Chapter: 14

555 35 1
                                    

Gabrielle's POV

"Hoy! Kayong mga ulupong... Ang papanget ninyo at bakit may kaibigan kayong Oso?" Pag tataray ni Gina sa Dalawang bata?

Aba! Ano sumagi sa utak ni gina upang awayin ang dalawang to?

"Hoy! Ka din kala mo jan!" Pag ganti ng batang babae.

Bakit pagala-gala sila sa ilalim ng buwan?

"Kayo ba ay nawawala o kayo ba ay may hinahanap?" Tanong ko sa dalawa.

"Hindi kami na wawala at oo may hinahanap kami!" Sagot nung batang lalaki.

"Ate Terra at ahm! Hehe? Ano po itatawag ko sayo? Chaka?" Aba bastos din ang bibig nitong si gina ehh! Sarap taniman ng 43.6 na mga bomba ehh. (Kayo na bahala mag imagine kung pano kakasya ang 43.6 na mga bomba sa bibig nya)

"Sinong Chaka Gina? Sino nag sabi nun at pepektusan ko sa eyes lashes?" At biglang nanginig sa takot si Gina! Aba! Takot pala to mapektusan?

"Tawagin mo nalang ako Gabby! Kuya Gabby! Ok?" Tanging tango nalang ang sagot nito sa akin at ibinuhos ko naman ang aking atensyon sa Dalawa!

" Ano naman ang hinahanap nyo?" Tanong ko sa dalawa?

" Kuya oo nga ano nga pala hinahanap natin?" Nagtatakang tanong nung batang babae sa kanyang kuya.

"Kayo! Kayo ang hinahanap namin! Nakapasok kayo sa teritoryo namin at nandito kami ngayon upang dakoin kayo at ikulong sa kadahilanang wala kayong pahintulot na makapasok dito sa loob ng aming nasasakupan kayo sumuko kayo ng maayos kung pa ninyong magalusan!" Pag papaliwanag samin ng batang lalaki at mukang hindi lang to matapang mukang malakas din to kung ganun...

"Oo susuko na kami......"

At pinutol ko ang sasabihin pa ni Terra!

"Oo susuko kami kung matatalo nyo kami?"

At kumuot naman ang noo nung dalawang bata!

"Seryoso ka ba Gabrielle? mga bata yan ohh!" Gulat at dipensa nya sa mga bata

"Oo mga bata nga sila pero hindi tayo nakasisigurado na mahina sila! Kailangan din natin ipag tanggol ang sarili natin katulad nang nakipag bakbakan kami sa inyo noon!" Pag bibigay linaw ko kay Terra

Pano kung patayin kami dun sa lugar nila? Kaya ngayon hindi na ako mag papaka lambot pa! Lalaban na ako para sa karapatan ko! Lalaban na ako para ako naman ang panalo sa dulo at lalaban ako hindi dahil sa kailangan ito, lalaban ako para sa sarili ko.

Tumango naman si Terra at mukang nakuha nya ang ibig kong sabihin.

"Gina dun ka sa likod at tulungan mo kami gamit ang iyong kapangyarihan! Maliwanag ba?" Pag kokomando nya kay Gina.

Lumikha ako ng hangin at pumalibot sa akin ang mga dahong kanina ay walang buhay at sumasayaw ito palibot sa aking katawan.

At ikinamangha naman ng batang babae at duon na kuha nya ang ibig kong sabihin. nag handa sya para sa mga susunod na mangyayari at gayun din ang batang lalaki at pumaharap ito upang proteksyonan ang kababata nyang kapatid. At ang oso naman ay naging handa rin sa pakikipag bakbakan.

Si terra ay nag summon ng ManDrake(Monster na gawa sa Dahon pero wag maliitin dahil makamandag ang kanyang galamay at sa 10 sigundong oras ay mangingisay ka dahil sa aking kapangyarihan nito) at si Gina naman ay Lumikha ng Light ball at upang gawing mas malakas kami ni Terra at maging tagapag healer din namin sya.

" kuya mukang malakas sila! Parang hindi natin sila kaya" bulong ng batang babae sa kanyang kuya na rinig ko naman.

"Ano kaba wag ka panghinaan ng loob kaya natin to. Muka lang silang malakas pero mahihina yan sila. Kaya lakasan mo lang ang loob mo!"

Biglang lumikha ang Batang babae ng Mga Fire Balls na pumapaikot sa kanyanh katawan upang gawing proteksyon sa kanya at ito ay kanyang konikontrol kung kanino nya gusto patamaan at gamit naman aking kapangyarihan na ang mga palutang-lutang na sumayaw na mga dahon pumapalibot sa aking pag ka-tao ay hindi ako nito natatamaan at si Terra naman ay kinokontrol nito ang Mandrake para latiguhin ang bawat fireballs na tatama sa kanila.

Bigla naman sumugod ang batang lalaki. Aba mabilis sya ahh!

At nasaharapan ko na sya na may gamit na thief Knife at agad ko naman itong na ilagan sa pag hiwa nya sa aking harap.

Nagulat ako sa angking kapangyarihan nitong batang to. Ngayon ko lang ito nakita sa buong buhay ko wala pa akong narinig na may ganun ka bilis na tao.

"Anung tawag mo sa kapangyarihan mo?" Pag tatanong ko sa bata.

"Ancient one"

At sa pangalawang beses nagulat ako pero ang mas nakakagulat sa sunod na nangyari ay biglang pumaharap si Terra at gina upang protektahan ako.

"Kami muna ang makakalaban mo bago sya!" Galit na sabi ni Terra.

"Terra? Gina?" Pero bakit? Pano?

"Ipaliwanag nyo nga sa akin bakit kayo nag kakaganyan? Kaya ko ang sarili ko!" Naiinis ako sa kinikilos nila minamaliit ba nila ako?

"Ancient one hah!" Sabi ni gina

"Ancient one sila yung mga pinagpala dahil may sarili silang kapangyarihan na sila lang ang nakakalikha at isa ka dun Gabrielle. Kung hindi mo pa alam oo Isa kang ancient one pero tuwing nagagalit ka nagiging mas makapangyarihan ka hindi mo nakokontrol ang kapangyarihan mo kaya sa palagay ko mas higit ka pa sa ancient one pero ang tanong ano ka sino ka?

Pero ang ancient ones ay bawal mag dahil nag papatayan sila kaya ngayon handa akong ialay ang buhay ko para sa'yo Gabrielle" Pag bibigay ng Inpormasyon sakin ni Terra ngunit hindi ko pa din maintindihan ang mga pinag sasabi nya.

"Kaya Kuya Gabrielle hayaan nyo kami sa labang ito" at duon kinabahan ako kaya sumingit ako agad.

"Walang may mamamatay sa oras na ito! Mga Bata nandito lang kami upang mag palipas ng Gabi at kung nabulabog namin kayo pasensya na. Tigilan na natin to parangawa nyo na" at biglang lumalakas ang hangin sa paligid. "Kami na ang aalis dito Terra Gina tara na. Mga aalis na kami

"Gina ngayon na!" Pag komando ni Terra.

At Biglang may Fairy dust akong naamoy at dahil dun pakunti-kunti akonh nahilo at nawalan ng malay.

Nagising nalang ako na sa isang Kwarto at gawa lamang ito sa kahoy at mga dahon.

Pag ka bukas ko ng pinto ay...

-------------------------------------------------------------

Still open pa po yung Pag hingi ko ng tulong sa pag Buo at pag dagdag ng chapters.

Thank you readers😍

Magic(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon