Chapter 4

697 34 4
                                    


Nang marinig ko ang alarm clock na mag-ring ay agad akong napabalikwas. 5:45 am na pala. Naghanda na ako ng school unifrom ko. Hindi ako pumasok kahapon kaya hindi na ako pwedeng umabsent. Once is enought, twice is too much. Hindi naman porket niloko nila ako hihinto na ang mundo ko. Ako na yung niloko, ako pa 'yong maga-adjust?

6:30 am nang mapagpasyahan kong umalis na ng bahay. Siguro makararating ako sa school ng 6:45 am. Nang makarating ako sa school ay ang daming grupo ng mga babae ang nag-uusap.

"Grabe. Ang gwapo niya talaga."

"Sana classmate ko na lang siya."

"Do'n na ba talaga siya? Hindi na siya lilipat ng ibang section?"

"Ang swerte ng magiging classmate niya. Araw-araw silang makakakita ng gwapo."

"Ang tangos ng ilong ano? Tapos ang puti pa."

Ano bang nangyayari sa mga babaeng 'to? Nawala lang ako ng isang araw ay parang nawala na ako ng buong school year. Binilisan ko na lang 'yong paglalakad ko para makarating agad ako ng room.

Saktong pagkarating ko sa room ay 6:55 am kaya naman hindi pa ako late. Buti na lang din at wala pa si Ma'am Evil. Nakita ko naman si Pau na nakaupo sa upuan niya. Tinignan niya ako pero iniwas ko na lang 'yong tingin ko.

"Good bye, see you on monday." Sabi ni Ma'am Evil. Isang oras pa lang pala ang lumipas pero hindi ko man lang namalayan.

Pagkalabas ni Ma'am Evil ay may pumasok agad. No'ng una ay hindi ako nagtataka baka kasi yung teacher namin 'yon. Pero no'ng makita kong estudyante rin ay grabe yung pagtataka ko.

Ito ba yung sinasabi nilang transferee? Matangkad, maputi, makisig ang katawan, may makapal na kilay, may matangos na ilong, hindi singkit pero hindi rin bilugan ang kanyang mata at may mapulang labi, parang ang lambot. Ano bang iniisip mo Lia? May pamalambot-lambot ka pa!

Hindi ko namalayan na nand'yan na yung teacher namin kaya naman napagalitan ako.

"Miss Alvarez? Miss Alvarez! Dito ka pa nagde-daydreaming, sa harap mismo ng klase ko?" Sabi ni Sir Math Freak.

"Sorry Sir. Hindi na po mauulit." Sabi ko na lang. Bakit ko pa ipaglalaban kung ang ending naman ay matatalo lang ako?

"Sit down." Hudyat ito para maupo na kaming lahat.

Nagulat ako dahil paglingon ko ay katabi ko na yung lalaking late pumasok kanina. Pero wait, mukhang kilala ko siya. Nagkita na ba kami?

"Good bye! See you on monday class!" Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase dahil sa kakaisip kung saan ko nakita yung lalaki kanina. Pamilyar na pamilyar kasi siya sa 'kin.

"Absent ka kahapon?" Nagulat ako dahil kinausap niya ako.

"Oo." Iniklian ko lang talaga 'yong sagot ko. Mamaya masabihan pa ako ng feeling close.

"Ah. Kaya pala hindi kita nakita kahapon, I see." Sabi niya. Akala ko okay na, aalis na sana ako kaso napahinto ako nang magpakilala siya.

"Ako pala si Pol short for Apolinario Gomez III. Ikaw?" Pang-matanda naman pangalan niya. Ang gwapo nga pero makaluma ang pangalan.

"Ako naman si Lia short for Cecilia Alvarez." Nagpakilala na rin ako kasi nagpakilala siya. Ang bastos ko naman kung hindi ko siya papansin.

"Nagkita na ba tayo? Parang pamilyar ka kasi eh." Hindi lang pala ako yung nakapansin.

Nagulat ako ng bigla niyang sabihin na, "Ah ikaw pala yung babae sa park no'ng isang araw na umiiyak diba? Kaya pala wala ka kahapon."

"Ikaw pala 'yon? Kaya pala parang pamilyar ka rin hindi na kita namukhaan no'ng isang araw dahil sa pagod." Sabi ko. Okay naman, I mean magaan yung loob ko sa kan'ya.

"Okay ka na ba talaga?" Tanong niya sa 'kin.

"'Di ko sure. Parang, pero para ring hindi eh." Sagot ko.

"Alam mo para maging maayos ka na, may pupuntahan tayo." Tinulungan niya na akong mag-ayos ng gamit ko at ilagay sa bag. Kanina pa pala siya nakaayos ng mga gamit niya.

Nasa harap na kami ng motor niya, nang isuot niya sa 'kin yung helmet. Hindi agad ako nakahuma. Nakakabigla naman kasi.

Tahimik kaming bumiyahe. Magdidilim na rin nang makarating kami sa ice cream parlor, malayo-layo rin ito sa Maven University na pinapasukan namin.

"Ano bang ginagawan natin dito?" Tanong ko sa kan'ya.

"Kapg kasi nalulungkot ako o 'di kaya naman ay marami ang problema ko, dito akp pumupunta para mag-relax. Nakaka-relax kasi ang pagkain ng ice cream." Kuwento niya.

"Sige na nga. Andito na rin naman tayo." Tapos pumasok na kami sa loob. Bumili siya ng dalawang gallon.

"Ang dami naman ata n'yan? Pero sabagay kaya kong ubusin ang isang gallon lalo na't cookies 'n cream ang flavor n'yan." Paborito ko kasi 'yon. Lalo na yung maliit na cookies, ang sarap.

"Puwede bang h'wag na lang tayo rito kumain? May alam akong kung saan maganda." Sabi niya.

"Okay lang. Basta iuuwi mo pa ako." Biro ko sa kan'ya.

Pumunta kami sa Seaside Moa. At naupo sa harap ng sea. Sinimulan niya nang buksan at ihanda ang ice cream. Hindi pa naman ito natutunaw dahil malapit lang dito yung pinagbilhan namin kanina.

"Buti hindi natunaw yung ice cream natin." Sabi ko.

"Oo nga eh." Sabi niya.

Grabe, kapag nilibot mo yung mga mata mo sa paligid makikita mo talaga yung ganda. Iba't-ibang kulay ng ilaw. Tapos yung buwan.

"Ang ganda pala rito 'no?" Tanong ko sa kan'ya.

"Oo, dito ako pumupunta kapag may problema at malungkot ako. Dito ko rin kinakain yung ice cream, ang sarap kasi pagmasdan eh." Sabay libot ng mga mata niya sa paligid.

Sinimulan na namin na kumain ngnice cream. Ang sarap sa feeling, nakakawala ng pagod at lungkot.

"Alam mo bang ngayon pa lang ako nakapunta rito?" Taning ko sa kan'ya. Hindi kasi ako sanay ng tahimik. Kapag kasama ko kasi si Pau lagi kaming mainga-. Hindi ko na natapos dahil na aalala kong hindi ko pala muna sila iisipin.

"Talaga? Buti at pumayag kang pumunta rito." Sabi niya. "Sa susunod na punta natin dito ay sumakay tayo ng ferris wheel." Dagdag niya.

"Kapag nagkaroon ulit tayo ng time." Sabi ko.

"Promise?" Sabi niya. Ano ba 'to? Para naman kaming mga bata.

"Para naman tayong bata, pero sige. Promise." Sagot ko.

Hindi namin namalayan na ubos na pala namin 'yong ice cream.

Parang ang bilis naman ng oras. Tinignan ko yung relo ko, 9:00 pm na pala.

"9:00 pm na pala. Maggagabi na." Sabi niya. "Tara uwi na tayo. Hatid na kita." Ayan niya sa 'kin.

"Mabuti pa nga." Sabi ko.

Halos isang oras at kalahati ang naging biyahe namin pauwi.

"Maraming salamat Pol. Nag-enjoy ako." Sabi ko. Totoo, unang beses kong mapuntahan 'yon at nagandahan ako. Hindi naman kasi ako gala dahil hindi ko kabisado ang lugar dito.

"Ako rin nag-enjoy. Sana may next time pa Lia." Sabi niya.

"Promise nga. Sige pasok na ako. Bye, ingat ka Pol." Sabi ko sa kan'ya. At sinimulan niya na ring paandarin ang motor niya.

"Bye." Kumaway siya bago ipinaandar ang kan'yang motor.

Pero bago ako pumasok ay sinigurado ko munang umalis na siya. Nakakapagod na araw.

Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon