Yesterday
24th of December, 2013
Aamin na ko ngayong araw.
Medyo mabilis ang takbo ng bus, pero okay lang dahil katabi ko si Alexander Solomon. Kilala ko na siya since elementary. Mag-isa lang ako no'n na kumakain ng lunch sa cafeteria nang bigla siyang naupo sa tabi ko. "Hey, tulungan mo ko. Nagso-solve ako ng crossword puzzle," sabi niya. Tumango lang ako. Ngumiti naman siya at ipinakita sakin yung puzzle that he was trying to solve. We didn't finish it, pero after that day, naging close na kami.
Today, we decided na pumunta sa Mall of Asia para bumili ng regalo namin sa isa't-isa. Medyo wala nang time kasi Christmas eve na mamaya pero pinilit pa rin ako ni Alex na sumama sa kanya at bumili. Hindi raw kasi namin dapat sirain ang tradisyon. Every Christmas kasi simula nang magkakilala kami, nagbibigayan na kami ng regalo. Alternate rin kung saan kami magce-celebrate ng Christmas eve. Minsan sa bahay nila, minsan naman sa amin. This year, sa amin ang celebration.
Aamin na ko ngayong araw, at tatanggapin ko kung ano man ang magiging reaction niya.
Kami lang ang sakay ng bus ngayon. Medyo suspicious, pero wala akong pakialam. Masyado akong busy sa pag-iimagine ng kung anu-ano tungkol sa mangyayari ngayong araw. This guy, with his curly hair and tantalizing brown eyes, na mahilig mag-drawing at mag-solve ng crossword puzzle kasama ako, at palaging masaya at nakangiti. This guy, my bestfriend.
Yung lalaking gusto ko.
"May dumi ba sa mukha ko?" Bigla akong napatigil sa pagde-daydream nang bigla siyang magsalita. Hindi ko na-realize na nakatitig na pala ako sa kanya.
"Ah, eh, wala," sagot ko. "Nag-iisip lang ako kung anong pwede kong iregalo sa'yo."
Ngumiti siya. "Kahit ano. Alam mo naman na hindi ako mapili."
"Gusto ko kasi special yung regalo ko ngayong taon," sabi ko.
"Special naman yung turing ko sa lahat ng binibigay mo sakin, eh," he said, then he winked. Medyo kinilig naman ako ng kaunti.
Finally, tumigil na yung bus sa tapat ng MOA, at bumaba na kami.
Pagpasok namin ng mall, bumungad sa amin ang napakaraming tao. May fireworks display kasi mamayang 12am. Sa sobrang daming tao, kailangan naming maghawak-kamay ni Alex para hindi kami magkahiwalay. This day is getting so much better.
Naglakad-lakad kami for a few minutes, and then bigla siyang tumigil sa tapat ng isang toy store na may naka-display na merchandise ng Game of Thrones. Napangiti siya nang makita yung action figure ni Jon Snow.
"One thousand pesos para sa isang action figure? Too expensive," sabi niya.
Biglang nagsalita yung isang saleslady. "That's an original merchandise," seryoso niyang sabi. "Limited edition lang 'yan. Dapat nga mas mahal pa yung price eh." May suot siyang t-shirt that says That's what I do, I drink and I know things.
Nginitian lang siya ni Alex. "Well that explains it." Tumingin siya sakin. "Let's go?"
Gumala pa kami for a few more minutes, hanggang sa hindi ko na talaga matiis. "Uwi na lang tayo?" I asked. Sobrang dami talagang tao ngayon, at ilang beses ng natatapakan yung paa ko.
"No way, hindi pa tayo tapos," sabi ni Alex. "Hindi tayo pwedeng umalis dito ng walang nabibili."
"Edi ibili mo ko."
"Bakit hindi ikaw yung bumili para sakin?"
I sighed. "Hindi mo naman kailangan yung mga action figures na 'yon."
BINABASA MO ANG
The Beginning and the End #Wattys2017
Ficção AdolescenteHindi matanggap ni Eleanor ang pagkamatay ng kanyang ex-boyfriend na si Alexander. Kahit saan siya magpunta, binabagabag siya ng mga ala-ala nito.