Gabrielle's POV!Nagising nalang ako nung nakaramdam ako ng lamig sa noo ko. Pag ka mulat ko sa aking mata ay inikot-ikot ko muna sandali ng nakakita ako ng anino, ay hindi tao.
"Ahm! Excuse me nasaan po ako?" Bakit ang dilim dito. Isang Lampara lang ang tanging nag bibigay ilaw sa lugar na ito.
"Ikaw ay mag pahinga muna. Dahil mamaya ay kakailanganin mo ng lakas" sabi sa akin ng isang salamangkero.
.............Nung ako'y nakagising na at pinakain naman nya ako.
"Handa kana ba?"
"Para saan naman? Matanong ko lang po ngunit nasaan hoh! Tayo ngayon?" Nasaan ba kami ngayon hindi ko matandaan kung anung nangyari.
"Para gagawing nating ritual! Natatandaan mo ba ang mga higanteng halaman na humabol sayo?......."
"Ayun nga! Natatandaan ko na. Nilunok ako ng isang Halaman. Pero bakit buhay pa ako?" Ibig sabihin nasa Tyan pa kami ng Higanteng halaman?
"Hindi sila masamang halaman. Hinabol ka nila dahil isa dapat sa kanila ang may makalunok sa'yo at maibahagi ang kanilang kapangyarihan. Ngunit ang nakalunok sa'yo ay hindi bastang malaking halaman na katulad sa dalawa. Itong halaman ay 1000 years syang natutulog. At ikaw sa isang pinaka maswerteng naibahagian ng kapangyariang ito. Kaya ikaw ba ay handa na?"
"Kung ganon handa na ako! Sapat na ang lakas na meron ako ngayon"
"Kung ganon...."
Itiinaas nya ang kanyang kamay at nang biglang may lumabas na magic sign sa paligid ko.
Umikot ito sa akin at kunti-kunti akong nahihilo ngunit pinatatag ko ang sarili ko.
"Ngayon Gabrielle Ipakita mo ang palad mo at itaas mo ito"
At sinunod ko naman ang kanyang utos sa akin.
"Sunod nun Lumikha ka ng Anim na Dyamante ngunit sa tig iisa sa dyamanteng iyon ay likha sa Lahat ng elemento"
"Pero hindi ako Elementalist! Ako'y cleric manggagamot lang at hindi ko kaya ang dark magic"
"Kung ganon ay gawin mo na ngayon. Mag tiwala kalang sa sarili mo. Ibigay mo lahat ng meron kapangyarihan ka ngayon sapagkat ang kapalit naman nito at kalakasan. Maging matatag ka lang sa bawat desisyon mong gagawin"
At Huminga ako ng malalim.
Iniisa-isa ko ang bawat elemento at ang hinuli ko ang Dark dahil hindi ako sigurado kung magagawa ko ba?
"Sige kaya mo yan. Just clear you're mind ang just focus!" Pag momotivate sa akin ng salamangkero.
At nagawa ko nga. Natuwa naman ako sa sarili ko nakatuklas nanaman ako ng isang elemento.
Nang mabuo ko ang lahat ng elemento ay Umikot ito ng dahan-dahan hanggang sa bumilis ito nag kaisa na nag mistulang Isang diamante na may naka ukit na kidlat sa loob.
"Kidlat? Papaano? Ngayon ko lang nakita ang diamanteng iyan. Napaka swerte mo Gabrielle sapagkat ikaw pa lamang ang nag karoon ng isang kakaibang mahika. Ang kidlat ay para sa Panginoon lamang ngunit hawak mo ang kapangyarihan ngayon"
Manghang-mangha ang salamangkero sa diamanteng may naka ukit na kidlat.
"Ganon hoh ba! Ngayon may... kapangyarihan akong kidlat na ako lang ang meron. Ngunit hindi ko alam kung papaano ko ito ma cocontrol!?" Naguguluhan ako sa nangyayari.
"Nasasaiyo nayan Gabrielle. Ngayon iluluwa kana ng halamang ito at ikaw ay mag pasalam."
"Maraming salamat po sa iyong ibinahaging kapangyarihan sa akin......"
"Hindi mo na kailangan pang alamin ang pangalan ko iho! Sige na paalam at sa muli!" Nakangiti nyang pamamaalam sa akin at duon ay hinigop na ako paakyat ng halaman.
Ng ako'y nasa bunganga ng halaman ay napakapit ako sa isang ugat nito dahil siguradong mahuhulog ako.
Ng nakita ko nang bumuka ang bunganga nito bumitaw na ako sa ugat at pag ka tayo ko. Nakatingin lang sa akin ang higanteng halaman.
"Maraming salamat sa pag babahagi sa akin ng iyong kalakasan at kakaibang kapangyarihan. Ikaw ay naging mapangahas ngunit hindi ko naman inaasahan na ikaw pala ay mag bibigay lang pala ng iyong kapangyarihan. Salamat talaga higanteng halaman" naka ngiting at pag papasalamat at kong sinabi sa halaman.
Ang halaman naman ay umalis na papalayo sa akin ngunit nag bigay ito ng isang rosas sa akin gamit ang kanyang malaking ugat.
Tuwang-tuwa ako ng matanggap ko ito. Dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak.
Nag lakad-lakad ako upang hanapin si bartz ng makita ko ang ugat na nag hihiwalay sa amin ay tumakbo ako dito. Hinawakan ko ang ugat ang bigla itong gumalaw at pumailalim ito lahat.
"Gab! Maraming salamat at ikaw ay ligtas. Kanina pa ako nag hihintay sa'yo. Ginawa ko ang lahat masira ko lang yung mga ugat pero walang umipekto sa lahat ng mahika ko. Anung nangyari sa'yo?" Nag aalalang tanong sa akin si Bartz.
"Ayos lang talaga ako Bartz! Walang masamang nangyari sa akin. Ikaw mukang pagod ka. Halika dito" hinila ko sya sa isang puno at ipinasandal ko sya duon
"Mag pahinga ka muna" at ginawa ko ang nararapat.
Gamit ang Light magic Ibinalik ko ang dating lakas ng kapangyarihan na meron sya pero pinag pahinga ko muna sya saglit dahil halata sa posisyon nya ngayon.
Ng lumipas ang isa't kalahating oras ay nag umpisa ulit kaming mag lakbay malayo-layo narin ang aming nilakad at narito kami ngayon sa bukirin ng makaramdam ako ng may kumikilos sa amin.
"Bartz! Naramdaman mo bayon?" Pag tatanong ko sa kanya.
"Ang alin ang bawat galaw ng mga hayop?"
Ng biglang nag siliparan ang mga ibon.
"Gab! Takbo!" At tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa may tatlong babae ang humarang sa amin.
Ang isa ay summoner. Ang isa naman ay Cleric at ang isa ay Especialist.
Mukang malakas ang isang ito. At nag handa ako para sa susunod na mangyayari.
Yung summoner ay lumikha ng mga caster at sinugod agad kami nito.
Habang tumatakbo ang mga caster papunta sa amin ay lumikha sila ng 'water gun' at pinag babato kami ng water balls. Bigla naman akung lumikha ng Barrier upang sanggaan ang mahika nila. Ng sila ay makalapit sa amin ay duon na kami naki pag sapalaran sa mga kalaban.
_______________________________________
Sana po ay nagustuhan nyo ang aking story!
Subaybayan nyo ang storya nina Gabrielle at Bartz sa kanilang Adventure at Pag mamahalan.
BINABASA MO ANG
Magic(BxB)
FantasyHindi ko to inaasahan! Ano sya? Sino sya? At Sino talaga ako? Minsanan nalang po ako mag update ngayon sa story. pasensya na po.