Yesterday
28th of December, 2013"What should we do today?" Alexander asked me when we got bored playing games in his gaming console. Kaming dalawa lang ang tao ngayon sa bahay nila. His Mom, Dad and Timothy went to visit his grandmother in another town. They won't be back until nightfall.
"I don't know," sagot ko. "Watch TV series?"
"Nah. Boring rin yun," he said. He turned off his computer, then tinabihan niya ako sa kama. "I'm so bored."
Ano nga bang magandang gawin today? 1pm pa lang, mahaba pa ang araw namin. Hindi naman pwedeng maupo na lang kami sa kama maghapon, diba? Well... I kinda like the idea.
"Labas kaya tayo?" I suggested. "Isama natin si Paulo. Ang tagal na nating hindi nakikita yung mokong na yun."
Humiga siya sa lap ko tapos tinitigan niya ako habang nag-iisip. "Saan naman tayo pupunta?" tanong niya after a moment. Hindi pa rin niya inaalis yung titig niya sa akin. I swear, feeling ko anytime pwede akong matunaw. Parang ice cream lang na nakabilad sa araw. Siya kasi yung araw ko, because he lights up my world.
"Ice cream parlor?" I said. Bigla akong nagka-ideya dahil sa pick-up line ko.
"Good enough," he said, then tumayo na siya. Inilahad niya yung kamay niya sa akin sabay ngiti. "Let's go?"
I smiled back, then I took his hand.
-----
Tinawagan namin si Paulo at pinapunta namin sa favorite namin na ice cream parlor. Pumayag naman siya kaagad. Nauna kaming makarating ni Alex, kaya naman nagkuwentuhan muna kami. Sa garden sa labas yung nakuha naming table. Maganda yung ambiance dito, tahimik, peaceful, tapos idagdag mo pa yung mga magagandang bulaklak sa paligid.
"Kung magkakaroon ako ng TV special, ano kayang magandang title?" Alex asked out of the blue. Mahilig talaga siya sa mga kakaibang topic. Minsan nga parang gusto kong pumasok sa loob ng ulo niya at panoorin kung paano gumana yung mga gears ng brain niya. Masaya sigurong ma-stuck sa loob ng utak ng isang Alexander Solomon.
"Let me think about it," I said. Nagkunwari akong nag-iisip. Hinintay niya naman yung sagot ko patiently.
"Well?" he asked.
"How about... Alexander Solomon: TV Special?" I suggested.
"Nope. It's too simple," he said.
"Well, simplicity is beauty, dude," sabi ko, then I playfully punched his arm. "How about... The Boy Who Conquered the World?"
Nag-isip siya. "Hindi rin, eh. I'm not planning to conquer the world. I simply want to live in it."
Sasagot pa sana ako pero biglang dumating si Paulo. Katulad namin ni Alex, bored na bored na rin daw siya sa bahay nila. Mabuti na lang daw at tinawagan namin siya dahil kung hindi, baka kung ano na yung magawa niya dahil sa sobrang boredom.
"What are friends for?" nakangiti kong sabi sa kanya. Naupo siya sa tapat namin at tinitigan kaming dalawa.
"What?" sabay naming tanong ni Alex.
"Wala lang," Paulo answered. "Para kasing may iba sa inyong dalawa."
Nagkatinginan kami ni Alex. "What do you mean, iba?" I asked.
Tinitigan niya muna kami, parang nangingilatis. "Wala naman," he said. "Nevermind." Tumayo siya at ngumiti sa amin. "So, anong order nyo?"
"The usual," sabay ulit naming sabi ni Alex. Nagkatinginan kami at tumawa. Si Paulo naman, napailing na lang at nagpunta sa counter. Pinanood ko siyang maglakad palayo.
"Kailan mo balak sabihin sa kanya?" I asked Alex when Paulo is out of earshot. Hindi pa namin nasasabi kay Paulo yung tungkol sa aming dalawa. Hindi naman sa ayaw naming sabihin pero, natatakot kami sa pwede niyang maging reaksyon. I mean, magkakasama na kaming tatlo simula pa nung mga bata kami. Ayokong maramdaman ni Paulo na out of place siya.
"I don't know," Alex said. "As soon as possible."
Hinawakan ko yung kamay niya na nakapatong sa table. "Do you want me to come with you or you want to tell him yourself?" I asked.
"Mas maganda siguro kung dalawa tayong magsasabi sa kanya," he answered. Tumango naman ako at ngumiti.
"Woah."
Napabitiw ako sa kamay ni Alex nang biglang magsalita si Paulo. Hindi namin napansin na paparating na pala siya. Hawak niya yung tray na may lamang tatlong glasses ng ice cream at nakatingin siya sa amin, shocked.
"I knew it," he said after a moment. Inilapag niya yung tray sa table at naupo siya sa tapat namin. "How long have you been dating?"
I swallowed. "Not long ago."
"Sabi ko na nga ba, eh. You two will end up together," he said, smiling.
He's smiling.
Napansin din iyon ni Alex. "Wait, so hindi ka galit sa amin?" he asked.
"Nope," Paulo answered. "Bakit naman ako magagalit? Matagal ko nang nahulaan na mangyayari 'to. Yung chemistry nyong dalawa is all over the place."
Para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi niya. Yes, hindi siya galit. Wala na kaming magiging problema ni Alex.
"Basta huwag nyo akong iiwanan sa ere," Paulo said.
"Hinding-hindi namin gagawin yun," nakangiting sabi ni Alex. "Isipin mo na lang na nasa laro ka, tapos yung nangyayari ngayon ay isang bagong level."
"Well, may mga level din na exclusive lang sa inyong dalawa," sagot naman ni Paulo sabay ngiti ng nakakaloko.
"Pwede ka naman sumali anytime you want," Alex said, winking. Tumawa ako at binatukan ko siya.
Mahal na mahal ko talaga silang dalawa. They are my only friends, at kuntento na ako kahit sila lang. Masaya ako ngayon because even though Alex and I are dating, alam ko na walang magbabago sa friendship naming tatlo.
*****
Shout out kay PassionFor_Reading! Maraming salamat sa reads, votes, and comments mo! Mas lalo akong nai-inspire na magsulat, kasi alam ko na may nakaka-appreciate ng works ko. Salamat!
BINABASA MO ANG
The Beginning and the End #Wattys2017
Teen FictionHindi matanggap ni Eleanor ang pagkamatay ng kanyang ex-boyfriend na si Alexander. Kahit saan siya magpunta, binabagabag siya ng mga ala-ala nito.