Nakaupo ako sa isa sa mga upuan ng park. Iyak pa rin ako ng iyak dahil sa mga nangyari kanina. Yung ex-boyfriend ko at bestfriend ko ay niloko ako, sinong hindi masasaktan?
Nagulat ako ng may biglang tumabi sa 'kin at yumakap. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakahuma.
"Sino ka? Ba't ka ba yakap ng yakap?" Tanong ko sa sino man ang yumakap sa 'kin. Biruin mo na lahat, h'wag lang ang bagong broken hearted.
Pero imbes na tanggalin sa pagkakayakap ay hinimas niya pa yung kamay niya sa likod ko. Hindi ko man siya kilala pero aaminin ko na ang sarap sa feeling ng may yumayakap sa 'yo.Napahagulgol na naman ako. Ganito, ganito niya ako i-comfort dati, ganitong-ganito. Hindi ko na mapigilang umiyak muli. Kahit pagod na pagod na ako, hindi pa rin ako natitigil sa pag-iyak.
"Pasensya na kung yinakap kita. Nakita kasi kita na mukha kang may problema." Pagpapaliwanag niya kung bakit niya ako yinakap.
"Okay lang 'yon. Actually, gumaan ang pakiramdam ko kahit mabigat pa rin. Atleast nabawasana kahit onti." Sabi ko. Siguro hindi naman masamang magshare ng problema sa hindi mo kakilala. Malamang ngayon ko lang naman siya makikita.
"Ang sakit pala. Akala ko magiging okay ako kapag kinausap ko siya. Marami nga sigurong namamatay sa maling akala. Akala ko tapat sa 'kin yung best friend ko pero hindi rin pala." Nakita ko sa mukha niya ang gulat.
"Sorry. Uuwi na lang ako." Tsaka ako tumayo. Maglalakad na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Hindi. Okay lang, p'wede mo akong pagkuwentuhan ng problema mo." Sabi niya. Nakita ko naman na seryoso siya sa sinabi niya kaya bumalik ako sa pagkakaupo.
Tumingin ako sa kalangitan. Ang ganda pagmasdan ng mga bituin na kumikinang."Ang ganda ng mga bituin ano? Akala ko dati, silang dalawa ay parang bituin. Alam mo 'yon? Natutuwa ako kasi para silang bituin na napaka-imposible makuha pero naabot ko. Si Pau, maganda, mabait, magaling umarte at mayaman. Akala ko hindi ko na siya magiging kaibigan kasi magkaibang-magkaiba kami pero naging magkaibigan kami. Si Josh, akala ko hindi ko siya maaabot kasi sikat siya, heartthrob pa. Pero naging kami." Pagkukumpara ko sa dalawang taong minahal ko sa bituin.
"Pero alam mo yung masakit? Yung niloko ako noon ng boyfriend ko. At nand'yan lagi yung best friend ko. Pero ang mas masakit ay kaya pala ako nagawang lokohin ni Josh ay dahil mahal niya yung best friend ko. Okay naman sana ako ro'n, makakamove on din ako. Pero yung alam pala ng best friend ko na mahal siya ni Josh?" Naiiyak na naman ako. "P-para-ng n-nilo-ko n-nila a-ako eh." Humihikbi kong kwento.
"Alam mo? Baka naman may dahilan yung best friend mo? Sometimes we are afraid to tell someone want we know because we are afraid to lose and hurt them." Bigay payo niya sa 'kin.
"Sa tingin ba nila dahil sa ginawa nila hindi ako mawawala? Hindi man nila na mamalayan pero dahil sa ginagawa nila unti-unti na akong nawawala. Kailangan ko pa bang pakinggan yung paliwanag niya? Kung alam ko naman at naiintindihan ko nang niloko niya ako. Para ano? Para lokohin niya ulit?" Hindi ako sigurado kung ang maririnig ko kay Pau ay totoo pa.
"Re-respetuhin ko ang desisyon mo." Sabi niya.
"Pero simula bukas, kakalimutan ko na. Kakalimutan ko na, na may best friend ako at ex-boyfriend ako. Magmomove on na ako." Determinado kong sabi habang nakatingin sa mga halaman sabay tingala para makita ang kalangitan nagliliwanagbna buwan.
"Baka nakakaabala na ako sa 'yo?" Tanong ko. Nakakahiya mukhang nakain ko na ang maraming oras niya.
"Hindi naman. Pero maggagabi na, mabuti pang ihatid na kita sa inyo." Pagaaya niya sa 'kin.
"Ah. Hindi na. Malapit na naman ako rito." Nakakahiya naman na naabala ko na siya, ihahatid niya pa ako.
"Hindi ko tatanggapin ang sagot mo bukod sa pagpayag mo. Gabi na, delikado." Sabay abot niya sa 'kin ng helmet.
"Sige na nga." Suko na ko. Kahit ano naman atang paghindi ang gawin ko ay pipilitin niya pa rin ako. Nauna siyang umupo sa motor bago ako. Pagkaupo ko sa likuran ay sinimulan niya na itong paandarin.
"Ganito ka ba lagi? Laging dalawa dala mong helmet? Siguro lagi kang may sinasakay dito ano?" Pagbibiro ko sa kan'ya. Binabalot na ng lamig ang balat ko.
"Hindi ah. Ngayon lang 'to." Sabi niya. Nahirapan akong marinig siya dahil sa naka-motor kami.
"Kung nagkataon pala na wala kang helmet ay hindi mo rin ako maihahatid." Sabi ko sa kan'ya.
"Hahahaha." Tinawanan lang ako.
Pagkatapos kong magturo-turo sa ibang direksiyon para makarating sa bahay ay bumaba agad ako ng motor. Inayos ko ang damit ko, nalukot kasi dahil sa hangin. Tinanggal ko na yung helmet. Ang bigat pala.
"Maraming salamat sa paghatid sa 'kin at sa pagcomfort." Sabi ko sa kan'ya ng sincered.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nilapag ko muna yung bag ko tapos naghanda nang makakain ko.
Nagawa ko na lahat. Nagawa ko na rin yung assignment ko nang mapagtanto kong hindi ko pala nalaman yung pangalan no'ng lalaki kanina. Ano kayang pangalan niya?
Nakahiga na ako sa kama nang maalala kong may gagawin pa pala ako. Naglabas ako ng isang pirasong papel at ballpen. Nagsimula na akong magsulat sa pinakataas ng: Lia's 13 Ways To Move On.
1. Kumain ng ice cream.
2. Magbar hopping.
3. Sumali sa isang organization.
4. Magsky diving.
5. Magscooba diving.
6. Magsimba.
7. Maging busy sa school.
8. Magcamping.
9. Manood ng sunset at sunrise.
10. Hindi ko muna sila papansin hanggat hindi ako nakakamove on.
11. Kakalimutan ko lahat ng nangyari.
12. Humanap ng bagong kaibigan.
13. Hindi na muling iibig pa.Nang matapos ako sa 'king paglilista sa kung ano sa tingin ko ang makakatulong sa 'kin sa pagmomove on. Kinuha ko sa bag ko ang wallet, nilagay ko ito ro'n at tinanggal ang picture namin ni Pau.
Ibinalik ko na ulit yung wallet ko sa bag ko. At tsaka ako nahiga sa kama.
Panibagong araw na naman bukas. Sana kahit panandalian ay mawala naman yung sakit. Sana talaga.
Ipinikit ko na yung mata ko at hindi nga nagkamali dahil hinila agad ako ng pagod at antok.
BINABASA MO ANG
Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)
Teen FictionA girl torn between moving on because of betrayal of her boyfriend and best friend. But what if someone will come to her life, will she give it a chance to fall in love or not?