21

30 2 0
                                    

Months have passed but I can still remember the roadtrip that happened two months ago. At hindi nga nagkamali si Benj. Hindi niya talaga hinayaan na ma-bored ako kasi walang oras na hindi niya ako napatawa o napangiti man lang. Hindi siya nauubusan ng sasabihin sa akin.

Sinamahan ako ni Nana na pumunta sa mall na malapit para bumili ng mga damit na isusuot ko para sa Christmas Party namin mamaya. Pagkatapos naming bumili, kumain muna kami saglit sa Italianni's at umuwi rin.

Pagkauwi namin, sinabihan ako ni Nana na umiglip na muna saglit para makapagpahinga ako. Sinunod ko naman agad siya at pumasok na sa aking silid.

Maya-maya lang ay may kumatok at narinig ko ang pagbukas ng aking pinto.

"Mady, wake up. Three o'clock na," narinig kong sabi ni Nana. Ano ba yan, parang kakatulog ko lang, eh.

"Mady, ano ba? Didn't you hear me? I said wake up. Tumayo ka na dyan at ang bagal-bagal mo maligo. Benjamín will fetch you pa. Nakakahiya naman sa kanya. Mamaya ma-late pa kayo sa party niyo."

Umupo ako at kinusot ang aking mga mata.

I groaned. "It's better late than never."

"Anong better late than never? It's better early than sorry. Just stand up and take a bath, Mady!" Aniya at hinila ako patayo.

"Okay, fine! Ito na. I'll take a bath na." Pagkadilat ko ng maayos, nakita ko si Nana na nakatayo lang sa tabi ng kama ko at nakapangalumbaba.

"What are you waiting for?"

"I'm waiting for you to go inside your bathroom." Umismid ako at dumiretso na sa cr.

Sinarado ko ang pinto at nagsimulang gawin ang aking daily routine.

Pagkatapos kong maligo ay naglagay ako ng light makeup sa aking mukha at tinanggal na ang bathrobe para makapagsuot na ng idadamit ko. I just wore a deep red silk dress with a pair of matching lace-up heels. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. I look fine. I think, this look is fine for the party.

Saktong pagkababa ko, ay nakita ko si Benj na nakaupo sa sofa. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Sinalubong niya ako ng yakap na agad ko namang kinalas.

"Benjamín, ano ba? Nandito si Nana. Nakakahiya." Saway ko.

Napatingin kami ni Benj kay Nana na ngayo'y nakangiting aso.

"Ngayon ko lang na-realize... na magkahawig kayo. Alam niyo ba yung kasabihan na kapag magkahawig ang isang couple ay destined sila sa isa't isa?" Ani Nana.

Oh, talaga ba?

Natawa si Benjamín at tumingin sa akin. "Magkamukha tayo?"

"Ewan ko kay Nana. Magkamukha kami?" Tanong ko naman kay Nana. Tumango siya at makahulugang ngumiti.

Tinulak niya kaming dalawa ni Benj palabas ng bahay at kumaway. "Please take care of my daughter, Benj."

"Of course, I will, Auntie. Sige po, una na po kami." He smiled and Nana nodded.

Pumasok na kaming dalawa sa backseat at nagsimulang magdrive ang kanyang driver papunta sa aming school.

Habang nasa biyahe kami, biglang pumasok sa isip ko kung paano kami nakapasok sa bar noon gayo'y wala pa kami sa tamang edad.

"Benjamín?" Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Yes, baby?"

"I was just wondering, kung paano tayo nakapasok sa bar noon? We're only minors, right? Diba ang pwede lang pumasok dun is yung mga nasa legal age na?"

Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon