Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong huli kaming nagkita at nagka-usap ni Pol sa hospital. Friday ngayon at hindi niya pa rin ako kinakausap at pinapansin. Isang araw na lang at magiging isang linggo na ang nakalipas. Aaminin kong nagu-guilty talaga ako, may mali naman kasi talaga ako pero hindi ko rin kasi siya magawang kausapin dahil lagi niyang kasama si Pau."Magandang umaga." Bati ng teacher namin sa Filipino.
"Magandang umaga rin po Binibining Lopez." Sabi naming lahat. Pinaupo niya na rin kami pagkatapos naming magbatian.
"Ilabas niyo ang inyong batikan." Utos ni Ma'am sa amin. Tinutukoy ni Ma'am ay yung manipis na libro na parang compilation ng worksheet for the whole grading period. "Ilagay niyo sa page thirteen at ilabas niyo rin ang inyong libro na El Filibusterismo. D'yan niyo makukuha ang sagot para sa 'ting gawain ngayong araw." Dagdag ni Ma'am.
Ilang oras akong hindi nakapag-concentrate dahil sa pagsulyap-sulyap ko kay Pol. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.
Isang beses pa akong sumulyap sa kaniya ulit ng mahuli ko rin siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Kaya naman iniwas ko agad yung tingin ko sa kaniya. Feeling ko rin kasi ay namumula na iyong mukha ko.
Buti dumating na yung adviser namin para sa huling subject.
"May announcement ako bago kayo umuwi." Sabi ni Sir Marasigan. "Magkakaroon tayo ng camping at do'n na natin gagawin ang ating Christmas Party bali magkakaroon tayo ng isang Christmas Camping this year sa December 18 na 'to." Dagdag ni Sir. Bago lang ang camping ngayon puro kasi Christmas Ball ang ginagawa dati na event. I-diniscuss pa ni Sir Marasigan yung babayaran at kung hanggang kailan lang ito.
Hanggang sa matapos ang oras ng klase ay hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Ano iyon? Bakit ganoon?
Sabado na at tamad na tamad akong tumayo ngayon. Pero kailangan kong pumunta ng school dahil tinext ko si Pol kagabi na magkita kami ngayon. Umaasa akong binasa niya ito at pupunta siya.
Andito na ako sa isa sa mga bench ng school sa freedom park. Iniintay ko siya.
'Anditi na ako sa loob ng school sa may freedom park.' Text ko kay Pol.
Hours passed by, andito pa rin ako. Umaasa pa rin talaga ako kahit na ang tagal ko nang naghihintay dito.
'Andito pa rin ako. Hihintayin kita.' Text ko ulit.
Sa kakahintay ko ay hindi ko na namalayan na magtatanghali na pala. Kumukulo na rin iyong tyan ko pero hindi pa ako pwede kumain at umalis dahil baka dumating iyon ng wala ako rito.
Hindi nga ako nagkamali dahil after thirty minutes nang paghihintay ay dumating na siya. Pero mukhang iba ata ang aura niya ngayon para bang ang lungkot niya.
"Ang kulit mo talaga. Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin. Napangiti naman ako dahil kahit papaano ay nag-aalala pa rin pala siya sa akin.
Pero mukhang hindi ko na ata kailangan dahil bigla na lang itong narinig at kumulo yung tyan ko.
"Ang kulit kasi. Tara na nga." Siguro kung nasa normal kami ngayon ay matatawa na siya pero hindi. Hinila niya na agad ako papunta sa kaniyang motor. Isinuot niya sa akin yung helmet gaya ng dati niyang ginagawa.
Pumunta kami sa isang restaurant. Kumain kami roon at sinagot niya lahat ng bills.
"Tara. Iuuwi na kita." Sabi niya sabay abot ng helmet. Hindi ko ito kinuha sa halip ay tumakbo ako sa may park malapit sa restaurant.
Ramdam ko iyong init sa katawan ko pero hindi ko na ito ininda. Pagkahinto ko sa loob ng park ay tagaktak at tulo nang tulo ang pawis ko. Sumunod din naman siya dala yung motor niya.
BINABASA MO ANG
Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)
Genç KurguA girl torn between moving on because of betrayal of her boyfriend and best friend. But what if someone will come to her life, will she give it a chance to fall in love or not?