008. Today

423 18 8
                                    

Today
8th of April, 2017

Ihahatid ka na namin sa huli mong hantungan.

Umuulan ngayong araw. Parang nakikisabay yung mga ulap sa pagluluksa namin. Basang-basa ang buong paligid, madilim ang langit ang malakas ang ihip ng hangin. Pinagdadasal ko na sana mas lumakas pa, sana maging bagyo na lang. Yun na lang siguro yung tanging paraan para hindi matuloy yung libing mo. Please, kahit isang araw pa.

Paggising ko kanina, tinamaan ako ng matinding realization na wala ka na talaga. Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng mga luha ko. I was sobbing so hard, I put my face in my pillow para hindi ako marinig nina Mom and Dad.

Nakahanda na yung damit na isusuot ko. Isang simpleng black dress at black slippers. Hindi ito yung black dress na isinuot ko noong kasal ng pinsan mo. I don't want that dress to be tainted by the memory of today. No, today, I will grieve your loss. I will let myself succumb to the dark pit of emptiness that you left inside me. Still, hindi ko pa rin alam kung isusuot ko yung bagong black dress na binili ni Mom. Hindi sa ayaw ko nu'n pero... Ayoko pa ring hubarin yung black sweater mo.

9am pa lang, mamaya pang 1pm yung libing mo. Balak kong magkulong na lang sa kwarto hanggang sa dumating yung oras na iyon. At least dito, malaya akong alalahanin yung mga memories natin. Lahat ng sulok ng kwarto ko, nagagawang ipaalala ka sakin. Mula sa mga framed pictures nating dalawa, mga posters ng movies na sabay nating pinanood, pati yung alarm clock na niregalo mo sakin noong Christmas 2012.

Gusto kong i-imagine na isa lang ito sa mga rainy days na kung saan nandito lang tayo sa kwarto ko, nanonood ng TV series habang kumakain ng popcorn na punung-puno ng cheese. O kaya, nakahiga lang tayo sa kama ko habang nag-uusap tungkol sa mga weird topics na ibinibigay mo. Ipagpapalit ko ang kahit na ano, makabalik lang sa panahon na yun. Yung panahon na kampante akong hinding-hindi mo ako iiwan.

Sumilip ako sa bintana, pinapanood yung bawat patak ng ulan. Despite the weather, marami pa ring taong naglalakad sa labas. Tuloy lang ang buhay nila, unaware na may isang importanteng tao na nawala sa mundong ito. Hindi ko alam kung kaya ko pang makasabay sa galaw ng bawat araw. Masyadong mahirap, lalo pa't wala ka na sa tabi ko. Napaka-unfair talaga ng buhay.

I miss you so much, Alex.

-----

The rain had turned to drizzle by the time we arrived at the cemetery. Unlike yesterday, kaunti lang ang tao ngayon. Yung family mo, yung family ko, at yung girlfriend mo. Your mom wanted to keep your burial private. This is a solemn day for them (and for me), and they didn't want to make a big fuss out of it. Niyakap ako nang mahigpit ng Mom and Dad mo pagpasok namin sa mausoleum. Yung kuya mo naman at yung girlfriend mo, nginitian lang ako. I didn't smile back.

After we gave our condolences, sinimulan na ng priest yung ceremony. And then your Mom gave a brief speech, thanking us for being a part of your life. Hinayaan ko na lang na tumulo ng tumulo yung luha ko. By the time na natapos siyang magsalita, nawalan na siya ng boses dahil sa matinding pag-iyak. Niyakap siya nang mahigpit ni Tito Xander.

Then, dumating na yung moment that we've been dreading. Oras na para ibaba sa lupa yung casket mo. Mas lalong lumakas yung iyak ni Tita Cathy, at hindi ko na rin napigilan yung sarili ko from sobbing. Inabutan ako ni Mom ng rose para ibaon kasama ng kabaong mo.

Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa hukay. Every step, I felt like my knees would buckle. But I managed to pull myself together.

Tinabihan ko yung girlfriend mo sa harap ng casket mo na unti-unting ibinababa sa ilalim ng lupa. Silent tears were falling from her eyes, at nakatingin lang siya sa hawak niyang rose. I was glad na hindi niya ako napansin dahil wala pa akong lakas para makipag-usap sa kanya. Inihagis ko yung rose na hawak ko papunta sa casket mo, and then tumalikod na ako at naglakad palayo. Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Eleanor," Paulo said. "I'm sorry for your loss."

"I'm sorry for your loss, too," I managed.

Natahimik kami for a few moments. I wonder, ilang beses na kaya siyang tumawa simula ng mamatay ka? Sigurado ako na he smiled at something stupid, like memes on social media or jokes na sinabi sa kanya ng kakilala niya. Gusto kong malaman if he busted out laughing so hard his stomach hurt. Kasi ako, hindi pa. It sucks kasi alam ko na mag-isa lang ako ngayon na nalulunod sa sarili kong pagluluksa. I want to know kung kailan ulit ako tatawa. Kung kailan ako magiging okay.

Paulo's gaze had finally fixed on me. "Kakausapin mo ba si Nikki?"

Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako kapag binabanggit yung pangalan niya. "Okay lang naman siguro kung hindi, diba?" I said. Alam ko dapat maglakad na ko palayo, pero hindi gumagalaw yung mga paa ko.

"Alam ko na nasasaktan ka ngayon. Alam ko na iba yung naging relasyon nyo ni Alex at relasyon nila ni Nikki, pero siya lang yung taong makakaintindi sa'yo ngayon."

"What they had isn't the same," I said, fighting back tears and screams. Umiwas ako ng tingin para hindi makita ni Paulo yung expression ko. Hindi ko kailangan ng comfort niya.

"Eleanor.."

"Just leave me alone, okay? I need to be alone," I said. Nagsimula na kong maglakad palayo.

"Eleanor, please."

Hindi ko siya pinansin. Mas binilisan ko pa yung lakad ko. Lalabas na sana ako ng mausoleum pero napatigil ako nang makita ko kung sino yung nakatayo sa entrance.

Yung girlfriend mo. She's staring directly at me.

The Beginning and the End #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon