005. Yesterday

507 18 5
                                    

Yesterday
24th of December, 2013

Isang oras din kaming nanatili sa lumang playground kanina bago kami nag decide na umuwi. Naupo lang kami sa swing at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay. Sobrang saya ko ngayong araw. Hindi ko akalain na mangyayari ito.

Dito sa bahay magce-celebrate ng Christmas si Alex. Simula nung bata pa kami, naging tradisyon na namin na magcelebrate ng magkasama. We celebrated Christmas in their house last year, kaya naman turn na ng family namin na mag-host.

Pagdating namin sa bahay, abala na ang lahat sa paghahanda ng noche buena. Nasa kitchen sina Mom at Tita Cathy, nagluluto, at si Tito Xander at Dad naman ay inaayos ang lamesa. Naupo kami ni Alex sa couch sa living room, kung saan nanonood ng TV ang younger brother niya na si Timothy.

"Hello, Ate El," bati niya sakin, completely ignoring his Kuya. Alex scowled.

Eight years old pa lang si Timothy, pero marami na siyang alam tungkol sa mga bagay-bagay. Pareho kasi sila ng Kuya niya na matalino at malakas ang sense of curiosity. Hindi na rin ako magtataka kung paglaki niya, maging kasing gwapo rin siya ni Alex.

"Saan kayo nagpunta ni Kuya?" tanong niya. Bago pa ko makasagot, bigla ulit siyang nagsalita. "Ah, nevermind. Nag-date lang siguro kayo."

My cheeks reddened. Ginulo ni Alex yung buhok ng kapatid niya. "Eh ano naman ngayon? Inggit ka lang," pang-aasar niya.

Nagpatuloy pa sila sa pag-aasaran, with Alex occasionally glancing and smiling at me. I swear, pwede na akong matunaw dahil sa sobrang kilig. Natigil lang yung bickering nila nang biglang may nag doorbell.

"I'll get it," I said, at tumayo ako. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sakin ang nakangiting si Paulo.

"Merry christmas," nakangiti niyang bati. I smiled back and ushered him inside. Matalik din naming kaibigan si Paulo. Nakilala namin siya not long after naming magkakilala ni Alex. Lagi kaming magkasama sa mga groupings sa school pati sa pagkain ng lunch pero minsan, Paulo drifts away from us. Kaya siguro naging iba yung closeness naming dalawa ni Alex.

Pumunta kaming tatlo sa kusina para tumulong sa paghahanda ng pagkain. Iba't-ibang klase yung mga dishes; white spaghetti, pulled pork, lechong manok, lumpiang shanghai, menudo at baked mac. Syempre, hindi mawawala ang specialty ni Mom na caldereta at ang fruit salad ni Tita Cathy. Gumawa rin kami nina Alex at Paulo ng graham balls. Balak kasi naming manood ng mga christmas movies pagkatapos ng noche buena.

Pagdating ng 11pm, natapos na kami sa paghahanda ng pagkain. We changed our clothes, then we took our christmas photo. May bago nanaman akong isasabit sa dingding ng kwarto ko. Nang ma-satisfy na kami sa mga shots, nag-decide na kaming kumain.

Magkatabi kami ni Alex at nasa kabilang side ko naman si Paulo. Paminsan-minsan, idinidikit ni Alex yung tuhod niya sa akin kaya naman napapa-smile ako bigla. Napansin naman iyon ni Mom at nagtanong kung bakit ang lapad ng ngiti ko.

"Wala po," I answered. "Masaya lang ako na magkakasama tayong lahat."

Pagkatapos naming kumain, hinanda na namin sa living room yung mga blankets at pillows na gagamitin namin sa movie marathon. Habang busy ang lahat sa pag-aayos, bigla akong hinila ni Alex paakyat sa kwarto ko. He closed the door, then smiled at me.

"Bakit?" tanong ko.

Lumapit siya sa kama ko at may kinuha sa ilalim. Nang humarap ulit siya sakin, hawak na niya yung gift na binili niya kanina.

"Merry Christmas, El," he said, smiling broadly. Ibinigay niya sa akin yung gift and I gladly took it. Pumunta ako sa closet ko at kinuha yung regalo ko sa kanya.

"Merry Christmas din, Alex," I said, then inabot ko na sa kanya yung gift. "Buksan mo na."

Binigyan niya ulit ako ng isang matamis na ngiti, then he started unwrapping the gift. Mas lalong lumapad yung ngiti niya nang malaman niya kung ano yung regalo ko.

"Wow," he said. "This is the best christmas gift ever."

I chuckled.

"Thanks, El," pasalamat niya. "Buksan mo na rin yung regalo ko sa'yo."

Maliit lang yung regalo niya, isang perfect cube na kasing laki lang ng palad ko. Tinanggal ko yung gift wrap, at tumambad sakin ang isang wooden box. Tumingin muna ako sa kanya bago ko tuluyang buksan. Nakatingin lang din siya sakin habang nakangiti.

Isang simpleng singsing lang yung laman ng box. Gawa sa silver, at may naka-engraved na letter 'A' sa unahan.

"'A' for Alexander," he said, still smiling. Kinuha niya yung singsing at isunuot niya iyon sa ring finger sa right hand ko. We were silent for a moment, just looking at each other.

"Actually, hindi ko dapat sasabihin sa'yo yung meaning ng letter na yan," he said. "But, since alam mo na yung feelings ko sa'yo, hindi na ko natatakot na lagyan ka ng mark."

"Mark?"

"Yeah. Para malaman ng ibang boys na may nagmamay-ari na sa'yo." He smiled. "You're mine now, Eleanor."

Pakiramdam ko, lalabas na yung puso ko sa chest ko dahil sa bilis ng tibok nito. Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang saya. Ngumiti ako, at hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"I'm yours," I choked out, then I felt his arms around my waist.

"I'm yours, too."

This is the best Christmas ever.

The Beginning and the End #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon