Ngayong araw na iyong Christmas Camping at 4pm ang call time, 2pm na ngayon. At hindi pa ako naghahanda at kumikilos. Wala naman kasing text si Pol kung tutuloy siya or hindi. Baka hindi na rin ako tumuloy. Sanay naman akong magcelebrate ng Christmas mag-isa.Bago ko pa maituloy ang iniisip ko na hindi ako pupunta ay may kumatok sa pinto.
"Ano po 'yon?" Tanong ko.
"Ba't 'di ka pa naghahanda? Christmas Camping ngayon ah." Sabi niya.
"Sabi ko kasi sa sarili ko kung hindi ka pupunta ay hindi na rin ako pupunta." Sabi ko naman. Wala naman ako ka-close do'n kung sakali.
Pinaghanda niya na ako, and God knows kung paano ako magmadali. I saw irritation sa mukha niya, paano ba naman 3:30pm na at patapos pa lang ako magbihis.
"Uy, sorry na." Nagpa-cute pa ako para maging effective.
"Okay, okay. Let's go?" Sabi niya na para siyang natalo.
Pagkarating namin ay wala kaming naabutan na bus. Patay! Naiwan ata kami dahil sa akin.
"Sorry na-late at naiwan tuloy tayo dahil sa kabagalan ko." Sabi ko sabay yuko.
"Okay lang, tara mag-airplane na lang tayo." Sabi niya. I don't know if he's throwing a joke or not.
"Seriously?" Tanong ko.
"Oo, wait tawagan ko lang si Dad." Sabi niya sabay labas ng kaniyang phone. May pinindot siya rito at saka itinapat sa kaniyang tainga.
"Dad we need a flight to Zambales right now." Wow. Inutusan niya pa papa niya.
"Okay. Bye." Tapos binaba niya na iyong phone.
"Let's go?" Aya niya.
Hindi na ako sumagot pareho kaming sumakay sa kotse niya at pumunta ng airport.
Ang pagkakaalam ko ay half of an hour lang ang biyahe ng maynila to zambales.
Habang nakasakay kami sa airplane ay kinulit ko siya para malaman kung paano siya agad nagkaroon ng tickets.
"Paano nga?" Kulit ko sa kaniya.
"My dad have his connectionfrom different people. He is a businessman. He owns a company built by his father. And my mother is the school president of Gomez High School." Pagpapaliwanag niya. Napanganga talaga ako.
"Ibig sabihin RK ka pala? May school naman kayo pero bakit mo piniling lumipat?" Tanong ko. I asked again, kapg nagtanong ka kasi ng isang beses ay tuloy-tuloy na ang magiging tanong mo once na sinagot ka.
"For a change?" Sabi niya.
"Ah." Hindi na rin ako nakapag-bigay ng topic dahil malapit ng lumapag ang airplane sa sinasakyan namin.
Pgkarating namin sa lugar kung saan magca-camping ay 5:30pm na. Iyong mga tent ay nakatayo na.
Iginiya kami ng teacher namin sa tent namin.
"Tinawagan ako ng mama mo Pol kaya pinatayuan ko na kaying dalawa ng sarili niyong tent." Sabi ng teacher namin.
Inilapag namin yung mga gamit namin sa tent na para sa amin. Agad din naman kaming lumabas. Pagkalabas naman namin ay may kaniya-kaniya silang ginagawa. Pumunta kaming dalawa ni Pol sa dalampasigan at doon naupo.
"Ang ganda no'ng araw 'no?" Sabi ko sa kaniya pero iyong mga mata ko ay nakatutok pa rin sa papalubog na araw.
"Mas maganda ka naman d'yan." Sabi niya. I make face, hindi naman kasi ako naniniwala.
"Swear! Maganda ka nga." Ginawa niya na naman yung pamamanata sign niya. Bajit kapag siya ang gumagawa ay mas nagiging pogi siya?
"Oo na. Oo na." Pagsang-ayon ko. Nagulat naman aki dahil bigla na lang siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)
Teen FictionA girl torn between moving on because of betrayal of her boyfriend and best friend. But what if someone will come to her life, will she give it a chance to fall in love or not?