004. Today

535 17 6
                                    

Today
7th of April, 2017

Ayokong pumasok. Ayokong pumasok. Ayokong pumasok. Please, ayokong pumasok sa loob.

This is a bad idea. Dapat pala hindi na lang ako nagpunta dito. Hindi pa ako handang makita ka.

Naka-park na yung kotse namin sa harap ng funeral house. From here, nakikita ko yung mga bisita mo na lumalabas at pumapasok. Yung iba, mga classmates natin nung elementary at high school. Karamihan, hindi ko kilala. Hindi na ako magtataka kung lahat sila kilala ka personally. Friendly ka kasi, at laging nakangiti. Nararamdaman din kaya nila yung bigat na nararamdaman ko ngayon? Miss na miss na kita.

"Take your time, honey," sabi ni Mama. Nakatingin siya sa reflection ko sa rearview mirror.

"Mauna na kayo," I said. "Dito muna ako sa kotse."

Mom and Dad exchanged looks. I can see the concern etched in their faces.

"No," Dad said after a moment. "We'll wait for you. Sabay-sabay tayong papasok sa loob."

I sighed. Ayoko talagang pumasok sa loob. Sigurado akong manlalambot lang yung tuhod ko kapag nakita kitang nakahiga sa casket. Masyado ka pang bata, Alex. Dapat nag-eenjoy ka pa ngayon. Sana nandito ka pa rin sa tabi ko, nakangiti, nag e-exist. Pero masyadong malupit ang tadhana. Memories mo na lang ang mayroon ako ngayon.

Naaalala ko yung huli nating pagkikita nung January. Kasama mo yung girlfriend mo, at mukhang masayang-masaya ka sa kanya. Yun yung first time na nakilala ko siya. Mabait siya, maganda at pareho kayong palangiti. In that moment, na-realize ko na wala na akong lugar pa sa mundo niyong dalawa. Kailangan ko nang mag move on.

I took a deep breath. Siguro ganun din ang dapat kong gawin ngayon.

"Let's go inside," I told Mom and Dad, then lumabas na ko sa kotse without waiting for their reply.

Napatigil ako sa tapat ng entrance ng funeral house. Gawa sa mahogany yung pinto at may mga naka-ukit na bulaklak sa gilid. I closed my eyes, focusing on my breathing.

Kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to.

I took one last breath. Itutulak ko na sana yung pinto nang may biglang nagbukas mula sa loob.

"Eleanor, anak. Mabuti at dumating ka," nakangiting sambit ni Tita Cathy. Medyo pumayat yung Mom mo simula nang huli ko siyang makita. May mga dark circles rin sa ilalim ng mata niya.

Muli siyang ngumiti, and I smiled back. Hinila niya ako para yakapin. Gustung-gusto kong sabihin sa kanya kung gaano kita nami-miss. Gusto kong ilabas yung bigat ng loob ko. Pero alam ko na masyado na siyang maraming dinaramdam at ayoko nang dumagdag pa.

She squeezed me tight, then hinarap na niya ako. "Kamusta ka?"

"Ayos lang po," I answered. A lie.

Naramdaman ko yung kamay ni Mom sa balikat ko. Si Dad naman, sa kabilang sode ko pumuwesto. They gave Tita Cathy a smile, and Tita Cathy smiled back. "Let's go inside."

Yung malaking portrait mo yung una kong napansin pagpasok namin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil alam ko yung picture na yun. I was the one who took it. It was taken a week before I broke up with you.

Simple lang yung picture, parang yung date natin nung araw na iyon. Nagpunta lang tayo sa lumang park sa dating village mo para mag picnic. Nakasuot ka lang ng white tshirt at black pants. Nakaupo ka nun sa swing tapos nakatayo ako sa harapan mo. You gave me a smile, the sweetest one I have ever seen. Nung time na yun, naisip ko na I was the luckiest girl in the world dahil napaka gwapo ng boyfriend ko. Without thinking about it, kinuha ko yung digicam sa bulsa ko and I took a picture.

Ang hirap tanggapin na hindi ko na makikita pang muli yung ngiti mo na 'yan.

Niyaya kami ni Tita Cathy na maupo sa unahan kasama yung family mo, but I refused. Hindi pa ako handang makita ng malapitan yung casket mo, but I didn't tell her that. Instead, sinabi ko na lang na mas magiging comfortable ako kung sa bandang likuran kami uupo nila Mom and Dad.

Nang makaupo na ako, I leaned back and closed my eyes. Siguro nasa fifty yung mga tao na nandito ngayon. Alam ko na Tita Cathy would invite me to speak a eulogy for you. Kahit kinakabahan ako, I will do it. For her, and for you. Sana lang pakinggan mong mabuti yung sasabihin ko.

I opened my eyes again, and I looked around. Napako yung tingin ko sa bandang unahan kung saan nakikipag-usap yung Dad mo sa isang babae.

Si Nikki, girlfriend mo.

The Beginning and the End #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon