6

98 6 0
                                    

Time flew really, really fast. Parang kailan lang, kakasimula lang ng school year. Then in one blink, Intramurals na agad ng school namin. Our homeroom teacher, which is Ms. Cybil, told us that every year in this school should have a presentation for that day. Sabi nila, marami rin daw physical games for days like basketball, volleyball, soccer, tennis, badminton, at intellectual games like chess, dama, scrabble, and domino. Sounds fun but no thanks. I hate sports.

Gillia, one of my classmates asked me about the Intrams. "Mady,"

I turned to face her, "Yes?"

"Ano yung mga sasalihan mo doon sa sinabi ni Ms. Cybil kanina?" She curiously asked.

I smiled a bit. "None," Napakunot ang noo niya. "I'm really not into sports but I do play volleyball sometimes."

"Really?" I nodded.

"Hmm, okay."

"You?"

"Siguro sasali na lang ako sa volleyball. Doon lang naman ako marunong." And she laughed.

"Okay. Choice mo naman yan, eh." She smiled. "Have fun, then."

She nodded, "I will!" She answered excitedly.

--

Since the day Benj told me that he'll help me move on, medyo naging iba na yung pakikitungo niya sa'kin. Di na siya rude sa akin unlike before. Naging sweet and caring na siya simula noong araw na tumawag siya, sinabi niya rin sa akin na siya na lang din daw ang maghahatid-sundo sa akin araw-araw. Boyfriend material ba kumbaga. Paano kaya kung di ako iniwan ni Aidan? Masaya pa rin kaya kami ngayon, o magkakasawaan lang din pag tumagal na? Kaso wala, eh. Siguro sign na din yun na 'di talaga kami yung para sa isa't isa. Medyo tanggap ko naman na wala na siya. Medyo nga lang. Buti na lang talaga at nandyan si Benjamín para tulungan ako. I really do owe him a lot.

Pumunta kami sa cafeteria ni Benjamin kasi parehas na kaming nagugutom. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kainin at siya na lang daw ang mag-oorder since marami daw tao. Ano kayang nakain neto at sobrang sweet sa akin?

Pagkabalik niya, dala-dala na niya yung pagkain naming dalawa. Pagkalapag niya ng tray sa table, umupo siya sa harap ko at ngumiti.

"Benjamín?"

"Just Benj."

"But I want Benjamín! It sounds better kaya. Can I call you that na lang?" He sighed and nodded. Ang arte.

"Are you mad?" He shooked his head and stared back at me.

"Then why aren't you talking? Sige ka, mapapanis laway mo niyan if you don't talk."

He snorted and furrowed his brows, "Yuck." Ang arte talaga nito.

I laughed heartily, "By the way, I have a question."

"What is it? You can ask me anything." He retorted and smiled.

"Anong nakain mo at ang sweet, sweet mo sa akin these past few months?" I arched a brow.

Tumawa siya at ginulo yung buhok ko. "Diba nga sinabi ko na sayo na tutulungan kitang mag-move on?" Tumango naman ako.

"And that's what I'm doing." He smiled, again.

I frowned, "I like your smile," Wait, parang nasabi ko na yun dati, ah? Di ko lang maalala kung kailan at saan. But that line is undeniably familiar.

His face paled.

"Did I say something wrong? Uy, okay ka lang?"

He smiled a bit and nodded.

"Okay. Let's eat?" He nodded once more and I smiled.

Parang gusto kong pumunta sa library mamaya. Sinabi ko yun kay Benjamín at sabi niya sasamahan niya na daw ako since wala rin naman daw siyang gagawin mamaya.

Wag naman sana siyang maging masyadong sweet sa akin dahil baka tuluyan ko nang makalimutan si Aidan, which is a good thing at baka ma-in love ako sa kanya nang wala sa oras nyan.

Pagkatapos namin kumain, tumungo na agad kami sa library para makapag-relax. Napaka-peaceful kasi ng lugar na iyon para sa akin. Napakatahimik, ang ganda ng view sa labas, maraming magagandang libro na pwedeng basahin, at higit sa lahat, napapaligiran ako ng napakaraming libro where I feel so contented.

Dumiretso kami sa pinakadulong table at doon umupo.

"I will just read na muna, ha? Ikaw, anong gagawin mo?" I asked while finding a book in my bag.

"I'm going to sleep." Tugon niya.

I snorted, "Lagi ka namang natutulog. Lagi ka bang puyat sa bahay niyo tuwing gabi kaya araw-araw kang natutulog dito sa school?"

Ngumiti lang siya. Aba, hindi man lang sinagot yung tanong ko. Isinandal niya yung ulo niya sa inuupuan niya at pumikit.

Sinimulan ko nang magbasa nang mapansin ko yung maamo niyang mukha.

Ang gwapo niya talaga.

What if dumating yung araw na manligaw siya? Sasagutin ko kaya siya? Gwapo pa naman si Benjamín. Mabait, medyo pilyo, gentleman pa nga eh - may pagka-mayabang nga lang, sweet, maalaga, at higit sa lahat, napapasaya niya naman ako kahit papaano. Nakaget-over na kaya ako kay Aidan sa mga oras na yun? Sana naman, oo. Kasi gusto ko nang sumaya ulit. Deserve ko naman sigurong sumaya, diba? Hays.

Bumalik ang diwa ko nang biglang may magsalita.

"Staring is rude." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"How did you-"

"Secret," He laughed.

"Kwento ka nga about your family."

I frowned but still chose to speak. "Sige. Uh, paano ko ba sisimulan 'to...? Lumaki akong masiyahin pero medyo mataray. Minsan tahimik, madalas maingay. I grew up na si Nana lang yung kasama. I was born na hiwalay na yung Daddy ko at si Nana. If God will grant me a wish, I wish to meet my Daddy. Kasi I never had the chance to see or talk to him. I never met him. I never felt his love and care for me like Nana does," I pouted while staring back at him.

He listened carefully so I continued, "I also have two cousins with me everytime, which is Cass and Quinzel. Super close naming tatlo to the point na parang kapatid na rin yung turing ko sa kanila at ganun din naman sila sa akin. Alam mo, kahit wala akong daddy, I'm already satisfied with my life. Problems may come, pero alam ko namang malulutasan ko rin lahat iyon at magiging masaya rin ako in the end. Siguro lahat naman ng 'yon ay may kapalit na maganda, diba?" Tumango-tango naman siya at ngumiti.

My eyes widened when he pulled my arms kaya sobrang lapit na ng mga mukha namin. Ano bang ginagawa nito? Lalo siyang napangiti ng makita niyang namumula na ako ngayon sa kilig. Yumuko ako pero agad niyang hinawakan ang mukha ko na mas ikinapula ng pisngi ko.

"A-ano bang ginagawa mo?"

"Ang cute mo naman kiligin." Hahampasin ko sana siya sa braso nang hawakan niya ang kamay ko.

"I think I love you..." He whispered.

"W-what?"

"Want me to repeat it, baby?"

My eyebrows creased. "What the hell? Baby? Uh... I'm not your baby."

A smirk formed his lips.

"At least not yet." He spoked and winked at me.

Parang nabingi yata ako sa narinig ko. Ano daw?

Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon