Twenty-Eight

15.7K 901 218
                                    


*****


Dei slowly opened her eyes and saw crystal chandeliers hanging on the ceiling. Mabilis na umupo siya sa higaan at gulat na gulat na pinagmasdan ang paligid ng kwarto. She immediately recognized the room as the bedroom of last night's suite in Amelia hotel.

Her eyes wandered at the glorious morning view of the city on the glass wall across her bed. She couldn't help but stare at it. Parang may hangin sa loob ng ulo niya; lutang na lutang ang utak niya ngayon.

"Wala akong matandaan..." she muttered, relishing on the sight of the wonderful view before dragging herself out of the bed.

Pansin niyang may nakasulat sa hotel note sa end table. Kinuha niya iyon at binasa.

You can take a day off if you're having a headache. I prepared breakfast and hangover pill at the dining. If you need anything, ask the hotel manager or call me. I have an early meeting to go. Suit yourself here.

- Alden

Dei's brows met as she tried to recall last night's events. Hindi naman mahihimigan sa note nito na may ginawa siyang kagagahan. "Anong oras na ba?"

Her eyes went wide when she checked the time on her phone. Agad na tumakbo siya sa banyo para mag-ayos bago lumisan sa hotel. Breakfast, pill, and everything all forgotten when the clock striked at 9am. Ang dami pa niyang missed calls from Cam and Jhake.



*****



"Finally, you're here!" pasarkastikong sabi ni Jhake ng dumating siya. He almost spent an hour searching for a certain document on Dei's computer.

"Sorry I'm late, Jhake," aniya.

"Find Rosales Corps' revenues starting from 2013. I need it now," he ordered then stopped to check on Dei's clothes. "Same clothes..."

Napatingin sa sarili si Dei at agad na pinagalitan ang sarili. "Hindi ako natulog sa bahay kagabi."

"You had dinner with A, diba? Ang bilis niyo naman..." hindi makapaniwalang sabi nito bago naglakad pabalik sa opisina. Gusto niya sanang klaruhin kung ano man ang nasa isip nito pero halatang may hinahabol ito sa pag-alis.

"Ano nangyari du'n?" tanong niya agad kay Cam na busy sa task nito sa sariling computer.

"May gulo kasi sa Finance, ate. Hindi ata tama ang revenue na ibinigay ng Rosales Corporation at ngayon lang nahuli ang pagmamanipula nila."

"Oh..." Umupo si Dei swivel chair at inumpisahang hanapin ang hiningi ni Jhake. Malamang, ito ang pinagkakaabalahan din ngayon ni Alden.

It didn't take her long to find it and arranged it for printing. Habang naghihintay, tinignan niya ang online shop at nagreply sa mga curious buyers. May isang buyer ng lipstick na nagtatanong ng magandang color para sa morena; Ireregalo daw nito.

Binuksan ni Dei ang picture gallery para maghanap ng babagay na lipstick shade nang may nakita siyang nakakabigla. Agad na inilapit niya ang phone sa mukha para matingnan nang maayos ang imahe. Her eyes bulged out at the image.

"Juskopo..." she muttered while swiping pictures after pictures of Alden's selfie image. May nakangiti, nakasimangot, nagpapakyut, nagpapapogi, at nakalipbayt!

Million Dollar GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon