8

65 5 0
                                    

Naglalakad pa lang ako papuntang room pero ramdam ko na yung kaba sa dibdib ko. Paano pa kaya pag nakita ko na si Benjamín?

Nakayuko akong pumasok sa room patungo sa aking upuan. Umupo ako at tinitigan lang yung mga kamay ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Mady," malambing na sambit niya.

Gosh, yung boses niya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya nang hindi tumitingin.

"Why are you avoiding me?" Napatingin ako sa kanya.

I smiled a bit. "Am I avoiding you?" He frowned.

"Hindi ba?" Umiling ako at muling ngumiti.

"What are you gonna ask me nga pala? 'Di ako nakatulog ng maayos kagabi nang dahil dun, ah! So, dapat importante talaga yan." Masiglang sabi ko kahit na sa totoo lang, e nahihiya ako. He chuckled.

Hinila niya ako palabas ng room at nalaman ko na lang na nasa library na kami.

"What are we doing here? Malapit na magsimula yung class natin."

Napunta kami sa dulong shelf na medyo madilim.

"Madison, can I court you?" Diretsong tanong niya.

Napaawang ang bibig ko sa aking narinig.

"A-ano?"

"Can I court you?"

"A-ahh. Di ba parang ang bilis naman yata? Parang nasa process pa lang ako ng pagmo-move on tapos may manliligaw na agad sa akin?"

"Maghihintay naman ako. I'm not rushing you naman." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Promise you'll wait for me?" He immediately nodded and I laughed. I'm just teasing him.

"Then you can court me na." Pinapakaba ko lang naman siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Really?" I nodded and he hugged me tight. I hugged him back.

"Thank you, baby." He whispered.

Woah.

--

"Tomorrow's gonna be our Intramurals. Excited na ba kayo?" My classmates nodded lalo na yung mga boys. Masyadong atat sa soccer at basketball. Yung girls naman sa volleyball. Most of the players kasi ng soccer and basketball e nasa section namin, kaya ganun na lang sila kung makapag-react.

When the bell rang for lunch time, lumabas agad kami ni Benj at di ko alam kung saan kami pupunta. Basta sinasabayan ko lang kung saan siya pupunta.

Lumabas kami sa gate at pumunta sa pinakamalapit na café.

Umupo kami doon sa same spot na inupuan namin before noong mga panahong masungit pa siya sa akin.

"What do you want, Mady?" Nakangiting tanong niya. Bakit ba ang ganda-ganda ng ngiti nitong lalaking 'to?

"Uhm, vanilla cream frappe is fine." Nakangiting sagot ko. Tumango naman siya at pumunta sa counter.

Kinuha ko yung phone ko sa bag at nagfacebook. I checked the notifications and the friend requests. Di kasi ako nag-aaccept kapag di ko masyadong kilala yung isang tao. Napangiti ako sa nakita ko.

Benjamín Isaac Martín sent you a friend request.

I accepted it without hesitation and smiled. Di ko napansin na nakaupo na pala si Benjamín sa harap ko habang nilalagay sa harap ko yung frappe na in-order niya kanina.

"Why are you smiling?" He asked while frowning. Pinakita ko sa kanya yung phone ko na may request niya at napangiti rin siya.

"I already accepted it." He chuckled and pinched my cheek.

"Let's eat. I also bought you a cake na rin, para naman kahit papaano ay mabusog ka." He smiled and I smiled back. Hindi imposibleng mahalin ko agad siya, kasi napaka-sincere niyang tao.

"Thanks. Gosh! I really do like your smile." And he giggled heartily.

"What's with my smile?" At ngumiti ulit. Namula tuloy yung mukha ko.

"I-i just like it."

"And I like you." Mas lalong yatang namula yung mukha kaya ininom ko na lang ying frappe ko at yumuko.

"Don't hide your face. Sayang, ang ganda-ganda mo pa naman."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Stop!"

"Why?"

"Masyado mo akong pinapakilig," I whispered pero mukhang narinig niya.

"Hala? Masyado kang straight to the point."

"Bakit ikaw ba, hindi?" And he just chuckled.

--

Bago mag-uwian, sinabi ni Ms. Cybil na magdala raw kami ng extra shirt for tomorrow kasi pagpapawisan daw kami panigurado. I snorted. As if namang pagpapawisan ako, eh wala naman akong gagawin dito tomorrow kundi maglakad-lakad lang o tumambay sa library. Tama, yun na lang yung gagawin ko. Boring naman ng Intrams.

Pagkahatid sa akin ni Benjamín sa bahay, naabutan namin si Nana sa garden na umiinom ng kape at pagkakita niya sa akin ay agad siyang lumapit.

"Good evening, Nana." I greeted and kissed her cheek.

Kumunot ang noo niya nang mapansin niyang may kasama ako.

"Who is he? Your boyfriend?" Nanlaki ang mata ko at umiling.

"Uh... Nana, he's my... my-"

"Good evening po, Ma'am. I'm Benjamín, Mady's suitor," And he smiled. Napaka-straight forward talaga nitong lalaking 'to. Di man lang ba siya kinakabahan or anything? Paano kung ayaw pala sa kanya ni Nana, diba? Kaso parang imposible namang mangyari yun.

"Okay lang po ba?" Nana smiled and nodded.

"It's okay." Ibinaling niya ang tingin niya sa akin at ngumiti. "May nanliligaw na pala sa'yo, 'di mo man lang sinasabi sa akin." I smiled awkwardly.

"Pasok ka muna," aya ni Nana.

"Di na po, Ma'am. Hinatid ko lang po siya pauwi, just to make sure she'll be home safe." Napangiti naman si Nana sa narinig niya.

"Drop the Ma'am please. Masyadong formal. Auntie na lang." Benj chuckled and nodded.

"Sure, Auntie. Sige po, una na po ako."

Nana nodded. "Ingat pauwi, Benj." Ngumiti siya at pumasok na sa kotse niya.

"Una na po ako sa taas." Nana smiled and nodded.

I was about to sleep when my phone beeped.

I saw Benjamín's chat head so I pressed it.

Benjamín Isaac Martín: your Nana is kind.

Madison Phoebe Taylor: Yeah, mabait talaga yun. She's my mom e.

Benjamín Isaac Martín: hahaha. are you sleepy na?

Bigla akong napahikab nang mabasa ko yung sinabi niya. 10:50 na rin kasi.

Madison Phoebe Taylor: uhm medyo

Benjamín Isaac Martín: you should sleep na. ayokong napupuyat ka.

Bigla akong namula sa sinabi niya.

Madison Phoebe Taylor: Ahh sige. Goodnight na.

Benjamín Isaac Martín: goodnight, Mady. dream of me.

I smiled and put my phone on the bedside table para makatulog na ako. Ramdam ko na rin kasi talaga yung antok. Pagkahiga ko, ipinikit ko lang yung mga mata ko hanggang sa makatulog ako...

Na may ngiti sa aking labi.

Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon