Chapter 8

18 0 0
                                    

Mga limang minuto na ang nakalipas ay may nag-text sa akin.....si Mina, kinabahan ako kasi alam niyo na yung phrase na "Baka sakaling may pag-asa pa" eh asang-asa na ako eh, matagal na, yung akala mong siya ang nag-text pero yung bestfriend mo pala, at ang mas nakabwibwiset pa ay yung nag-eemo ka na nga nang-aasar pa.

"Huy ikaw'ng babaeng biik, bakit mo ginawa yun, eh ayan ngayon, nag-eemote ka diyan, pupuntahan kita diyan ngayon din, dahil baka mapano ka pa, baka magbigti kang babae ka." Yun ang mga masasakit na salitang natanggap ko mula sa kaniyang text.

Pero ang mas masakit naman doon ay yung salitang "biik". How dare her, siya nga eh "pusit" may pa bangs-bangs pa, yan tuloy naging pugad ng pimples ngayon ang kaniyang malapad na noo.

Pero paano niya kaya ito nalaman? Eh sabagay hindi naman makapagtataka ang mga tsismosa sa campus, yung tipong isang galaw mo, isang salita din ang kanilang isasagawa.

But it's just the three of us talking, wala naman masyadong tsismosa kanina sa canteen.

Ayyy, oo nga pala, kamusta na kaya yung friend 'kong umiiyak kanina na parang baliw, eh hindi ko nga maintindihan yung mga sinasabi niya dahil habang nagsasalita siya, ay umiiyak pa, ang hirap naman ng talent niya....

Anyways dapat moment ko ito dapat umiiyak ako ngayon. Okay, 1...2....3....Action!!!

"Huhuhu.... Bakit ganoon? Bakit ayaw niya sa akin? Bakit? Am I not worthy for it? Ginawa ko naman ang lahat nang kung anong mayroon si Iyah...Am I ugly or what? Am I clingy or what?"

Yun ang mga salitang dinadrama ko ngayon sa harap ng salamin, ang galing ko talagang mag-acting, yung tipong mala panalo sa Oscar Awards or no matter award basta yung sa acting, alam niyo kasi pangarap ko talagang maging artista.

Habang kaharap ko ang salamin ngayon at nag-dradrama ay hindi ko namalayang nandiyan na si Mina sa labas ng pintuan, wala talagang Good Manners and Right Conduct itong bestfriend ko, anyways tinuri ko na kasi yan siyang parang kapatid ko eh, dahil............Ampon siya! Dejoke, Sadiyang at home lang talaga siya dito sa bahay.

"Huy, gaga ka, bakit ginawa mo iyon?" Tanong sa akin ni Mina kahit hindi pa siya nakapasok ng aking kuwarto.

Siyempre as a guest siya ng aming bahay, you are responsible to welcome him/her. Kaya ayun pina-upo ko muna siya sa kama, para doon kami mag-usap. Gusto ko muna mag-emo, malapit kasi ang kama ko sa bintana, para makapagtanaw pa ako ng mga tanawin sa labas.

"Bakit mo ginawa iyon Jennie?" Tanong ni Mina pero ngayo'y sincere ang pagtatanong nito. "Mina, freedom is a choice, because only the truth can set you free, kahit gaano pa kasakit yan, kung gusto mo nang kalayaan sa buhay, kailangan mo iyong tiisin, anyway, all the pain you felt after is worth it." Sagot ko nito sa kaniya at siyempre dahil eksena ko ito, hindi ko nga napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "Wow! Best Actress of the year!" Insulto pang sabi nitong langhiyang bestfriend ko.

I just don't bother her anyway, kasi alam niyo naman yang bestfriend ko, hindi alam kung kailan ako nagiging sarcastic.

So patuloy pa rin ang eksena ko, yung pag-iiyak, kasi ayon sa research ko, crying is good for the soul daw.

"Boong buhay ko, binigay ko ang lahat para sa kaniya, except siyempre yung virginity ko, I wanted my first time as elegant and bongga. Yun nga lang yung mga binigay ko ay lahat ng iyon ay sekreto, lihim, kasi natatakot ako, natatakot akong masaktan, natatakot akong mawalan ng kaibigan, hindi lang si Tyler, kundi pati na rin si Iyah, Iyah was like our sister, Mina, alam mo iyon, she never treated us like no one, she treated us like we are the one that can never be someone, someone that she can trust, someone that can be promised, pero someday din ba ay mawawala ang lahat ng iyon? Well, unfortunately, Yes! Kasi sa katangahan ko, sa kabaliwan ko, masisira lahat ng iyon, I hope Mina, mapatawad ako ni Iyah, sa kagagahan ko, kung pwede nga lang bumuka na ang lupa at kainin ako, pero hindi kasi ako diyos eh." Ang sakit pala talagang  ma-in love noh, yung tipong kahit gaano mo kakayanin at tiisin ang sakit, mangingibaw at mangingibabaw talaga ito .

Aim For ItWhere stories live. Discover now