17

28 3 0
                                    

Ni hindi niya man lang ako tinanong kung okay lang ba sa akin na hindi kami mag-usap. Ni hindi niya man lang ako nilingon nang maglakad siya papalayo sa akin. Ni hindi niya man lang ako pinag-explain, kusa na lang siyang nagdesisyon ng hindi ako tinatanong kung ayos lang ba iyon sa akin o hindi. Wala rin naman akong magagawa kung yun yung gusto niya. May karapatan ba ako? Obviously, wala.

'Cause in the first place, hindi niya naman ako girlfriend.

Hindi ko rin naman siya boyfriend.

Wala rin namang kami.

Ang hirap pala talaga kapag wala kayong label, no? Hindi niyo malalaman kung hanggang saan lang yung limitations niyo dahil hindi niyo alam kung saan kayo lulugar. Walang kasiguraduhan.

Sinubukan ko pa siyang kausapin nung uwian kaso... kinuha niya lang yung bag niya at iniwan ako. Tatlong araw niya na akong di kinakausap. Wala ba talaga siyang balak kausapin ako o baka naman may iba lang siyang kinakausap ngayon? Wag naman sana.

"Madison, pinapapunta ka pala ni Ms. Cybil sa MAPEH department, may ipapa-announce daw siya." Sabi ng classmate kong kakapasok lang sa room.

Mag-uuwian na kami ngayon kaya maingay na naman yung mga kaklase ko. Tumango ako at kinuha na ang bag ko para diretso na lang akong uuwi mamaya.

Kusang hinanap ng mga mata ko si Benjamín ngunit nabigo ako dahil hindi ko siya nakita. Wala na rin yung bag niya... Hays.

Sinabihan lang ako ni Ms. Cybil na mag-ready na for the upcoming battle of the bands sa January. Ako daw kasi yung kukunin niyang main vocalist sa section namin. Three months from now pa naman yun pero kailangan na daw paghandaan habang maaga pa. Sabagay, mahirap nga naman mag-cram. Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kanya.

Habang naglalakad ako sa hallway, marami pa namang mga estudyante na nakakasalubong na mga tumatambay sa school. Siguro ayaw pa nila umuwi.

Napadaan ako sa library dahilan para maisipan kong mag-stay muna dun.

Naglalakad na ako papalapit sa palaging pinagpupwestuhan ko nang may nakita akong isang lalaki at babae na nakaupo doon kaya nagtago ako sa isang shelf na malapit sa pwesto nila.

Nakatalikod sila pero kilalang kilala ko kung sino ang lalaking iyon.

"Read this. And please do understand what you're reading. Science lang naman yan. Nakakapagod ka turuan, eh." Sabi nung lalaki habang hinihilot yung sentido niya. Kumapit naman sa braso niya yung babae at mahinang humagikhik. I bit my lower lip to stop myself from crying.

"Okay lang yan. Love mo naman ako, right?" Sabi nung babaeng linta na grabe makakapit sa kanya. 

Sino ba 'to? Kalandian. Tch.

"Kahit na ganyan ka, mahal kita. Kaya umayos ka na dyan at seryosohin mo na ang pinapabasa ko sa iyo." Nag-iinit na ang gilid ng mata ko dahil sa sinabi niya.

Mahal?

What the hell? Ano yun?

Akala ko ba ako ang mahal niya? Wow. Multitasker. Galing.

"But I'm hungry na. Pwede bang umuwi na tayo so I could eat na? Or better yet, dun ka na lang sa bahay mag-dinner. Mommy misses you na, eh. She wants to see you daw. Di ka na daw kasi nagvi-visit sa house. Ano, is that okay with you?" Masayang sabi nung babae. Napalingon siya sa bandang pwesto ko kaya medyo naaninag ko yung mukha niya. I suddenly stopped crying and frowned.

Wait a minute... Kilala ko 'to, ah? Saan ko nga ba 'to nakita? Ilang minuto lang akong nakatayo doon habang nag-iisip sa gilid ng isang shelf kaya di nila ako nakikita. Ah! Sa hotel na pinuntahan namin nila Nana! Tama, tama. Yung warfreak na babaeng nakasagutan ko dahil natapunan siya ng kape sa dress niya. Yung maarteng bitch. Kung minamalas ka nga naman, dito pala nag-aaral yun? At bakit sila magkasama ni Benjamín ngayon? Bakit siya nakakapit sa Benjamín ko? Bakit siya kinakausap ni Benj, ako hindi? Di ko pa nga siya sinasagot, may pinalit na agad siya sa akin? Grabe naman yun.

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang tinitingnan yung kalandian nila. Ang sakit ha. Ang sakit.

Napasandal ako sa shelf na pinagtataguan ko ngunit may nalaglag na ilang libro kaya agad-agad ko iyong pinulot at ibinalik iyon sa shelf na nasa harapan ko. Napatingin ang ibang tao sa akin na ikinalaki ng mata ko dahil nakatingin na rin si Benjamín ngayon ng diretso sa mga mata ko. Kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas. Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon pa.

Benjamín, hindi mo man lang ba ako hahabulin? Magpapahabol naman ako, e.

Tumakbo ako papunta sa field at umupo sa isa sa mga bleachers na naroroon. Pinagpalit niya na pala ako, hindi ko man lang napansin. Ni hindi ko man lang naramdaman. Akala ko kasi, binigyan niya lang ako ng time para makapag-isip. Sa pagkakaalam ko, yun kasi yung sinabi niya.

Bigla namang umulan ng malakas kaya nabasa agad ako. Hinayaan ko na lang tutal wala naman na akong magagawa. Tumayo ako at tumingala. I let the rain drops kissed my skin. Maya-maya lang, ay naisipan ko nang umuwi. Malamya akong naglakad mag-isa palabas ng school, gabi na rin kasi.  Habang naglalakad ako, biglang may nagpatong ng coat sa magkabilang balikat ko at nagpayong sa akin. Napalingon ako sa taong kasabay ko na ngayon at dali-dali kong tinanggal ang coat niya at binigay iyon sa kanya.

"I don't need that." Naglakad ako ng mabilis para mauna sa kanya pero naabutan niya pa rin ako at iniligay muli ang kanyang coat sa balikat ko.

"Anyone can see your undergarment already. Aren't you aware of it? Marami pa namang gago sa paligid. Baka mapaano ka, and I don't want that to happen."

I gazed at him cluelessly. "Why are you doing this? Why did you even come back?"

Napatungo naman siya at nagsalita. "Gusto ko lang naman itama yung mga pagkakamali ko, Mady. Kasi matagal ko nang pinagsisihan yung nagawa ko-"

Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya ng diretso sa mata. "But Aidan, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa, kung kailan malapit ng maging okay ang lahat? Okay na ako. Masaya na ako na wala ka. Oo may natitira pa ring sakit dito sa puso ko pero matagal ko nang tanggap na wala na tayo. Na hindi na talaga maaari pang maibalik ang dati. Aidan, Benj makes me happy. He makes me happy all the freaking time. He loved me, healed my broken heart and even gave happiness in it. So please, could you just move on already? For me?"

Umiiyak na siya ngayon sa harap ko at niyakap ako. Nabitawan niya yung payong na hawak niya kaya pati siya ay nabasa na rin ng ulan.

"Madison, I'm sorry for everything. But please, give me another chance. Please..." He whispered. Nababasa na rin ng luha niya yung balikat ko.

Hindi na ako nakasagot pa dahil umiiyak na rin ako ngayon pero nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang lalaking na medyo malapit sa amin. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko at kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Malungkot siyang ngumiti at tumungo. Dahan-dahan siyang tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo sa amin...

Sa akin.

Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon