Eighteen

15.5K 1.2K 223
                                    

*****

Please, don't forget to press that sweet star to vote if you like the story.

Enjoy!

*****



Gabi-gabi na hinahatid ni Alden si Dei pauwi. Dahil diyan, unti-unting nakasanayan na niya ang presensya ng binata at dahan-dahang napapalagay ang loob niya dito. Especially when he always takes her out to dinner before driving her home. Aliw na aliw siguro ito kakatingin sa kanya kumain kasi lagi niya itong nahuhuli na nakatingin sa kanya imbes na kumain.

"Maganda ba?" Ngiting tanong niya pagkatapos isubo ang isang kutsara ng adobong kangkong. Hindi na niya napigilan ang sarili na itanong ito kasi nakatitig na naman ito sa kanya.

He smirked, crossed his arms, and leaned on his back. "The food looks delicious when you eat it."

"Masarap naman talaga siya."

"Hmmm... I am not used to eating such type of food," wika nito habang titig na titig pa rin sa kanya.

Napangiwi si Dei. "Hindi naman puwede na lagi tayong kakain sa mamahaling restaurant. Try mo din dito sa karenderia. Masarap din 'tong mga putahe nila."

She gestured him to eat the food she ordered. Pero tinignan lang siya nito.

"Hay naku, susubuan kita ha?" Hinging-paalam niya bago kinuha ang kutsara nito at nilagyan ng kangkong at kanin. "Say 'ah'!"

"I am not a kid."

"Kainin mo na lang," she insisted.

He was forced to open his mouth for her and accepted the food. Nginuya nito ang pagkain while Dei eagerly waited for his approval.

"Masarap," he finally spoke out.

Agad na ngumiti si Dei sa galak. "Buti naman. Isa kasi ito sa paborito kong pagkainan."

"Tell me about it," sabi nito habang sumusubo ng pagkain. "Let's dine there next time."

"Yoko nga. Hindi sanay sa bodyguards ang mga tao dun. Tignan mo nga kung paano nila tignan ang convoy mo dito." Ngumuso siya sa itsura ng mga customers sa karenderia na pinagkainan nila.

He looked at the people around them. Some looked totally intrigued while others were downright uncomfortable at the presence of his securities. Usually naman, patago ang securities nito na susunod sa kanila. If they dine out on a place he knew, they would remain outside. Pero kapag ganitong lugar na hindi pa nito napuntahan, nagpapatrol ang mga ito.

"My men are not familiar with this place well. Kaya ganyan sila kahigpit tignan ngayon."

"Hindi ba puwede... wala na lang sila?"

"I can't, Dei. They are here to secure my safety."

"Bakit? Lagi ba may nagbabanta sa buhay mo?"

He smiled. "No one's dumb enough to threaten me, Dei. But I do have enemies. Ayokong magbaka-sakali." He watched her face carefully. "But I can ask them to loosen their security protocol a bit."

"Hindi ba sila nagugutom? Hindi mo pinapakain oh."

He chuckled at her unexpected question. "They have their own rules, Dei, that I am not allowed to meddle. Huwag mo silang kaawaan. Ang laki ng suweldo ng mga iyan."

Million Dollar GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon