Dedicated to AnakniRizal
Months passed by, naging busy ako sa school dahil sumali ako sa Publication ng school. Sa totoo lang, dapat ako ang Editor-in-Chief ng publication ngayon pero hindi ko tinanggap dahil gustong-gusto ito ng classmate ko noon. Kaya mabilis din akong tinanggap ngayon sa publication kahit 4 months na lang ang school year lalo na ngayong biglaang nag-transfer ng school ang editor ng proofreading kaya ako ang gumagawa nito ngayon.
"Ginawa ko lahat to make myself more busy. Nasa publication office ako ngayon at nagta-type at edit ng mga article. Inuna ko nang i-edit yung mahihirap na field gaya ng News and Science. Nang bigla akong may narinig na kumatok sa pintuan, hininto ko muna ang pagta-type at binuksan ko ito.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa lalaking nasa pintuan.
"Dinalhan kita ng pagkain." Sabi niya.
"Pol pwede ba? Busy ako." Sabi o bumalik na ulit ako sa upuan kaharap ng computer.
"Kumain ka na muna kasi. Dali na." Sabay abot niya ng pagkain-- isang mini cake at pineapple juice. Kinuha ko na ito. Nakakahiya naman sa effort niya kung babaliwalain ko ito.
"Akin na nga. " Sabay kuha ko ng pagkain sa kamay niya.
Natapos ako magproofread ng mga article sa publication ng hindi ako tinatantanan ni Pol. Simula ata ng maging magkakilala kami ay lagi niya na akong ginugulo at kinukulit.
"Busy ka ba bukas?" Tanong niya.
"Oo. May sinalihan kasi akong grupo yung Save the Mother Earth. Tapos bukas magtatanim kami ng mga puno." Sabi ko.
"Pwede ba kong sumama?" Tanong niya. Hanggang sa pagtatanim ba naman Pol?
"Member ka ba?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi." Tapos naglungkot-lungkutan siya.
"Hindi naman bagay sa 'yo." Pang-aasar ko.
Matapos ang ilang oras na bjyahe ay nakarating na kami sa pagtataniman namin. Lahat kami ay naka-green tapos may naka-print na Save the Mother Earth. Bago kami magsimula ay may sasabihin daw muna yung presidente.
"Bago tayo magsimula gusto kong sabihin na may makakasama tayo ngayon. Karamihan sa mga kagamitan natin ngayon ay dinonate ng family niya. Please welcome to our group, Mr. Gomez." Sabi ni Ma'am Anne. Wait Gomez? Hindi naman siguro si Pol 'yon.
All my hopes got down when I saw the familiar man who always with me the passed few months.
"Maaari na nating simulan." Tapos kaniya-kaniya na kaming kuha ng mga gamit. Tumabi naman ako sa mga kakilala ko.
Kalahating oras na ata ang nalipas nang magsimula kaming magtanim. Tagaktak na ang mga pawis ng bawat isa sa 'min.
"Pol paabot naman ng pala." Sabi ni Tine.
Nang buhatin ko ito tsaka ko na-realize na hindi ko pala kaya dahil mabigat ito. Hindi ki napansin na may tao na pala sa gilid ko.
"Tulungan na kita. Ako na r'yan." Sabay buhat niya sa pala.
Ilang minuto lang din ng matapos kaming magtanim. Nagulat na lang ako nang pagkatingin ko kay Pol ay nakahubad ito ng kaniyang damit. Wow. May maipagmamayabang pala 'tong lalaking 'to. Hubog na hubog na ang kaniyang abs. Konti na lang at magiging walo na ito. Dagdagan pa ng pagiging maputi niya.
"Pinagpapantasyahan mo ba ako?" Tanong niya sabay smirk.
"Hindi 'no. Ba't naman kita pagpapantasyahan aber?" Balik kong tanong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)
Teen FictionA girl torn between moving on because of betrayal of her boyfriend and best friend. But what if someone will come to her life, will she give it a chance to fall in love or not?