Today
7th of April, 2017Ayoko na.
I know na pupunta siya sa funeral mo, expected ko na makikita ko siya ngayon. Pero bakit parang ang sakit-sakit pa rin? Kahit anong gawin kong paghahanda sa sarili ko, hindi ko pa rin magawang maging matatag sa tuwing nakikita ko siya. Palaging pumapasok sa isip ko na siya yung present mo, at ako yung nakalipas na.
Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa girlfriend mo, unable to take my eyes off her. Then, sa hindi inaasahang pagkakataon, she looked around and our gazes met. Namamaga yung mata niya, parang kagagaling lang sa pag-iyak. She's not wearing any make-up. Her clothes, all black. Parang ipinapahiwatig na nawalan na ng kulay yung mundo niya nu'ng mawala ka.
I heard na siya ang kasama mo the day you died. Grabe siguro yung nararamdaman niya ngayon, maybe even worst than what I'm feeling. But I refused to believe it. Mas matagal kitang kilala, kaya mas malalim din yung sugat na iniwan mo sakin.
Biglang may naupo sa bakenteng upuan sa left side ko. Alam ko na kung sino siya kahit hindi ko siya tingnan. I felt his gaze on me, deep and unfaltering.
"How are you?" he asked.
"How am I?" I snapped. "How are YOU?"
He flinched. "El..."
Umiwas ako ng tingin. "Wag muna ngayon, Paulo," I said. I don't have enough energy to deal with him.
He nodded. "Okay." Tumayo siya at lumipat ng pwesto, yung malayo sakin. Nakita ko sina Mom and Dad na nakatingin sakin. They averted their gazes nung nakita nila ako na nakatingin din sa kanila.
"I'm fine," I told them. "Just... Don't mind me."
After a few minutes, nagsimula na yung funeral ceremony. May priest na nag lead ng prayer, and a brief lecture about death. Pagkatapos, nagsimula na yung mga magbibigay ng eulogy.
Syempre, nauna si Tita Cathy. Halos hindi na siya makapagsalita ng maayos sa kakaiyak. Pero for you, tinapos niya yung eulogy niya. Sunod na nagsalita ay si Tito Xander. Unlike Tita, napigilan ni Tito yung emotions niya from taking over. At the end of his speech, tears started falling from his eyes. Muntik na rin akong mapaiyak, pero pinigilan ko yung sarili ko. Kailangan ko munang makapagsalita sa unahan bago aoo mag breakdown.
Then, yung girlfriend mo na. Yumakap muna siya kina Tito at Tita bago pumunta sa unahan. Pagkatapos, pinagmasdan ka niya sa loob ng casket mo.
"Bago ko simulan ang lahat, gusto ko munang ikwento sa inyo kung paano kami nagkakilala," she started.
I closed my eyes. Hindi ko na pinakinggan pa yung eulogy niya dahil alam ko na yung kwentong iyon. Ilang beses mo bang sinabi sakin via Skype kung paano kayo nagkakilala? Napaka-enthusiastic mo pa ngang magkuwento. Akala ko nung una, pinagseselos mo lang ako dahil nakipag-break ako sa'yo. Pero hindi pala. Doon na pala magsisimula yung tuluyan mong pagkawala sakin. Kung alam ko lang sana.
When I opened my eyes again, nakita kong umiiyak na yung girlfriend mo. Nire-recall niya lahat ng mga moments nyo together. Sinasabi niya kung gaano ka kabait at maalagang boyfriend. I know all of that, kasi ipinaranas mo rin sakin yan.
Finally, bumalik na siya sa upuan niya. Tiningnan ako ni Tita Cathy, and she gave me a reassuring smile. I took a deep breath, at dahan-dahan akong tumayo.
Naglalakad na ako ngayon papalapit sa casket mo. Nanlalamig ako, feeling ko pwede akong himatayin anytime. Gusto kong umatras at huwag na lang magsalita. Pero nakatingin na sa akin lahat ng mga bisita mo as I walk towards you. Tiningnan ko muli yung malaking portrait mo, your sweet smile and brown eyes. And then, finally, I approached your casket.
Halos manlambot yung tuhod ko nang makita kita. Hindi nagbago yung itsura mo. Para ka lang natutulog, napaka peaceful ng expression. Biglang dumaloy yung luha ko pero pinunasan ko rin kaagad. Huminga ako ng malalim, at humarap na ko sa mga bisita.
"I was Alexander's special friend," I started. "Ever since we were kids, magkasama na kami. Pareho kaming mahilig sa books and crossword puzzles, kaya siguro naging mag bestfriend kami."
Tiningnan ko yung mga visitors mo. Umiiyak ang karamihan sa kanila, including your mom and your girlfriend. Yung iba naman, nakatangin lang sakin, naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"As some of you know, Alex and I dated when we were still in high school. Pero kahit na nag break na kami, hindi pa rin nawala yung friendship namin." Napatingin ako sa girlfriend mo. Tumigil na siya sa pag-iyak, nakatingin na lang siya sa akin at nakikinig.
"Napaka-unfair ng buhay," I said, my voice cracking. "Napakabata ng nineteen years old para mamatay. Ang dami niyang pangarap sa future, marami pa siyang pwedeng gawin sa buhay niya."
My tears started falling again, but this time, I let them. "Miss na miss ko na siya. Kung may alam lang ako na paraan para ibalik siya dito ngayon, gagawin ko, kahit ano pang kapalit."
Tumingin muli ako sa casket mo, to your lifeless body lying there. Parang hindi totoo na wala na ka. Hindi ko matanggap.
"Alex, wherever you are, alam ko na nakikita at naririnig mo kami," nauutal kong sabi. Hindi na ako makapagsalita nang maayos dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. I just want this to be over. "I want you to know na hinding-hindi kita makakalimutan. And I love you so much, you know I do."
Marami pa kong gustong sabihin, but my emotions got the best of me. I started sobbing, unable to stop. Naramdaman ko na lang na niyayakap na ko ni Mom.
"It's okay, baby. It's okay," she said. Hinayaan ko siyang ibalik ako sa puwesto namin. Nang makaupo ako, I took a steadying breath at pinunasan ko yung mga luha ko.
Sana nasa alternate universe na lang ako. Yung lugar na buhay ka pa rin. Yung pwedeng-pwede ko pang makita yung mga ngiti mo. I miss you so much, Alex. I once thought that life's good, and it would stay that way forever. But you died. You left me.
Now, my life's a living hell.
**********
Happy 100 reads! Yayyy!!!
BINABASA MO ANG
The Beginning and the End #Wattys2017
Ficção AdolescenteHindi matanggap ni Eleanor ang pagkamatay ng kanyang ex-boyfriend na si Alexander. Kahit saan siya magpunta, binabagabag siya ng mga ala-ala nito.