7th of April, 2017
This is it. The end of our love story.
Siguro, sa alternate universe, buhay ka pa rin. Pero nandito ako sa real world kung saan huling burol mo na ngayong araw. Tomorrow, ihahatid ka na namin sa huling hantungan mo. I want you to know that I'm mad at you because you promised me that you will never die.
But you did.
And now I'm left alone in this God-forsaken world.
Sinabi mo sakin noong 19th birthday mo na promises are meant to be broken. Nag-promise kasi ako sa'yo noon na papayag na akong i-meet yung bago mong girlfriend. Hindi ka naniwala sakin. Medyo nainis ako sa'yo no'n kasi pakiramdam ko, hindi ka na nagtitiwala sakin. Ngayon, alam ko na. Tama ka nga. Promises are meant to be broken. You broke yours.
At ngayon, dahil sinira mo yung pangako mo, I'm now forced to approach your casket to say goodbye. Alam mo ba kung gaano kasakit yung gagawin ko? No. Siguro, nagpapakasaya ka ngayon sa afterlife, pinapanood yung paghihirap ko.
Ayokong makita yung mukha mo sa kabaong. Ayokong makita ka na naka-make up, nakapikit, at hindi umiimik. Ayokong makita na wala ka nang buhay. Ang gusto kong tumatak sa isip ko ay yung huling araw na nagkita tayo. Yung ngiti mo no'n, and your brown eyes na puno ng buhay. Pero wala akong choice.
Being face-to-face with you for the first time since we last saw each other and for the last time is going to be difficult, lalo pa't alam ko na pupunta rin yung girlfriend mo.
Let's leave her name out of my mouth today, alright? Kung gusto kong malampasan yung araw na 'to, yung bukas, at yung susunod pang mga araw, I think I need to go back to the beginning, kung saan normal lang tayong teenagers na nagso-solve ng crossword puzzles, at unti-unting nahuhulog sa isa't-isa.
Nagsimulang gumulo ang lahat the moment you fell out of love with me. Yung mga events after ng break-up natin yung pinagsisisihan ko. Ngayon, nasa afterlife ka na at alam ko na nanonood ka ngayon. I just hope na kapag nalaman mo yung mga ginawa ko, hindi magbabago yung tingin mo sakin.
I'm a bad person, I know it. Marami akong nagawang mali. But I want you to know that like you, I'm human.
Hindi ako perpekto.
BINABASA MO ANG
The Beginning and the End #Wattys2017
Teen FictionHindi matanggap ni Eleanor ang pagkamatay ng kanyang ex-boyfriend na si Alexander. Kahit saan siya magpunta, binabagabag siya ng mga ala-ala nito.