Gabrielle's cloak
Gabrielle's POV!
"Huh? Ngayon ko lang narinig yun ahh! At sino kaba talaga hah? At ganyan ang damitan mo? Bakit mo ko iniligtas?" Sunod-sunod na Tanong ko sa kanya dahil kanina pa ako naguguluhan.
"The Great Jhubi! Jan mo makikilala kung sino ka talaga! Jan mo rin matutuklasan kung gaano ka kalakas at anung klaseng Mahika meron ka! Jan ka narin mag eensayo upang ikaw pa ay lalong lumakas pa!" Pag papaliwanag saakin ni Bartz! Pogi😍
Sh!t pogi nya talaga! Pogi na Gwapo pa Macho pa ang sarap pa😍 hahahaha! Tama na kakapantasya Gabrielle. Nasa panganib buhay mo ngayon!
"Ahh! Mukang malayo ang sinasabi mo ahh! So mag lalakad tayo?" Kung palalakarin man lang ako ng tukmol naito ehh! Mas maigi pang mag teleport nalang ako. Pero hindi ko pa napupuntahan yon at mukang malayo kaya hindi kaya ng mahika ko!
"Wag kang mag alala! May dala akung sasakyan. Tara!" Pag yaya sakin ni Bartz.
1969 Mach Cobra jet mustang ang dala ni Bartz!
"Sakay na! Wag mo lang gagasgasan yan dahil mas mahalaga pa sa buhay mo yan! Bilis!" Pag ka sakay ko ay biglang pinaharurot ni Bartz ang sasakyan.
"Jusko! Bartz! Ibaba mo na lang ako dahil mas gugustuhin ko pang mag lakad kesa sumakay sa sasakyan mong ito! Ano to Rides? Daig mo pa yung Roller Coaster kung mag patakbo ng sasakyan ehh!" Kapit na kapit at takot na takot kong Sinabi kay Bartz dahil! Halos kinukuha na ang kaluluwa mo sa bilis ng takbo ng sasakyan.
"Hahahaha! Ganyan ka bilis si Leo ko! Wag kang mag alala malapit na tayo at mag lalakad kana ulit!"
"Mag lalakad? Anung silbi nitong sasakyan mo kung palalakarin mo lang pala ako?"
"Kaninang atat na atat kang bumaba ngayon ayaw mong mag lakad! Sa ayaw at sa gusto mo mag lalakad TAYO! ok?"
"Tayo so kasama ka pala. Akala ko ako lang ehh. Pero baka malayo pa?" Hindi naman sa ayaw ko mag lakad mag isa. Ayaw ko lang ng walang kasama at gabi ngayon. Delikado sa mga dadaanan lalo na ngayon.
"Pero Dadaan muna tayo sa School!"
"Sa school? Bakit? Para saan?" Anung meron sa school?
"Natatandaan mo yung Golem?"
"Oo yung Golem? Anung meron sa Golem?"
"Basta pag dating natin dun gagawin mo ang nararapat!"
"Sige! Basta hindi ako mapapahamak ahh!"
"Hindi yan. Ako bahala sayo!" Sabay kindat sa akin ni Bartz!
Kinikilig ako shemay! Bakit pa kasi may pag kindat ehh. Erase erase erase! Wag mo bigyan ng ibig sabihin ang pag kindat nya sayo Gabrielle.
Habang nasa byahe ay tinamaan ako ng antok at nang patulog ako ay nakaramdam ako ng pag hawak sa ulo at ihilay ito sa braso ni Bartz. At duon kinain na ako ng kadiliman.
................"Mag palakas ka at mag handa para sa mga susunod ng pangyayari"
Pag bibigay alam sa akin ng isang boses ulit ng babae!
"Malapit na. Malapit na. Malapit na."
....................
At nagising nalang ako dahil sa pag yugyug saakin ni Bartz!
"Gabrielle nandito na tayo sa School tara na!" Bumaba na ako ng sasakyan. Habang nag lalakad kami ay naka ramdam ako ng parang may naka tingin sakin?
Pero isinantabi ko yun dahil may mas mahalaga pa akung iisipin at gagawin
Pag ka punta namin sa Field (Training area) ay nananahimik ang Golem.
"Ngayon kontrolin mo ang golem!" Pag utos sa akin ni Bartz!
"Huh? Paano? Ehh. Diba nga wala ako sa ulirat yung nang yaring trahedya! Hindi ko control yung sarili ko nun" pag papaliwanag ko kay Bartz!
"Gawin mo na! Wala akung paki kung wala ka sa ulirat nung Nilikha......" napatigil si Bartz nung biglang gumalaw ang Golem at sumigaw ito sa harapan nya.
'HUUUUUAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRR!!!!!!!!!!!'
"wag mo daw kasi akung awayin. Hahahaha! Sige na turuan mo ko"
"Aba! Malay ko sa'yo. Hindi nga ako marunong mag Summong ng monster yan pa kayang Ancient Golem na yan"
"Hays! Here go'es for nothing!
Inuutusan kitang 'Tumayo ka'
Huh!!!!" At tumayo nga.
Wala akung mahikang ginawa ngunit sa isang utos ko lang sumunod agad ito. Ng pag lingon ko kay bartz! Kitang-kita mo na naka ukit sa muka nito ang pag ka mangha!
"Ngayon. Utusan mong bantayan ang Paaralan at mag bigay sya ng alagad kung kinakailang na natin!"
At inutos ko lahat ng sinaba nya saakin.
Ngayon ang golem ay mistulang naging Puno at lumikha ito ng isang makapal at malaking Barrier palibot sa Iskwelahan.
"Maraming salamat ancient Golem! Mag pahinga ka muna gigisingin nalang kita pag kailangan na kita!"
At bumalik na kami sa sasakyan pero huminto kami dahil naramdaman na namin na may nag aabang sa mga puno at bigla silang sumugod!
Gamit ang mahika! Lumikha si Bartz ng ring blades gamit ang Tubig at ako naman ay lumikha ng Liwanag upang makita ni Bartz ang kanyang mga kalaban.
Nakaramdama ako ng May papalapit sa akin at Gumawa ako ng Barrier pa ikot sa akin upang ang suntok ng kalaban ay sya mismo makaramdam para sa sarili nya. At nang sya'y napa hinto tumalon ako at sinipa ko sya sa muka upang makatalon ako paatras habang umikot at dali-dali naman akong lumikha ng fire ball para ipatama sa kalaban.
Pag ka lapag ko ay umilag naman ako sa suntok payuko at sinipa ko ito upang lumayo sya sa akin.
"Ha ahh! Ha ahh! Ha ahh! Ang dami nila" hingal na hingal ako pero patuloy parin ang laban hanggang sila ay umatras na.
Tumakbo ako papalapit kay Bartz! "Ang dami mong sugat at gasgas! Pero salamat dahil iniligtas at tinulungan mo ako sa pag atake nila" bigla kong ginamot si Bartz gamit ang 'heal' mula sa light magic.
"Ok kana ba? Wala nang masakit sa'yo?" Nag aalala kong tanong!
"Ayos na ako. Salamat! Isa ka palang Cleric. Kaya pala tuwing binubugbog kita at pag ka tapos nun, ay parang wala lang sayo"
"Hehe. Pero may mga pasa paring naiiwan pero hindi naman sya ganun ka sakit! Hehe. Tayo na!" Pag iiba ko ng Topic.
"Anung Tayo na?" Pag ka Gulat ni Bartz sa akin.
"I mean is. Tara na. Umalis na tayo. Hahahaha!"
"Hahahaha! Tara na nga. Malayo-layo kunti yung sunod na pupuntahan natin kaya mag pahinga ka muna" ngayon ko lang nakita ang pag ngisi at narinig ang tawa ni Bartz!
'Ang Gwapo mo talaga Bartz!'
_______________________________________
Sana po ay nagustuhan nyo ang aking storya!
Subaybayan nyo ang story nina Gabrielle at Bartz sa kanilang Adventure at Pag mamahalan!
BINABASA MO ANG
Magic(BxB)
FantasyHindi ko to inaasahan! Ano sya? Sino sya? At Sino talaga ako? Minsanan nalang po ako mag update ngayon sa story. pasensya na po.