapagligo na, hindi ko kasi gustong bumaba na hindi pa ako naliligo, after Kong maligo nagbihis na ako ng pangbahay, anyways mamaya pang hapon ang klase namin
Dumiretso agad ako sa ibaba para kumain na dahil nagugutom na ako eh, laking gulat ko na lang nang nakita ko si Tasya, Thalia at si Mina sa aming sala ngunit mas laking gulat ko nang may nakita akong tarpaulin na may nakalagay na "Happy Birthday" at mga balloons, "Bakit may mga balloons and cakes?" Tanong ko, "Birthday mo kaya! " sabay nilang sabi, Oo nga pala birthday ko ngayon, and at the same time, I'll soon have my title as black belt, yipiee!
I was so surprised, first time ata toh sa boong buhay ko,ngunit kinalulungkot ko naman, kung aamin ba ako o Hindi, pero may pinangako kasi ako sa sarili ko na aamin ako, pero sa tingin ko ikahihiya ko lang ang pagkatao ko.
Pagkatapos ng mga ka-echosan nilang pagsosorpresa sa akin kanina ay, nagpaalam na din sila kasi mayroon pa kaming klase mamayang hapon kaya mamayang gabi na lang daw namin ipagpatuloy dahil dito na lang daw kami mag-dinner.
"Very good, Jennie!" Sabi ng aming guro, eh sinagot ko lang naman siya kung nasaan si Ma'am Pinang, sabi niya daw kasi, kung sino daw ang makasagot kung nasaan si Ma'am ay may extra points daw eh, cino-court niya kasi si Ma'am, kung kailan pa sila tumatanda doon pa sila naglalandi, Tseh, naiirita nga ako nagyon eh kasi lahat sila ay nakatingin sa akin, baka nalaman na nila ang sekreto ko, eh hindi ko naman sinabi ito kay Mina, at lalong-lalo na kay Iyah, pero let's just think positive, ok! Pero I was so irritated lalong-lalo na, kasi yung mga panget kong kaklase ay nakatitig sa akin, akala mo na man kung sinong perpekto, napansin ko nga pala, bakit wala si Tasya, asan kaya yung babaeng iyon?
Pero just my luck nga diba, hindi pa rin nanliligaw si Tyler kay Iyah, so that means may pag-asa ako, may pag-asa kami.
Pagkatapos ng aming klase, nagpalaboy-laboy ako sa aming campus, habang naglalakad ako patungo sa kung saan ako dinadala ng aking paa ay biglang napaagaw ang atensyon ko sa isang babaeng umiiyak, at namumukhaan ko ata ito, hindi ko lang kasi masyadong makikita ang mukha niya dahil nakayuko ito habang umiiyak. Nilapitan ko ito at tinanong kung ano ba ang problema, "Ikaw, Ikaw ang problema!" Sigaw nito habang nakayuko, at parang pamilyar sa akin ang boses na iyon at siyempre kinakabahan din ako kasi hindi ko siya kilala at kung ano-ano patong mga sinasabi niyang ako daw ang may problema, eh wala naman akong sabit, hindi naman ako abnormal, sino kaya ito? At laking gulat ko na lang nang nakita ko ang mukha ng babaeng umiiyak ngayon sa harapan ko, si Tasya.
"What's the matter Tasya? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko "At ikaw pa ngayon ang may ganang magtanong sa akin, kagagawan mo ang lahat ng ito Jennie, kung bakit ako umiiyak." Sagot nito, kinakabahan ako ngayon, ano kayang nangyari dito kay Tasya, sinapian? "Bakit ako ang may kagagawan?" Tanong ko "Many years passed Jennie, nalaman ko na din ang katotohanan, noong hindi pa tayo magkasundo, sinasabi mo daw na isa akong malanding babae, in fact, Oo, medyo malandi ako pero hindi ko naman basta-basta ibigay lang ang virginity ko, how could you do this, trinato na kita bilang totoong kaibigan, and thats how you claim me! Oo aaminin ko, naagaw ko sa iyo ang ex mo pero hindi ko naman yon kasalanan kung naging mabait siya sa akin at napa-Oo ako sa kaniya, If you think pok-pok ako, well you we're very wrong, nagkulang man ako sa pagmamahal ng aking mga magulang ngunit labis ko pa rin silang mahal." Sabi niya, nabigla ako sa lahat ng mga sinabi niya, inaamin ko sinabi ko talagang malandi siya non, kasi napaagaw niya ang atensyon sa aking ex ngunit pinagsisihan ko naman iyon simula nung nakilala ko siya, simula nung naging matalik kaming kaibigan. Pagkatapos niyang mag-speech kanina umalis na siya agad-agad, hindi niya naman ako pinaliwanag ganiyan naman yan sa mga teleserye eh, magpapaliwanag na nga ang may kasalanan, ayaw nila tapos kung maka-iyak akala mo isang kinatay na baboy....
YOU ARE READING
Aim For It
Teen FictionAiming something was not that easy though there are lots of circumstances will happen. Minsan iisipin nating susuko na tayo pero mayroon talagang mga bagay-bagay na nagpapalakas ng buhay mo. Pero paano kung pati ang buhay mo mawawalan ng pag-asa? P...