4

109 6 0
                                    

Today is Cass's birthday. Sabi ni Nana at ni Quin, 'Masquerade' daw ang theme na pinili ni Cass. Ba't ba kasi may paganyan-ganyan pang nalalaman yang Cass na yan, eh. Ano ba siya, babae? Ang daming alam. Ang arte. Tch.

Tiningnan ko yung repleksyon ko sa salamin. I curled my long straight hair, and I also putted some effort to do some makeup on my face. It's my cousin's birthday naman, kaya sige paghandaan natin.

I decided to wore a dark green backless long gown and paired it with a black mask, and a black stiletto pumps.

I sighed when my phone rang and answered it. This is Nana for sure.

"Yes?" I started.

"Are you done? If you are, bumaba ka na. Aalis na tayo."

"I'm done. I'm going down na po." I hanged up the call and go downstairs.

--

Nasa malayo pa lang kami pero natatanaw ko na marami na ang tao sa loob ng venue. I can say that Cass is kinda popular in our school.

Pagpasok ko sa venue with Nana, Quin suddenly appeared in front us.

"Hi, Mady! Hi, Auntie Cleo!" She greeted.

Nana smiled and asked, "Where's Cassie?"

"Mom's there, Auntie," At tinuro yung table sa pinakaharap.

"Auntie, pahiram po muna si Mady, ah." Di pa sumasagot si Nana nang bigla akong hilahin ni Quin sa kung saan.

Dinala niya ako sa garden at hinila ako para umupo sa isang bench.

"Bakit tayo nandito?" She rolled her eyes.

"Ang dami kayang tao doon. Ang ingay pa."

I laughed, "Hayaan mo na. Birthday naman ng Kuya mo eh. Wala kang magagawa kung friendly siya like you."

She scoffed, "Nakakainis nga at hanggang ngayon wala pa rin si Axel, eh. Hmp!"

"Malay mo nasa isang room lang siya dito sa hotel with..." She raised an eyebrow.

"Someone else." She glared at me.

"Wag ka ngang ganyan! Di ka nakakatuwa."

I laughed, "Malay mo lang naman. We all know naman na kahit emotionless yan lagi ay may history yan ng pagiging casanova. And! A casanova will always be a casanova."

"Tara na nga, bumalik na tayo sa loob. Nakakainis ka, eh. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo."

I pointed a finger at her. "Ang sabihin mo, mas pinipili mo lang na magbulag-bulagan at magbingi-bingihan sa mga nakikita at naririnig mo. Am I right? Kasi kahit ako, I could hear some bad things about Axel sa school natin pero 'di ko na lang pinapansin."

She heavily sighed and smiled sadly. I hope one day, marealize niya na Axel is not the right guy for her.

--

Nakita kong nakasuot na ng sari-sarili nilang mask ang bawat tao sa loob. Kaya sinuot ko na rin yung akin.

"What is happening na?" Bulong ko kay Quin.

"It's the start of the slow dance." Okay? Ano ba 'to, Prom? Kanina may theme, tapos ngayon naman slow dance? My gosh.

Someone held Quinzel's hand and she instantly hugged him. That must be Axel. Tss.

Iniwan nila ako at pumunta sa gitna.

Umupo ako sa isa sa mga table na walang nakaupo. Nanood na lang ako sa mga sumasayaw. Naalala ko tuloy yung grand ball namin four months ago, partner ko kasi si Aidan nun, eh. May mga couples na nagsasayawan, at may iba namang mga nakaupo lang din sa sarili nilang table gaya ko.

May nag-abot ng kamay sa harap ko.

"Would you like to dance with me?" Napatingin ako sa nagsalita.

Sino ba 'to? Kaso tatanggi pa ba ako? Eh ang boring dito. At out-of-place rin ako. Naiinggit ako sa mga sumasayaw kaya dapat ako rin meron.

"Uhm... yeah, sure."

Pumunta kami sa gitna at nagsimulang sumayaw kasabay ng tugtog.

"Thank you." I muttered.

"For what?" He asked.

"Because you asked me to dance with you. I do appreciate it," He just smiled a little bit so I continued.

"May I know your name?" I queried.

"You don't have to know." He smiled, showing his white teeth. Ay taray, pa-mysterious type si kuya.

But his voice is undeniably familiar. Bakit kaya?

"I like your smile," I suddenly said. Ang ganda kasi ng ngiti niya. Yung feeling na mafa-fall sa kanya lahat ng mga babae pag nasilayan yung maganda niyang ngiti kahit na naka-mask siya. At parang nakita ko na ang mga matang iyan noon.

"You look familiar but I don't know when or where I saw you. Have we met before?"

"I don't think so." I shrugged. Okay. Sabi mo, eh.

Pagkatapos ng kanta, hinatid niya na ako sa table kung saan ako nakaupo kanina. Nagkainan, nagkaroon ng kaunting entertainment like magic, at sa huli, Cass thanked everyone who came for tonight, for those who came to his party, for those who gave him gifts, and for his family that organized his birthday well.

--

After ng party, nakapag-desisyon akong kila Cass na lang muna matulog.

Pumasok ako sa kwarto ng birthday boy at naabutan ko siyang nakatitig sa hawak niyang picture frame. Lumapit ako ng kaunti at di niya napansin iyon dahil medyo nakatalikod siya sa akin. Umupo ako sa tabi niya at nagsalita.

"Cassius Mikael Rossi, nasasaktan ka pa rin ba hanggang ngayon dahil sa kanya? Hindi mo pa rin siya makalimutan?" Saglit siyang tumingin sa akin at malungkot na ngumiti.

"Mady, sa totoo lang, di ko alam kung mawawala pa ba 'tong sakit na nararamdaman ko para sa kanya. Siya lang ang nag-iisang babaeng minahal ko sa lahat ng mga naging babae ko. Oo, naging babaero ako noon. Pero alam mo kung paano ako unti-unting nagbago nang dahil sa kanya. She didn't change me. Instead, I change for her. We were so happy before then malalaman ko na lang na pinagpalit niya na pala ako sa iba. Mahal na mahal ko siya, Mady. Mahal na mahal. Ang sakit." Bago siya yumuko, nakita kong may pumatak na luha na nanggaling sa mga mata niya.

Niyakap ko siya at hinayaan lang siyang umiyak. Di ko alam kung bakit, pero nagulat ako nang ngumiti siya at nagsimulang punasan ang mga luha na tumutulo sa sarili kong mga mata.

Umiiyak na pala ako.

"Sorry if I cried," I laughed while crying so he laughed with me, too. "But let me just tell you something, if she left you for someone else? Believe me, she's not worth fighting for. Kasi nagawa nga niyang iwan yung mahal niya para sa taong gusto niya. So, babalik rin sa kanya yun. Karma. One day, she will also be left behind by the person she loves for someone else. If your love life isn't succesful for now, it only means that God is planning a better one for you. For us. Malay natin sinusulat niya na pala yung best love story for you diba? Just wait na lang. Patience is a virtue, my dear cousin." Nagtawanan lang kami at bigla ko siyang nahampas nang guluhin niya yung buhok ko.

"Don't touch my hair! Magugulo." I glared at him and laughed.

"Okay, okay. I won't na," he suddenly hugged me na ikinagulat ko.

"Thanks for the advice, cous. I don't know what to do kung wala ka..." I smiled and hugged him back.

I will always be here for you cous.

Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon