003. Yesterday

632 18 1
                                    

Yesterday

24th of December 2013

"Wag muna tayong umuwi," Alex said nung makarating kami sa entrance ng subdivision namin. Tumigil siya sa paglalakad and then he gave me a smile.

After niyang sabihin na gusto niya rin ako, hindi na kami nag-usap buong bus ride. Ito yung unang interaction na ginawa namin since nu'n, and I can't tell if it's awkward or not. Humarap din ako sa kanya, and I met his gaze.

Nararamdaman niya rin kaya yung feeling na parang nalulunod sa tuwing tumitingin siya sa mga mata ko? Nagkakaroon din kaya ng butterflies sa tiyan niya whenever I smile at him?

Humarap ako sa kanya, then I met his gaze. "Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta," he answered with a smile. Then he took my hand, and we started walking away from our subdivision.

After five minutes of walking, we entered an exclusive subdivision. Naramadaman ko na nakatingin lang sa akin si Alex habang pinagmamasdan ko yung paligid. Medyo nakaramdam ako ng awkwardness kaya tiningnan ko na rin siya.

"Bakit?" I asked. Nginitian niya lang ako at ibinaling ang tingin sa dinadaanan namin. Nagsisimula nanamang magwala yung mga butterflies sa tiyan ko...

Malalaki at magaganda ang bahay dito, hatang mayayaman ang nakatira. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit pinayagan kaming pumasok ng guwardya gayong isa itong exclusive subdivision.

"Dito nakatira sila tita dati bago mag-migrate sa US," biglang sabi ni Alex na parang nabasa niya kung ano yung nasa isip ko. "Kilalang-kilala na ko ng security guard kaya hindi niya tayo pinigilang pumasok."

Wow. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon. Kahit pala matagal na kaming magkakilala, marami pa rin akong hindi alam tungkol sa kanya.

Pagdating namin sa isang intersection, we turned left. Medyo kakaunti na ang mga bahay dito, at mas marami ng puno. Pataas na rin yung daan na nilalakaran namin. Maya-maya, we turned right to a narrow path. Marami nang puno sa part na 'to at mas lalo pang naging pataas yung daan.

Inilabas ni Alex yung cellphone niya at binuksan ang flashlight. It's already 5pm, at nagsisimula nang lumubog ang araw. After ng ten minutes na paglalakad, narating namin ang isang clearing, kung saan may lumang playground.

Halatang-halata na abandoned na ang playground na ito. Puro kalawang na yung swing at maalikabok yung slide. Sira na rin yung iba pang palaruan. Hinila ako ni Alex papunta sa isang malaking bato at naupo kami doon. Mula rito, kitang-kita namin yung buong city.

He wrapped his arms around my shoulders, and my heart skipped a beat.

"Dito ako lagi nagpupunta kapag gusto kong mag-isip," he said. "Peaceful kasi dito, and walang nakakaalam ng lugar na ito kundi ako lang kaya sigurado ako na walang mang i-istorbo sakin."

Inihilig ko yung ulo ko sa balikat niya. "Bakit mo ko dinala dito?"

Naramdaman ko na nag-shift yung gaze niya papunta sa akin. "Because you're special." Mas lalo pang humigpit yung braso niya sa balikat ko.

Kaninang umaga, hindi ko in-expect na mangyayari lahat ng ito. Gusto ko lang aminin sa bestfriend ko yung tunay kong nararamdaman sa kanya. I didn't expect a positive outcome, tanggap ko na sa sarili ko na pwede akong ma-reject.

Pero nalaman ko na may gusto rin pala siya sakin. Tapos, dinala niya ako sa isang place na malapit sa puso niya. Ano pa bang mahihiling ko?

Life's good. I hope it'll stay this way forever.


The Beginning and the End #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon