Chapter 2

949 42 15
                                    


Maaga akong nagising ngayon. Mahaba na rin ang naging tulog ko. Sa school ko na lang gagawin yung mga hindi ko pa natapos na assignments.

Mabilis akong naghanda para sa pagpasok. Ayoko naman na ma-late kay Ma'am, tama na yung isang beses niya akong pinahiya. Sabi nga nila, "Once is enough. Twice is too much."

Naglalakad ako sa school ng bigla akong tinabihan ni Pau.

"Good morning Lia." Kapag ganito ang mood niya sigurado akong masaya 'to.

"Good morning din Pau. Ang saya mo ata ngayon?" Minsan kasi nakaka-curious na yung pranka at masungit mong kaibigan ay bigla na lang sasaya.

"Wala lang. Feeling ko magiging masaya ang araw na 'to. Nararamdaman ko talaga." Ang weirdo naman nito. Hindi naman ganito ugali niya.

Ang tagal ng oras. Pagtingin ko sa relo ko ay 9: 30am pa lang. Dalawang teacher na rin ang lumabas sa room na 'to. Pangatlo na yung nagtuturo ngayon. Medyo nakaka-bored lang kasi History ang subject. Puro date, places, names and events. Kailangan mo i-memorize 'to, i-memorize 'yan. Nakakapagod kaya.

"World War II also known as Second World War and WWII, ay isang pang-global war na tumagal ng anim na taon. Nagsimula ito ng 1939 hanggang 1945, pero yung mga problema at conflicts ay nangyari na before the war started. Kasama na sa World War II ang iba't-ibang bansa kasama yung may malalakas na kapangyarihan . No'ng lumaon nagkaroon ng dalawang panig, ito ang Allies at Axis." Nakakaloka. Kaya ayoko sa history. Duduguin ang utak ko mas okay pa ang English and Science.

"Isang daang milyong katao ang nadamay sa digmaan na ito." Bago pa madugtungan ang sasabihin ni Sir para sa topic na 'to ay narinig na namin ang tunog ng bell. Pagkalabas ni Sir ay kanya-kanyang unat ng mga kamay at hikab ang mga classmates ko. Yes, tapos na rin.

"Lia, tara punta na tayong canteen." Aya sa 'kin ni Pau.

"Ano Pau? Nakausap mo na ba siya? Pumayag ba?" Tinatanong ko yung tungkol sa plano namin para makausap ko si Josh.

"Hindi ko na siya tatanungin lero sigurado akong makakapag-usap kayo mamaya. H'wag mo na 'yang problemahin. Tara kain na tayo?" Malamang magagawan niya talaga 'yan ng paraan. Isa kaya si Pau sa mga magagaling na theater actress sa school laging read role ang nakukuha niya.

"Sige, tara na Pau? May tiwala naman ako sa 'yo." Sinimulan na nga naming maglakad papuntang canteen.

"Ang pogi no'ng transferee."

"Sana maging kaklase ko siya."

"Nakita niyo na?"

"Oo, pero mukhang hindi ata 'yon papasok ngayon."

"Dumaan lang daw kanina sa Administration Office. Tapos may iilang nakakita."

"Excited na akong pumasok siya. Kahit half na ng year na lang yung natitira."

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa kung kani-kaninong tao. Masyado talagang big deal at trending sa mga kababaihan yung transferee. Nakakairita kaya.

"Order na tayo Lia." Aya sa 'kin ni Pau.

"Tara. Anong kakain mo?" Tanong ko sa kan'ya.

"Siguro magsandwhich na lang ako ngayon. Ikaw?" Wow! Diet ata ngayon sa pagkain? Baka pinaghahandaan din yung transferee?

"Pizza and spaghetti tapos baka magdagdag ako ng fries." Sabi ko kay Pau.

Pagkabigay sa 'min ng order namin ay umupo na kami sa pandalawahang table. Patapos na akong kumain pero siya ay nakalalahati pa lang.

"Ano ka Pau? Super diet? Baka pinaghahandaan mo rin yung pagdating ng transferee?" Tanong ko sa kan'ya. Nakaka-curious kaya. At imbis na sagutin ako ay tinaasan lang ako ng kilay. Wow.

Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon