002. Today

760 25 1
                                    

Today

7th of April, 2017

My alarm went off again -- for the fourth time. Ilang beses na rin akong tinatawag ng parents ko. They even threatened to force my door open, pero wala, eh. Wala talaga akong balak na bumangon ngayong araw.

Last day na ng burol mo, last chance para makita kita. Kagabi, habang binabasa ko yung mga conversations natin sa cellphone ko, the realization hit me. Wala ka na talaga. Hindi ko na makikita pa ulit yung mga mata mo, hindi ko na maririnig yung boses mo, hindi ko na mararamdaman yung warmth mo.

Hindi na natin maaayos yung nasira nating relasyon. Ito yung masakit.

"Eleanor!"

"Ten more minutes!" I shout.

"Sinabi mo na yan kanina," Mom said.

"Limang beses na," Dad added. "Get dressed."

"Lalabas na ko in ten minutes," I said. "I promise."

I got out of bed slowly, and then I opened my closet. Una kong nakita yung black dress na isinuot ko noong kasal ng pinsan mo. Nangyari yun ilang buwan matapos maging tayo. It was our first formal party, and a very memorable one. Nakabonding kita at yung buong pamilya mo. Doon ko naramdaman na tanggap nila ako, na pwedeng-pwede kitang pakasalan anytime. Anyway, I won't wear this dress today. I want to preserve its happy memories.

Instead, I'm going to wear casual clothes: jeans, t-shirt, sneakers, and the black sweater that you gave me the night of our first kiss. I've been wearing it for the past sixty hours. Sana pala hindi ko na lang nilabhan yung sweater na 'to. It doesn't smell like you anymore. It doesn't have the dirt stains from all the times we went to the park. Parang bigla ka na lang nabura sa mundo.

Tinignan ko yung orasan -- 9:19am. Nahiga ulit ako sa kama at tumingin sa kisame. Siguro kung nandito ka ngayon, pagagalitan mo ko kasi ayaw na ayaw mo ng nale-late. But, yeah, siguro nga may bright side yung pagkamatay mo. Wala ka na dito ngayon para sabihin sakin yung mga bagay na ayokong marinig.

I'm sorry. Hindi tama na sabihin ko 'yon. Dapat ko na talagang lagyan ng preno yung bibig ko.

Gusto kong magmukmok na lang sa loob ng kwarto ko buong araw. Wala akong ganang kumilos. Pero kailangan kitang puntahan at makita a huling pagkakataon. Tumayo ako, nagbihis, at lumabas ng kwarto.

Sa hallway, puno ng mga framed pictures yung dingding. Every frame holds certain memories. May mga memories ng family namin, memories with my friends, and memories with you. Binilisan ko yung paglalakad para hindi ko na makita yung mga pictures.

Naabutan ko sina Mom and Dad sa living room na nanonood ng balita. Nakabihis na sila at handa nang umalis. Nang makita ako ni Mom, tumayo siya at lumapit sakin.

"I'm ready," sabi ko. But I'm lying. The truth is, gutom na gutom na ko, pagod na pagod na ako, at hinding-hindi pa ko handa. Pero may oras kaming hinahabol. Ngayong araw yung service mo, bukas yung libing, at pagkatapos, hindi ko na alam kung anong mangyayari.

Mom linked her arms on mine, guiding me like I'm a toddler. This is ridiculous. Eighteen years old na ako, nagluluksa sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang tao. Tinanggal ko yung kamay niya sa akin at humakbang palayo. "Hihintayin ko kayo sa labas."

Nang makasakay na kami lahat sa kotse, binuksan ni Dad yung radio to ease the silence. Then he started to drive. Nasa harap sila pareho at mag-isa lang ako sa back seat. During the drive, nakadungaw lang ako sa bintana, tinitignan yung mga nadaraanan namin to ease my loneliness. Pero hindi sapat.

Pumikit na lang ako at sumandal sa headrest. I imagined you sitting next to me, holding my hand.

Instantly, I felt better.

The Beginning and the End #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon