Five

14.4K 1K 194
                                    

Kung kahapon tuwang-tuwa si Maine sa ganap, ngayon naman yamot na yamot siya. Wala pa kasing bumibili sa online shop niya kahit ilang beses niya i-refresh ang Facebook page.

"Camilla, may bagong dating ako na mga damit. Tignan mo dali ang Facebook Page ko sakaling may magustuhan ka..."

"Eh, ate, nag-iipon ako pampaputi nitong ipin ko..."

"Naku, yakang-yakang iyan ng balat ng saging! Huwag mong paggastuhan ng malaking pera iyan. Ibili mo na lang ng damit."

Camilla could only smile. "Sabi ng mga taga-marketing department, sinungaling ka daw na seller. Binentahan mo sila ng pabango na hindi naman gusto ni Sir Jhake."

"Baguhan ka pa dito kaya hindi mo pa alam ang mga tipo ni Jhake pero nababanguhan talaga ang boss natin sa pabango ko. Grabe lang siguro maglagay ng pabango ang mga taong iyon. Sinisiraan pa talaga ang maganda kong reputasyon."

Natawa si Camilla. "Honestly, ate, bumisita nga ako sa department nila at lahat ng cubicle dun iisa lang ang amoy. Nangati nga ilong ko kalaunan. Buti nag-iba ka na ng pabango kundi mauumay na talaga ako ng sobra."

"Alam mo, mautak lang akong tindera. Kung hindi mautak ang mamimili eh maiisahan ko talaga. But that doesn't mean my words are not reliable. That is sales talk to you." She smiled and stood up. "Ipapakita ko sayo na hindi ko kailangan magsinungaling para makabenta. Patutunayan ko na nakakaputi talaga ng ipin ang balat ng saging. Kukuha muna ako ng saging sa opisina ni Jhake."

"Naku, ate baka bumalik si Sir Jhake..."

"Huwag kang mag-alala maraming prutas iyon. Gusto mo dalhan pa kita, anong ng prutas ba?"

Agad na umiling ang dalaga sabay sabi, "Ayoko. Busog din naman ako eh."

"Okay."


*****


Huminto sa lobby ng MUNDO si Alden ng makita ang pamilyar na mukha ng babae kasama ang company profile nito. Tinignan niya ang katabi na si Kristoffer at tumango naman ang huli.

"That's your bride."

"Is this really her name?"

"Unusual, isn't it?" Kristoffer grinned at the name.

"It suits her. Very unusual." Alden scoffed and proceeded to walk towards the elevator. "But I don't know how to pronounce it."


*****


Lumabas sa opisina si Dei na ubos na ang dalang isang perasong saging. She sat back on her station and scrubbed the inner skin of the banana on her teeth. Natatawang nanonood si Camilla kasi nakakapangit ang ginagawa niya sa kalagitnaan ng trabaho.

Nang malapit na siya matapos, biglang huminto ito sa pagtawa at nahihiyang tinignan ang lalaking nakatayo sa tabi niya.

Dei felt sudden chills creeping on her nape when she noticed a pair of expensive shoes on the floor. Her eyes nervously trailed the whole length of his well-pressed trousers, that subtle bulge of Eden between his thighs, his familiar set of black Armani suit, and finally... the scowling face of M.U.N.D.O.

Nabitawan niya ang hawak na saging sa pinaghalong gulat at takot.

"Come to my office."

Patay!

Million Dollar GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon