Gabrielle's POV!
"Hahhh!" Gulat na gulat ako sa nakikita ko ngayon. Ayaw kong maniwala... hindi ako ang may kagagawan nyan.
Halos hindi ko na makilala ang Iskwelahan na pinapasukan ko ngayon sa kagagawan ng trahedyang ginawa ko!
Ang lupa ay nag hiwalay-hiwalay, Ang bubong ng paaralan ay halos paubos na at makikita mo yun sa parteng dagat!, ngunit ang Golem ay nanduduon parin pero hindi ito gumagalaw sa kanyang tinatayuan.
Nag tataka ako kung saan ko nakuha ang lakas ng kapangyarihan ko at ito ang kinalabasan. Isang "Trahedya"
May mga taong tumitingin sa akin na halatang takot at yung iba ay Punong-puno ng galit.
"Pa.. pa.. paano ko to maibabalik sa dati" mag uumpisa na sana ako lumikha ng mahika mula sa hangin upang ayusin at ibalik sa dati ang Iskwelanhan ngunit....
"Gabrielle tumigil ka na" pag sita ni Bartz sa akin. Kaya napatigil ako.
"Gusto ko lamang tumulong. Nang mapadali ang pag ayos........"
"Wag mo nang balakin pa Gabrielle!" Salitang pananakot na pasabi sakin ni Bartz.
"Hindi mo na kailangan pang tumulong. Sa gaya mong yan... hahahaha! Wala kana ngang magandang naidulot, nanira ka pa at nang pahamak pa! Kung ako sayo.... wag kanang bumalik dito at wag kana rin mag pakita pa samin!" Ng Bigla akung lumipad patungo sa pader at ang lakas ng Impact dahil makapangyarihan talaga si Bartz.
"Tumakbo kana hangga't kaya mo pa. Hahahaha! TAKBO!!!" At kumaripas na ako ng takbo dahil sinusundan ako ng nga mga lumilipad na mga bato dahil sa mahika ni Bartz!
Asshole! Damn you Bartz!!!
Nang makapasok na ako. Tumungo nako agad sa Office ng principal!
'Tok! Tok! Tok!'
"Sige! Pasok!"
Pag ka pasok ko ayy mukang bising-busy ang principal dahil may tatlong makakapal na libro syang binabasa mukang hindi biro ang kanyang hinahanap dahil Book of Gifts, The Ancient One at Book of the List.
"Ahm! Pinapatawag nyo daw po ako?" Nakayuko at nahihiyang pasabi ko.
"Ikaw pala yan Gabrielle!.... umupo ka muna"
Nag tataka naman ako dahil hindi sya nagalit sa aking prisensya at mahinahon nya akung pinaupo.
"Kamusta ka Gabrielle?"
"Ahm.... ayos lang hoh"
"Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. Saan mo nakuha ang iyong kapangyarihan? Paano ka naging ganun kalakas? Sino ka?"
"Hindi ko po alam! Wala akung alam kung papaano ko nakuha ang ganun kalakas na kapangyarihan!"
"Ganun ba. Sige umuwi kana at mag pahinga!"
"Sige hoh!" Nag paalam na ako at nag teleport agad papuntang bahay para wala ng may makakita sa akin..
Pag ka uwi ko hindi na ako kumain nag linis na agad ako ng katawan at isinuot ang damit na binigay ni Tita LJ.
"Aba! Sakto lang sakin... at Komportableng-komportableng suutin. At naka ramdam ako agad ng antok at humiga nalang akon agad. Wala ng bihis-bihis antok na talaga ako.
......................Nagising ako ng bigla ng may narinig akong kalabog sa baba. Bigla akung bumaba ng dahan-dahan upang hindi ako marinig...
Inikot ko ang buong bahay ngunit wala akung nakita.
"Huh? Siguro panaginip ko lang yun..." nang pahakbang na ako sa hagdanan ay biglang hinablot ang damit ko sa likod at tumilapon ako duon sa kahoy na lamesa.
"Ang sakit nun ahh!" Tumayo ako ng mabilis upang makita ko kung sino yung namasok sa bahay namin..
Ngunit wala akung naabutan.
"Nasaan ka!? Mag pa kita!" Inikot ko ang mata ko at nag handa sa mga susunod na pangyayari.
"Sumuko kana Gabrielle! Marami kami at napapaligiran ka nanamin" ngunit wala akong makita.
"Kung nag dodroga ka iwas-iwasan mo yan. Halos wala nga akung nakikita!" Bigla napuno ng tawanan at bahay na kanina ay napaka tahimik.
"Susuko kaba o tatapusin kana namin?" Pananakot sakin ng isang boses lamang ang naririnig ko.
"At bakit ako susuko!? Sa pag kakaalam ko wala akung kaaway. Kaya umalis kayo dito sa pamamahay ko ngayon na!" Pasigaw ko sabi sa kanila.
Ng bigla akung tinamaan ng Fire ball sa kaliwang braso ko.. buti na lamang at daplis lang... lumika ako kaagad ako ng Barrier dahil pinapaulanan na ako ngayon ng Mga Fire balls.
"Susuko kana ba?"
"Tumigil kayo! Hinding-hindi nyo ko makukuha" at patuloy parin ang kanilang pag pabato saakin ng Fire balls at nang isa-isa silang huminto hanggang sa tumigil sila.
Buti naman at huminto sila dahil ilang tama na lang ay Masisira ang ang Barrier ko.
"Bakit kayo huminto? Hahaha! Ubos naba kapangyarihan nyo?" Ngunit walang may sumasagot ng biglang May humila sa kamay ko paakyat ng kwarto ko. Hindi ko sya makita dahil madilim at nag mamadali kaming umakyat papunta sa kwarto ko.
"Kunin mo lahat ng Importante mong gamit at ilang Damit na pares lamang ang iyong dadalhin!" Utos sa akin ni.....
"Bartz! Pa.. pa.. huh? Ano? Pa... papaano ka nakapunta dito?" Nag tataka at gulat na gulat kong tanong nang makita ko sya?
Bakit nya ako linigtas at madaling-madali sya. Hindi ko maintindihan ang kinikilos nya ngayon.
"Kilos na! Bilis!" Pag mamadali sakin ni Bartz!
"Pano pag ayoko? Pano kung papatayin mo rin pala ako? Pano kung....."
"Pano kung batukan kita ngayon jan?" Pag putol ni Bartz sa sasabihin.
"Bakit ba? Anu bang meron? Kaya ko protektahan ang sarili ko OK! Kaya umalis kana" Naiinis ako kay Bartz. Ibang-iba ang kinikilos nya.
"Kumilos kana bago pa sila mag datingan dito kung hindi malalagay sa panganib ang buhay natin.. ay hindi buhay MO! Dahil iiwanan nalang kita dito, kaya kumilos kana!" Nag madali naman ako kumilos at kinuha ang mga gamit na importane para sa aking paglalakbay (Kung duon man ako patungo) dahil siguradong kakaylanganin ko to.
Kinuha ko ang litrato ni Tita lj. At nag iwan naman ako ng sulat sa harap ng pintuan nya na ako'y mamamaalam saglit.
"Wala kanang kailangan pa?" Tanong sakin ni Bartz.
"Wala na.... ay wait!" Napabalik ako bigla sa kwarto ko at kinuha ko ang dalawa sa pinaka mahalaga sa buhay ko.
Ang purselas nang aking ina at ang isang Bilog na kulay asul namay kidlat na naka ukit sa gitna ng dyamante.
"Ok I'm ready to go. Where are you taking me?" Bakit bigla akung sumasama dito sa Number 1 bully ko...
"To the Great Jhubi"
_______________________________________
Sana po ay nagustohan nyo ang aking story!
Subaybayan ang Storya nina Gabrielle at Bartz sa kanilang adventure at pag mamahalan!
BINABASA MO ANG
Magic(BxB)
FantasyHindi ko to inaasahan! Ano sya? Sino sya? At Sino talaga ako? Minsanan nalang po ako mag update ngayon sa story. pasensya na po.