Gabrielle's POV
Ikinagulat namin ni cloude na ang mga bata ay nakatali ito sa puno at pinapalibutan ito ng mga Ice Crystals kung sa titigan mo ito ay isang ordinaryong Yelo lamang pero pag ito ay dumapo sa iyo ay magiging yelo ka
Kaya labis ang pag aalala namin ni Cloude sa dalawang bata dahil baka mapaano ito
Ngunit ang pinag tatako ehh! Paano sila sila jan naitali at paano't tulog parin sila hanggang ngayon?
"Cloude pansin mo ba na nakatali na silang dalawa ehh! Tulog padin? Baka ginamitan ng mahika ang dalawa?"
"Wag kang lalapit hayaan mong ako ang sumuri sa kanila" pag papaalam sakin ni Cloude
"Mag iingat ka wag mong hahayang madapuan ka nang Ice Crystals baka maging yelo ka" pag aalala ko dito
"Wag kang mag alala! Alam ko kung paano ito maiwawalang bisa at ng maitagal ko na sa pag kakatali ang dalawa" dahan dahan namang lumapit si Cloude sa dalawa
Una nyang tinungo ay si Zaine!
Kinalas nito ang mga pisi sa katawan ng bata at ako naman ay ginamit ang levitate spell upang palutangin ang bata at dahan-dahan na iniwas sa Ice Crystal at inihiga ko muna si Zaine sa aking kaliwa sunod naman na tinungo ni Cloud ay si Balana.
"Mahal! Kaya mo bang pabagalin ang ikot ng Ice crystal kay Balana mas mabilis ang ikot nito kaya mukang mahihirapan ako lumapit sa bata"
"Susubukan ko pero hindi ko kapangyarihan yan kaya hindi ko alam kung may epekto ito" at inumpisahan ko na mag cast ng isang spell para mapabagal ko ang ikot nito!
Nag cast ako ng lento
Pero hindi ito bumagal
"Cloud bumaba kana dyan ako nalang lalapit!"
"Ako na! Nandito na ako ohh! Tamang tyempo lang ang kailangan ko para mapalapit kay balana!" At nang maka hanap sya ng tyempo ay bigla itong tumalon ngunit papalapit agad sa kanya ang ice crystal!
Kaya dali-dali akong nag cast ng levitate sa kanya upang maiwasan nya to
"Muntik kana buti nalang handa ako at nakita ko ang papalapit na ice crystal!"
Kita mo sa muka ni Cloud na kinabahan sya dahil pawisan ito pag ka baba nya
"Pano natin sya ngayon matutulungan dapat matanggal na natin sya bago pa sya gumising!"
Nag isip ako kung paano ko matatanggal si Balana sa pag ka tali ng hindi nilalapitan at
"Fan Blade!!!"
"Huh! Ano?" Pag tatanong sakin ni Cloude
"Tama Fan blade ang gagawin ko upang maputol ko ang tali pero dapat may sasalo sa kanya para kapag naputol na ang tali ay may naka abang sa kanya sa paahan ng puno!" Gumawa ulit ako ng Fan blade mula sa hangin
At ng ibabato ko na ang fan blade ay...
"Wag ganun! Dapat pinag hihirapan hindi yung gagamit ng mahika para matulungan ang kaibigan! Sigurado ka bang sa tali yan tatama at hindi sa bata? Sigurado ka bang hindi yan madadapuan ng ice crystal? At sigurado ka bang tatalab yan sa tali!" Ang boses na yun mukang pamilyar
Rinig sa buong paligid ang boses ng isang lalaki at sobrang lalim nito parang may ka boses sya pero mas malalim ito
"Sino ka? Anung kailangan mo sa mga bata? Lumabas ka at humarap ka samin! Wag mong dinadamay ang mga bata!" Inikot-ikot ko ang mata ko sa buong paligid pero wala akong makita!
Saktong gabi pa talaga nangyari to! Mukang mahihirapan kami makipag laban sa kanya lalo na't hindi namin sya makita!
"I can sense him Gabrielle but the chances of finding him is too small!"
"I know! Ang mahalaga ngayon ay masagip muna ang bata at mailayo sa kanya!"
Nag iisip ako ng paraan para mailigtas si Balana pero gumugulo talaga sa isipan ko ay yung boses ng isang lalaki! Familiar sya sakin!
Pero malalim ito kesa sa kanya at malakas ang kanyang Aura!
Pero pag nilabanan namin ito siguradong wala kaming kalaban-laban
Kaya hindi sya ito!
"Kung ano man yang iniisip mo Gabrielle ay nag kakamali ka! Hahahahaha! Ang isipin mo muna ehh! Paano mo maililigtas ang bata at mailalayo sakin!"
Pananakot sakin ng lalaki!Hindi nako nag dalawang isip at ginamit ko ang Luminous balls! Binato ko ito sa taas upang lumiwanag ang paligid at isa sa naririnig naming boses!
Ngunit wala sya dun!
Agad umaksyon si Cloude upang masagip si Balana at natagumpayan nya naman ito pag ka baba ni cloude!
"Mahal itakbo mo na ang mga bata ako nang bahala sa kanya! Bilisan mo TAKBO!" Pag ka bigay sakin ng mga bata ehh! Tumakbo nako kahit bigat na bigat ako sa kanila isinawalang bahala ko iyon mailigtas lang sila!
Pero pag ka talikod ko!
Sa Likod pala ni Cloude ay tinamaan sya ng Ice Crystal! Kaya napa hinto ako sa gulat!
Hindi pwede ito ayokong may nalalagas samin hindi pwedeng mawala si Cloude hindi pwede dahil mag aalala si Terra! Hindi pwede dahil malulungkot ang mga bata at hindi pwede dahil...
Dahil isa nadin sya minahal ko at ayoko syang mawalay samin!
Ngayon ko lang napansin na ako'y lumuluha na pala!
Sakto naman at dumating ang mag kapatid!
"Gabrielle! Nandito pala kayo natakot ako baka may nangyari ng masama sa inyo kaya ginising ko si Gina upang hanapin kayo! Buti nalang at saglit...
Napaano ang mga bata? At nasaan si Cloude?""Terra Nakita namin ni Cloude na nakatali ang mga bata sa puno ay may pumapaikot dito na ice crystal tapos nakuha na namin si Zaine sunod naman nun nung naka gawa na kami ng isang plano para makuha si Balana ehh! May isang lalaki ang nag salita! Ayokong isipin na kilala ko itong lalaki na ito pero kaboses nya pero mas malalim lang ang boses nito! Terra si Cloude ay natamaan ng Ice crystal sa likod sa 10 minuto ehh! Tuluyan na itong magiging yelo!" Maiyak iyak kong pag bahagi kay Terra!
"Kuya wag kang mag alala isa akong Cleric at ikaw kaya magagawan natin ng paraan yan. tara na at tulungan si Kuya Cloude!" Pag motivate sakin ni Gina
"Masyadong malakas ang lalaking iyon naramdaman namin ni Cloude kaya siguradong wala tayong laban kahit mag sama-sama pa tayo" bigla nalang ako sinampal ni Terra!
"Tumigil kana Gab! Pagod kana at hinang hina kana tignan mo yang sarili mo maawa ka sa katawan mo!" Sinermonan ako ni Terra "At kailangan natin gawin ehh! Tulungan si Cloude at hindi makikipag sagupaan na kung sino man iyon! Ang mahalaga mailigtas ang bawat isa sa kapahamakan!" Pag bibigay utos samin ni terra!
Natauhan ako sa sinabi ni Terra! Nawawalan nako ng Kompyansa sa sarili! Siguro nga kailangan ko na ng pahinga!
"Sige tara na at tulungan si Cloude! Walang uuwi hanggat hindi tayo kumpleto!"
Saktong duon naman nagising ang mga bata kaya pinaliwanag namin sa kanila ang nangyari!
"Kuya Gabby! Kilala ka daw ng lalaki nayun kaya kami sumama at hindi namin alam na may masama syang gagawin pala samin! Pag pasensyahan mo na po kuya!" Pag hihingi samin ng patawad na si Balana!
"Pero kuya Gabby! Mag ka kilala daw kayo nito kaya kami sumama! At ang pangalan pala nya ay si........
-----------------------------------------------------------------
Wala na talaga akong maisip na twist! Sorry na! Hahaha! Pero may naka save na drafts dito pero kailangan ko pang pagandahin! For now sorry!
BINABASA MO ANG
Magic(BxB)
FantasyHindi ko to inaasahan! Ano sya? Sino sya? At Sino talaga ako? Minsanan nalang po ako mag update ngayon sa story. pasensya na po.