Chapter: 2

1.4K 60 6
                                    

Bartz McKlenzey
Age: 19
Gender: Bi

Gabrielle POV!

Sa "School" dun ka makakahanap ng Barkada, tropa, kaibigan yung tipong Ang saya-saya nyo pag binubully nyo yung bawat isa tapos sabay kayong kakain pag lunch or recess tapos yung may ka Kopyahan ka kahit may pera ka mag papalibre ka, Sa School masaya kasi dun nakaka kilos ka nang walang may nag babantay sayo................

Pero Hindi nangyari sakin yun. Sa school lagi akong binubully! Umuuwi akong may pasa sa katawan. Nabubugbog ako sa Likod ng school! Walang kaibigan sa kadahilanan na ako'y isang......... Gay! Oo bakla ako. Pero hindi ako malamya kung kumilos, natural lang damit pang lalaki parin sinusuot ko.

At ang pinapasukan ko ngayong school ay hindi sya normal na school na lagi nyong nakikita!

"Elementer's School or Caster's School" Bakit Elementer's???

Hindi Elementary hah! Dahil Iskwelahan sya ng mga Caster (Mage, Cleric, Wizard, Summoner ohh ano pa).

At nabibilang naman ako sa Cleric kasi Light ang Main kapangyarihan ko... pero lahat pinag aaralan namin at Sinusubukan namin. Para kaya namin protektahan ang sarili namin kung ang buhay namin ay nasa panganib. Pero ako ang pinaka mahina sa lahat nang nag aaral dito!

Isa-isahin natin

Mage Type na kokontrol ang Apat na Elemento na (Apoy, hangin, tubig, at lupa).

Cleric type sila ang Healer sa Grupo. Nag papagaling sila gamit ang Light magic.

Wizard type parang mage type ngunit sila ay may gamit na magic rod dahil duon lang sila nakakalikha ng mahika. Sila ay may bitbit na libro upang maka likha ng mahika.

Summoner type sila yung nag sosummon ng monster or caster na ang gamit ay Dark magic.

Elementalist type sila ay pinag pala dahil sa lahat ng caster ay dahil lahat ng Elements ay kaya nilang kontrolin

At ang

Ancient one type sila ay may Unique na kapangyarahian sa kadahilanan na nakakagawa sila ng mahika na hindi na dapat pang pag aralan! Sila ang pinaka makapangyarihan sa lahat ng Caster.

Balik tayo sa story!

Nag lalakad ako sa hallway ng bigalang may nag palipad sakin sa ere "Huh? Woah!" hanggang sa tumama ako sa dingding at bigla akong nahulog.

"Ahh! Sh!t! Ang sakit ng katawan ko!" Tapos may narinig akong nag tatawan sa paligid at bigla akung tumakbo papunta CR sabay lock

" Dito siguro muna ako mag papagaling!" Lumikha ako ng Magic sign at Ginaling ang aking sarili at bumuti na ang aking sarili

"Hoy! bakla!"

Bigla akung napatalon dahil sa gukat at sa sigaw nya!

Nakaramdam agad ako ng takot ng marinig ko ang boses na iyon.

"Anung ginagawa mo dito? Para bosohan ako? Gustong-gusto mo talaga ma bugbog! Pag bibigyan kita ulit!" Sabi ni Bartz na nakangising demonyo.

Lumalakad sya papunta sakin samantalang ako naman ay hakbang pa urong. Ang aga-aga bugbog agad almusal ko sh!t. Ang lapit na nya. Mga kamao nyang ginamitan nya ng mahika upang maging kamay bato ito. Muntik na ako mamatay sa bugbog nya!

Anung gagawin ko! Anung gagawin ko! Anung gagawin ko!.........

Hanggang sa naramdaman ko ang malamig na pader sa likoran ko!

Wala na akung magagawa! Pumikit nalang ako at....

At yun binugbog na ako ni Bartz pero hindi nya tinuloy ang malabatong kamay ngunit malakas parin si bartz!

"Yan ang nararapat sayo! Bakla ka na nga mahina kapa! Hindi kana dapat nabuhay sa mundo! Wala ka na ngang kwentang caster wala kapang kwentang tao!" Sigaw na may pag diin na mga salitang binitawan ni Bartz saakin at hanggang sa sinipa nya ako sa muka at duon ay nilamon na ako ng kadiliminan!

May liwanag akung nakikita! Ang liwanag masyado!

"Malapi na! Malapit na!" Huh? Sino yun?

"Anung malapit na at nasaan ako? Bakit ang dilim?" Pasigaw kong sabi!

"Kunting pag hihintay nalang" at biglan akong nagising.

"Huh?"

Nasa CR parin pala ako! At panaginip lang pala yun. Tinignan ko kung anong oras na sa CP ko at 3:38 Pm palang. Kaya Ginamot ko uli ang sarili ko hanggang sa Gumaling at lumabas na ako ng CR.

Class hour ngayon kaya walang Istodyanteng palakad lakad kung meron man. Nag Cutting Classes sila.

"Gabrielle!" may tumawag sakin sa likod pa lingon ko..............

_______________________________________

Sana po ay Nagustohan nyo ang aking story ko
Subaybayan nyo ang storya nina Gabrielle at Bartz sa kanilang adventure at pagmamahalan!

Magic(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon